(MILA YSHNA ORDOÑEZ POINT OF VIEW) TAHIMIK na akong nakaupo sa sasakyan habang nagmamaneho si Seth. Hindi ako makapagsalita, nauutal ako at walang makalabas na salita sa labi ko para akong tanga na nasa state of shock. Sa dinami- dami ng maaring maging guro bakit s’ya pa? And why the hell did he qualified as a professor? I mean, that subject was his weak point in college. “Are you okay?” Seth asked me. Tumango ako sa kaniya. “Sigurado ka ba? Are you feeling sick?” He asked me again at umiling ako sa kaniya tapos hinawakan ko ang kamay niya. “Wala lang to, ‘di lang ako makapaniwala na natuloy ko pa ang pag-aaral ko,” sagot ko sa kaniya at hindi ko a binitawan ang kamay niya kahit nagmamaneho ito. "Don't worry magta-trabaho ako maigi para makapag-aral ka." Natatawa niyang sagot sa akin