(MILA YSHNA ORDOÑEZ POINT OF VIEW))
STEPHEN was holding my hand tight while we are inside the tricycle, It's almost 8PM when we reached a small town in Tarlac. Sobrang tago ng town na 'to mahihirapan ang parents namin na hanapin kami kasi feeling ko, 'di ito papasok sa options nila kapag hahanapin nila kami.
Ang galing talaga ni Stephen sa mga ganitong bagay. This is the place where we will start our independent lives as a couple, as a husband and wife.
“Ser, nandito na po tayo!” sabi ng tricycle driver iyan sa amin at bumaba na kami ng Trike.
Bumungad sa amin ang isang bahay kubo na medyo may kalakihan at maganda. It’s simplicity made it beautiful. “This is all what I can afford,” sabi ni Stephen sa akin. “Lilipat din tayo sa magandang bahay pag nakahanap ako ng trabaho,” sabi niya sa akin.
“Pasensya na… “ dagdag pa niya ulit sa akin.
“Wala ka dapat ihingi ng pasensya, ako dapat ang humihingi no’n sayo.” Sagot ko naman sa kaniya. Mayron kaming limang kapitbahay sa gilid at may mga bata na naglalaro kahit gabi.
“Hindi alam ng parents mo na nagpakasal ka ng palihim sa isang disgrasyada. Pagkatapos e' napilitan kang kunin ang ipon mo para lang may pang - upa tayo at pang- start over.” Dagdag ko pa sa kaniya.
”Huwag na lang natin isipin ang parents natin okay? Hindi nila tayo naiintindihan, hindi nila alam kung gaano natin ka - mahal ang isa't isa!” sagot niya sa akin.
“Sira!” mahina ko siyang binatukan. Masyado na kasi siyang nagiging corny sa harap ko ngayon.
“Ipasok na lang kaya natin itong mga gamit,” sabi ko na lang sa kaniya at pinasok na niya ang iilang bag na meron kami. Matapos naming magayos ng kunti sa bahay kung saan kami titira ay napagpasiyahan na ni Stephen na magpahinga na raw ako, ang sabi niya mauna na ako kasi dapat daw complete rest kami ng baby ko. Natuwa naman ako ng marinig ko iyon sa kaniya.
“Goodnight,” sabi ko sa kaniya at saka niya ako kinumutan.
“I love you Stephen,” bulong ko sa kaniya at mas napangiti siya.
“I love you too,” bulong niya pabalik sa akin at hinawakan niya ang aking kamay.
“Runnning away is with you is the best thing I've ever done in my life.” Dagdag niyang bulong sa akin at hinalikan niya ang ulo ko.
“Salamat…” sagot ko sa kaniya at ipinikit ko na ang aking mga mata at saka ako tuluyang nakatulog.
Kinabukasan, I woke up at nakita ko si Stephen na natutulog sa sahig. Sinilip ko siya at nakita kong wala siyang gamit na kumot at kinakamot pa niya habang nakapikit ang kaniyang braso. “Bakit hindi nagkumot to at hindi din tumabi sa akin?” I asked myself at dali dali kong ibinigay sa kaniya ang kumot na gamit ko. Nakita ko pa na saglit na napapout si Stephen dahil sa biglaan ko siyang kinumutan. Para pa rin siyang bata kung matulog, naisip ko tama ba na pinasok ko siya sa problema ko. Napahawak ako sa baby sa tummy ko at biglang natahimik.
“Ano ba yan kinumutan na nga lang ako ‘di pa ginawang full body.” Napatingin ako kay Stephen na gising naman pala talaga.
“Gising ka na pala,” sabi ko sa kaniya.
“Bakit hindi ka tumabi sa akin kagabi ha?” I asked him.
“Dapat kumportable ka kasi buntis ka, saka maliit lang naman yung kama at baka mainitan ka,” sabi niya sa akin.
“Stephen kasal na tayo dapat magkatabi tayo sa iisang kama. Hindi naman ako ganoon kaselan rin.” Sagot ko naman sa dahilan niya. “Di mo ako kailangan iispoil,” dagdag ko pa sa kaniya. He smiled and got up to sit down. “Alam ko pero gusto ko ibigay ang the best sa’yo,” sabi niya sa akin.
“I want you to think that you can still have the best,” dagdag pa niya sa akin.
