9th Affair (MILA YSHNA ORDOÑEZ POINT OF VIEW) “MOMMY, si daddy kailan wake up?” Nakangusong tanong sa akin ni Tyrone iyan habang binabantayan namin si Seth na natutulog dito sa hospital. “sabi ng doctor sa atin we need to wait for 72 hours,” sagot ko sa kaniya. “Ilang days po ang 72 hours?” tanong niya sa akin. “3 days, Tyrone.” “Ang tagal naman po! I want to see Daddy awake na, mas gusto ko pag awake siya kesa natutulog with tubes on his body,” saad niya dito. “Then let’s pray for it. Sabihin natin kay Papa God, i-request nating magising na ang Daddy mo. I think he will listen to us.” Suwestiyon ko sa kaniya, ngumiti naman siya at agad na nag-pray pero natigil siya sa kalagitnaan ng prayer niya. “Bakit ka tumigil anak?” I asked him. “Mommy, ‘di naman siguro magagalit si Daddy