EPISODE 1

2045 Words
PAALALA lang po, ang istoryang ito ay sumasailalim pa rin po sa pagsasaayos ng mga mali. Kaya sana ay maunawaan po ninyo kung hanggang ngayon ay napaka-kalat pa rin po ng aking mga story. GENE's POV "How's my boss?" tanong ko sa aking anak na si David, nang makapasok na ako sa loob ng aming bahay, nakita kong abala ito sa panonood ng cartoon sa TV. Agad namang napalingon si David, sa aking direksyon, at kita ko ang panlalaki ng mga mata nito. "Mama!!" Sigaw ng aking anak, 'tsaka ito tumakbo papalapit sa akin. Napatawa na lang ako at agad ko itong kinalong, 'tsaka ako dumiretso sa sala habang kalong ko si David at naupo. Ngunit agad namang napabaling ang aking pansin kay Ate Gemma nang magsalita ito. "Hay naku, Genalyn, ha? Maaga akong magme-menopause d'yan sa anak mong 'yan, aba'y hindi ako tinitigilan sa pangungulit tungkol sa kakahanap ng Papa n'ya, buti na lang dumating kanina ang Kuya Oscar mo. Ayon, ipinasyal 'yan para malimutan na ang kakahanap sa Papa n'yang nawaw——" sabi ni Ate na waring nauubos na rin ang pasensya kay David. Agad ko naman 'tong sinaway, dahil nasa harapan namin ang aking anak at naririnig nito ang mga sinasabi ng Tita Gemma nito, at ayaw kong isipin nito o maramdaman na para bang walang pagmamahal sa kanya ang kanyang Tita. "Ate, please?" saway ko. "Puwede natin pag-usapan 'yan, but not in front of him," mahinahon kong sambit nang sa gano'n ay hindi rin ito magtampo. Nakita kong bumuntonghininga ito, at hindi na umimik pa, 'tsaka umiwas ng tingin at naupo sa pang-isahan upuan na nasa harapan naming mag-ina. Lumingon ako kay David, "David, ano'ng sabi ni Mama?" mahinahon kong tanong dito, at agad naman itong napatungo, dahilan naman upang makaramdam ako ng awa, kaya't marahan ko 'tong dinampian ng halik sa noo. "Nakikita ko po kasi ang mga kalaro ko, Mama, sa labas, tapos sabi nila may mga Papa raw po sila, saka sabi po nila bakit daw po wala akong Papa, kasi masarap daw po ang may Papa, pero sinabi ko naman po sa kanila na okay lang na wala si Papa basta may Mama naman po ako na Love na Love ako, kaya masaya na rin po ako," malungkot nitong kuwento, na waring pinipiga naman ang aking puso. "Sorry po, Mama, kung kinulit ko na naman po si Tita Gemma, alam ko pong nagagalit na sa akin si Tita, kasi po makulit ako," sabay patak ng ilang mga butil ng luha mula sa mata nito, niyakap ko naman ito ng mahigpit para maramdaman nito ang aking sobra-sobrang pagmamahal, at bago pa man ako makapagsalita ay narinig ko na ring nagsalita si Ate Gemma. Waring hindi naman nakatiis si Ate Gemma, at agad rin itong nagsalita, "Hindi ako nagagalit sa 'yo, David, at kahit kailan hindi magagalit si Tita Gemma, kasi naiintindihan naman kita, kaso lang kasi, baby, dapat makikinig ka na lang sa sinasabi namin ni Mama mo, at ang mahalaga nand'to kami ni Mama mo at si Tito Oscar mo para sa 'yo, 'di ba? Puwede mo rin naman s'yang maging Papa, kahit nga ako puwede mong maging Mama, eh, 'tsaka darating din naman ang araw na ibibigay o maaring ibigay na rin sa 'yo ni God ang Papa mo, 'di ba? Marahil hindi pa lang ngayon, pero ibibigay at ibibigay pa rin sa 'yo 'yon ni God. Basta ang mahalaga, love na love ka namin," Puno ng pang-unawa at pagmamahal na sambit ni Ate Gemma sa aking anak, pagkatapos ay tumayo ito kinuha mula sa aking kandungan si David. Umaliwalas naman ang mukha ni David dahil sa sinabi ni Ate Gemma, "Talaga po, Tita Gemma? Puwede ko po bang tawaging Papa si Tito Oscar?" masiglang tanong ni David kay Ate Gemma. Mabilis namang ngumiti si Ate Gemma, kasabay ng pagtango nito, "Oo naman!" masayang sagot ni Ate. "Matutuwa pa n'yan si Tito Oscar mo, pag tinawag mo s'yang Papa," Labis namang ikinatuwa ni David dahilan upang mapa-palakpak ito, kasabay ng pinong pagtili nito. Napatawa na lang din kami ni Ate Gemma sa naging reaksyon ng aking anak. LUMIPAS