(MILA YSHNA ORDOÑEZ POINT OF VIEW) “GOOD MORNING!” malakas na sigaw ni Seth dahilan para magising ako mula sa aking pagkakahimbing at saka niya ako yinakap ng sobrang higpit. “Baka mayupi ako Seth,”angal ko sa kaniya at mahina akong tumawa. “Hindi ka mayuyupi kasi masarap kaya ako yumakap. Para akong si Tyrone kung yumakap,” sabi niya sa akin. “Siyempre, anak mo siya kaya mana sayo ’yon,” sabi ko sa kaniya at hinalikan ko siya sa labi niya. Mahigit Apat na taon na rin pala mula ng pagbigyan ko si Seth na magsimula kami sa simula at hayaan siya na matutunan kong mahalin. Apat taon na rin pala mula ng mangyari ang lahat. At ngayon, masaya na ako kasama ang pamilya ko, pakiramdam ko sobrang perpekto na namin. “Mom! Dad! Mali-late na ako!” sigaw ni Tyrone mula sa ibaba nagkatinginan kam