Saglit ko siyang hinalikan sa pisngi niya dahil doon. “Salamat Stephen,” sagot ko sa kaniya and he hugged me tight.
“Gusto ko kasi na maiisip mo saka ni Baby na pwede kayong sumaya, “ sabi niya muli sa akin.
The morning worked up fine for us, we still have a lot of things to do and we enjoyed it. It's like we are really making a home out of this house. A real home, yung isang bagay na wala ako. May malaking bahay nga ako dati but it never felt like home. After we fixed the house, ako muna ang unang maliligo at si Stephen naman ang mag-iigib sa malapit na poso. Gagawin pa lang kasi ang poso sa inupahan namin kaya tyagaan muna kami mag-igib rito. Total, malapit lang mula sa bahay namin at kaya naman.
We are welcomed by a lady on her 40's with a smile when we reached the place. “Bagong lipat kayo dito?” She asked us. Parehas kaming tumango ni Stephen. “Kakasal lang po namin kahapon at lumipat kami ditto,” sagot naman ni Stephen.
“Bagong kasal? Eh ang babata niyo pa ha? Legal na ba kayo?” tanong niya sa akin.
“Opo, legal na kami,” sagot naman ni Stephen at saka ako inakbayan. “Buntis nga po asawa ko eh,” dagdag pa niya.
“Naku maganda iyan may bagong bata na naman kaming mapaglilibangan dito kung nagkataon. Ay ako nga pala si Cecila, Manang Cecilia na lang itawag mo sa akin” pagpapakilala nito sa akin at inilahad ang kaniyang kamay.
“Ah ako nga po pala si Mila at si Stephen naman po ang asawa ko,” sabi ko sa matanda bigla namang napangiwi si Stephen na para bang kinikilig kaya naman nagtaka ako.
“Kinagagalak kong makilala kayong dalawa. Ay kung may kailangan kayo eh wag kayong matakot na humingi ng tulong sa kahit na sino dito ha?” sabi niya sa akin.
“Opo naman po,” sagot ko sa kanila at saka na umalis ang matanda dala ang isang timba ng tubig binaling ko naman na ang tingin ko kay Stephen.
“Anong nangyayari sa’yo?” tanong ko sa kaniya.
“Kinikilig ako Mila, tinawag mo akong asawa yes!” sabi niya sa akin natawa ako sa kaniya dahil doon.
“Loko-loko! Mag-igib ka na nga lang dahil nangangamoy na ako,” sagot ko sa kaniya at saka siya nagigib sa pumping well.
The following weeks had been productive for us, Naiiwan ako sa bahay to learn cooking and other stuffs while Stephen is out to find some work, nauubos na kasi ang ipon niya and unfortunately his card was already down. Nag-volunteer ako na tumulong pero inayawan niya, baka daw kasi may mangyari sa amin ng baby ko. Naiintindihan ko naman si Stephen kaya I decided to be the best house wife he can have tulad ng may dinner at clothes na siya na nakahanda paguwi niya or bibigyan ko siya head massage. Simple ways ika nga.
Soon nakahanap si Stephen ng work sa isang factory malapit dito, its not really a factory parang pagawaan ng daing ata yun pero medyo okay naman ang sweldo niya. Lagi syang umuuwi na may dalang daing or hindi kaya amoy daing pero dahil sa naglilihi ako. I always find him very yummy in a literal way because of that.
“Im home,” malakas na saad ni Stephen kaya nagmadali akong salubungin siya. As usual may dala siyang daing and he was smiling, halatang pagod siya kaya agad ko siyang yinakap.
“Urgh.. grabe alam talaga ng asawa ko kung paano pawalain ang pagod ko,” sabi niya sa akin at agad niya akong yinakap pabalik.
“Missed me?” tanong niya sa akin.
“Sobra, ako na miss mo ba ako?” I asked him
“Daing ko lang ata ang namiss mo eh,” sagot niya sa akin.
“Oo este siyempre pati ikaw, asawa kita tapos mahal pa kita kaya mamimiss talaga kita,” sagot ko sa kaniya at saka nagpa-cute.
“Aysus binola mo pa ako!” sagot niya sa akin hinalikan ko naman siya sa pisngi dahil doon.
“Oo na, Oo na naniniwala na ako,” sabi niya sa akin at saka niya inilapag ang mga daing sa lamesa tapos nagluto na ako ng ilang piraso bilang hapunan namin.