ang oras na hindi ko na rin namalayan dahil sa naging abala na rin ako sa pakikipaglaro sa aking anak, at kung hindi pa kami tinawag ni Ate Gemma ay hindi ko pa mapapansin ang oras, gabi na at oras na rin ng hapunan. "Gene, David!!" sigaw ni Ate Gemma mula sa labas ng silid. "Lumabas na kayo d'yang mag-ina, nakahanda na ang hapunan!" malakas nitong pagtatawag sa amin at alam kong mula pa ito sa kusina, agad naman akong napatayo mula sa pagkakalupagi sa sahig 'tsaka ko binuhat si David palabas ng silid. Pagpasok namin sa kusina'y nakita kong nakaupo na rin si Ate Gemma at Kuya Oscar, na waring hinihintay rin lang kaming mag-ina. "Papa Oscar!" Sigaw naman ni David 'tsaka ito agad bumaba mula sa akin at tumakbo papalapit kay Kuya Oscar, para namang piniga ang aking puso sa tagpong 'yon, dahil talagang kita at dama ko ang pagkasabik nito sa isang ama, na hindi ko alam kung paano ko ibibigay, ang magkaro'n ito ng isang ama. Nakita kong tumango si Ate Gemma kay Kuya Oscar 'tsaka ngumiti, na waring alam na rin ni Kuya Oscar na 'yon ang itatawag sa kanyani David. Nagsimula na kaming kumain, tahimik lang akong nakikinig sa mga kuwentuhan nila, at kita ko ang kasiglahan ng aking anak sa tuwing tinatawag nitong Papa si Kuya Oscar, na waring gustong-gusto rin naman ni Kuya Oscar, dahil na rin siguro sa wala pang anak sila ni Ate Gemma, na sa loob ng dalawang taong pagsasama ay hindi pa rin binibiyayaan ng anak ang dalawa. Natapos ang aming masaganang hapunan ay inaya ko na rin sa aming silid ang aking anak, para asikasuhin dahil may pasok pa rin ito bukas sa Daycare Center, at ilang sandali pa'y natapos na rin ako sa pag-aasikaso kay David, kaya't inaya ko na rin 'tong mahiga, at hindi rin agad ito matutulog kung hindi ko 'to kakantahan ng lullaby. Napangiti na lang ako nang makita kong malalim na ang paghinga ng aking anak habang nakasubo ang hinlalaking daliri, isa pa 'yong katangian na nagustuhan ko kay David, na simula pa lang nang sanggol ito'y hindi ako nahihirapang patulugin ito, basta lagi lang nakasubo ang hinlalaking daliri, at 'di nagtatagal ay nakakatulog na rin. Hinalikan ko muna ito ng marahan sa noo, at inayos ang kumot 'tsaka ako dahan-dahang umalis sa kama, at dumiretso sa kusina upang magtimpla ng kape, isa na rin sa nakasanayan ko dahil sa aking trabaho, pagkatapos ay 'tsaka ako tumungo sa labas ng bahay at doon ko napagpasyahang inumin ang aking kape. Ngunit hindi pa man ako nagtatagal sa aking pagkakaupo nang biglang tumunog ang aking cellphone mula sa bulsa ng suot kong pajama, agad ko namang kinuha, at sinagot nang makita kong si Mark ang tumatawag, ang aking spy agent, na kanina ko pa rin talaga hinihintay ang tawag nito dahil sa may bago na naman kaming hinahawakang kaso ngayon. Bukod sa pagiging pulis ko ay isa rin, akong secret agent na walang ibang nakakaalam kundi si Ate Gemma lamang at si Mark. Nasa dalawang taon pa rin lang naman ako sa pagiging pulis, ngunit sa pagiging secret agent ay nasa college pa lamang ako nang pinilit kong makapasok sa gano'ng propesyon. At dahil na rin sa tulong ni Mark ay nakapasok ako sa gano'ng trabaho, pinagsabay ko ang aking pag-aaral sa pagka-pulis at ang aking trabaho sa pagiging secret agent, at nito ngang nakaraang dalawang taon ay tuloyan ko nang nakuha ang propesyong iyon, ang pagiging isang pulis at ngayon ay sabay-sabay kong ginagampanan. "Yes, Mark?" sagot ko. "Any update?" seryoso kong tanong. "Yeah, at papunta na rin ako ngayon do'n para mapag-aralan ko ang lugar, hindi rin kasi natin basta-bastang mapapasok ang bakuran dahil maraming bantay, kaya kailangan kita ngayon, kung available ka," sagot naman nito. "Okay. Papunta na ako, i-send mo sa akin ang location " sambit ko at nagpaalam na rin ako, nang mawala na ito sa kabilang linya ay ini-straight kong inumin ang tinimpla kong kape. Tatayo na sana ako ng maramdaman kong umupo naman si Ate Gemma sa aking tabi, narinig ko ang pag buntonghininga nito bago nagsalita. "Hindi ka ba talaga titigil sa trabaho mong 'yan, Gene? Isa ka ng pulis, hindi pa ba sapat 'yon? 'Yon lang naman talaga ang pangarap mo noon pa, eh, ang maging isang ganap na pulis, at 'yang pagiging secret agent mo, na hindi ko maintindihan kung bakit 'di mo mabitaw-bitawan, na alam mo o nating delikado 'yang trabaho mong 'yan," may halong paninermong sabi ni Ate Gemma. Bumuntonghininga ako, 'tsaka umiwas ng tingin dito, "Ate, alam mo naman ang dahilan, 'di ba? Alam mo ang dahilan kaya ako nananatili sa gan'tong propesyon. Alam mo 'yon umpisa pa lang, at kaya rin ako kumuha ng kurso sa pagiging pulis ay dahil din do'n," mahina kong sabi kay Ate Gemma, na alam kong hindi na naman nito ikanatuwa ang aking naging sagot. Ilang beses itong bumuntonghininga, "Oo, Gene, alam ko. Alam na alam," may diing sambit ni Ate Gemma, "Pero hindi ka ba nag-aalala para kay David? Paano na lang 'yang bata kung mapahamak ka sa trabaho mong 'yan, sa patuloy na pagpoprotekta mo sa taong 'yon, ni hindi ka na nga kilala o ang makilala man lang, eh," muli itong bumuntonghininga at tumayo sa aking harapan. Napaiwas naman agad ako ng tingin, "Ate, please.." mahina kong sambit. "Diyos ko naman, Gene, ang tagal na nang panahong 'yon, mga bata pa kayo...hanggang ngayon ba? Umaasa ka pa rin? Kaya hanggang ngayo'y tinutupad mo pa rin ang pangakong 'yon? Samantalang 'yong taong 'yon, hindi mo alam kung ganyan din ba ang ginagawa, kagaya ng ginagawa mo. Sa totoo lang, Genalyn, hindi ko na alam kung ano pa ang iisipin ko sa 'yo, dahil wala ng ibang laman 'yang utak mo kundi ang protektahan ang taong 'yon, kahit na hindi ka naman n'ya maalala." Haisstt!" naiinis na sambit ni Ate Gemma. Nararamdaman ko galit ni Ate Gemma sa mga oras na 'to hindi naman ako naka-imik pa, dahil may punto rin naman 'to. Yumuko na lang ako at napa buntonghininga na rin lang ng ilang beses, hanggang sa walang imik-imik na tumalikod si Ate at iniwan na ako. Narinig ko pa ang mabigat na pagbukas at pagsara nito ng pintuan, kahit isang salita'y hindi ko na nagawa hanggang sa makapasok na ito sa loob. Maya maya pa ay tumayo na rin ako at dumiretso sa loob ng silid naming mag-ina 'tsaka ako nagpalit ng damit na palagi kong sinusuot tuwing may misyon ako. Ngunit ang pagkakaiba lang sa ngayon ay tanging baril ko lang ang dala ko, dahil sa pinag-aaralan pa rin lang namin ngayong ang sitwasyon o ang target namin ni Mark na pasuking bahay, nang matapos ay tumitig muna ako sa aking anak na mahimbing sa pagtulog, pagkatapos ay 'tsaka ako 'to dinampian ng magaang halik sa noo nito, napangiti na lang ako nang marinig ko ang mahinang paghilik nito. Tumayo na rin ako at dumiretso na palabas ng bahay, kinuha ko ang aking cellphone at ikinonekta ko sa aking earpiece na suot habang nagmamaneho, 'tsaka ko tinawagan si Mark. Sinagot naman nito agad ang aking tawag, "Are you already in the area?" seryoso kong tanong kay Mark na nasa kabilang linya. "Yeah," simpleng tugon nito. "Ok, I'm on my way." sagot ko at pinindot na ang end button mula sa earpiece na aking suot. Napa buntonghininga na lang ako nang muli kong maisip ang naging pag-uusap namin ni Ate Gemma kanina, na kung tutuosin ay may punto rin ito, na paano na nga lang si David kung may mangyaring masama sa akin dahil sa ginagawa kong 'to, gaya na lang nang nangyari sa aking mga magulang noon, kung bakit sa murang edad ay naulila na rin kami ni Ate Gemma. At kung hindi lang din dahil kay JM, ay marahil pati ako ay wala na rin sa mundong ito. Hindi ko na naman napigilan balikan sa aking ala-ala ang mga nakaraan, at nasa edad sampung taon pa lang ako nang mangyari ang trahedyang 'yon, dahilan para mawalan kami ni Ate Gemma ng mga magulang sa murang edad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD