EPISODE 4

3011 Words
_{JHON MARKUZ's POV}_ "Boss, tumawag na po si Austin, ok na raw po si Mr Choi, pumirma na raw po sa kontrata." sabi ni Greg, napangiti naman ako sa ibinalita nito, dahil kung hindi pa sana pepirma si Mr. Choi, ay dadaanin ko na sana sa dahas, na isa sa aking mga pinagkakatiwalaan mula pa noon, simula ng mamatay si Mommy ay nagkasakit na rin si Dad, na waring ininda nito ang pagkawala ng aking Ina, kaya simula noon ako na humawak sa lahat ng negosyo nito na pati ang pagiging Mafia Leader ay pinamunuan ko na rin sa batang edad na kinse anyos, pinagsabay sabay ko ang lahat, ang pag-aaral sa eskwelahan, pag-aaral kung paano patakbuhin o pamalakaran ang mga negosyo ni Dad, at higit sa lahat ay pinag-aralan ko rin kung paano ang buhay sa isang magulong mundo bilang isang Mafia, at sa loob ng labimpitong taon ay heto ako, nananatiling nakatayo sa tuktok, matatag, at kinatatakutan, na mula sa edad na kinse anyos ay tinuroan ko na ang aking sarili kung paano ang maging matigas, na nagawa ko naman nung una, ngunit nang dahil sa isang batang babae, na pumasok sa aking mundo ay waring nagulo ang aking presensya na kahit ang matatag na pader na naitayo ko sa aking dibdib ay waring utay utay na noong natitibag, lalo na nang tuloyan na nga itong nawala sa akin, na inakala kong pagdating ng bukas ay muli ko itong makikita at makakasama. Simula nang makita ko ang batang babaeng 'yon sa gitna ng kakahuyan na sakop rin ng aming lupain, na tumatakbo habang umiiyak na waring takot na takot dahil sa mga taong humahabol rito, na lalong nagbigay ng matinding takot sa batang babae ay ang mga malalakas ng putok na baril, na nung oras na 'yun ay papalabas na rin kami ng kakahayuang 'yun, mula sa naging pag-iinsayo namin, hanggang sa nalaman kong mga magulang pala ng batang babaeng 'yon ang mag-asawang pinatay ng mga tauhan ni Ignacio, dahil sa pinaimbestigahan ko na rin kay Austin ang mga nangyari at dahil sa naging pag-amin ng dating tauhan ni Dad, na tumiwalag sa pamumuno ni Dad kapalit ng malaking halagang inialok ni Don Ignacio, inamin nitong si Ignacio ang nagpapatay at kung ano ang dahilan, ipinaasikaso ko lahat sa aking malalapit at mapagkakatiwalaang mga tauhang sina Austin, Greg at Onas, ang nangyari sa pamilya Lopez, at doon ko rin nalaman na may isang anak pa pala ang mag-asawang Lopez na nasa Manila at nag-aaral, ipinasundo ko 'yon sa aking mga tauhan at pinabantayan hanggang sa mailibing ang mga magulang ng dalawang magkapatid na naulila, at nung araw nang mailibing ang mag-asawang Lopez ay kasabay naman na ipinabura ko na rin sa mundong ito si Ignacio kasama ang buong pamilya nito, at 'yun na rin 'yung araw na huli kong nakita ang batang babae na 'yon, na dahil nang magising ako mula sa dalawang araw kong walang malay mula sa natamong tama ng baril, ay nalaman kong nasundan din pala ang aking dalawang tauhan na pinagkatiwalaan ko sa dalawang anak ng mag-asawang Lopez, ngunit ang tanging natagpuan na lang sa sasakyan ang dalawang katawan na wala ng buhay ng aking mga tauhan. At hanggang ngayon, wala na akong nabalitaan, na tuwing may magre-report sa akin kung nasaang lugar naninirahan ang mag kapatid na 'yon, ay bigla na lamang naglalaho na parang bula, na ramdam kong may nagpuprotekta sa magkapatid na 'yon, hanggang sa lumipas ang anim na taon na hindi ko na rin ipinilit pang ipahanap ang magkapatid, na marahil nga ay talagang hindi rin niluluob ng Panginoon na mapalapit sa akin ang batang babae na si Gene dahil maaari nga lamang itong mapahamak kung nakadikit ito sa akin, ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang aking sarili na alalahanin ang batang babaeng 'yun, dahil simula ng makita ko ang maganda, maamo at puno ng kainosentehang mukha ng batang babaeng 'yun, ay hindi na nawala sa aking isip ang itsura nito, na sa edad kong kinse anyos ay wari bang tumibok ang aking puso sa batang babae na limang taon ang agwat ng edad sa akin, na hindi man tama pero hindi ko na napigil pa ang aking sarili na halikan ang batang babaeng 'yun sa labi nung huling araw na 'yon, at 'yun ang mali kong ginawa dahil lalo lamang akong waring nahumaling sa batang babaeng 'yun, na hanggang ngayon ay hindi ko na malimutan ang malambot at matamis na labi ng batang si Gene, at sa edad kong 32 ay hindi ko na rin mabilang pa ang mga babaeng pinarausan ko pag maaalala ko ang magandang mukha at waring nakaka-adik na labi ni Gene, ngunit sa lahat ng mga babaeng ginamit ko, ay wala kahit isa man sa mga 'yun ang pinahintulotan kong dumikit ang mga labi sa akin, na para bang kay Gene lamang ang labi kong 'to. "Boss?" tawag sa akin ni Greg, nagpagising naman sa aking Diwa na naglalakbay. "What's that again?" tanung ko naman nang humarap ako rito. "Ah! Nag-report na po pala si Onas kanina, tungkol sa taong nasa likod ng pagpatay sa mga kalaban n'yong gusto kayong patumbahin," sabi nito. "Then, what is it?" seryuso ko naman tanung. "Confirmed po na babae ang taong 'yon, pero hindi po namukhaan ang mukha nang tumingin s'ya sa CCTV, dahil nakabalot ang mukha, pero ang built po ng katawan ay kumpermadong babae, dahil sa hugis at dibdib nito," sabi ni Greg, napahahimas naman ako sa aking bibig at napaisip na lamang sa taong 'yon, na anim na taon na rin na laging nakabuntot sa akin ang taong 'yon, ngunit sa galing kumilos nito, halatang hindi lang basta bastang tao, ay nahihirapan ang aking mga taohan na hulihin ang taong 'yun na hindi makita ang mukha dahil nagkukubli ang mukha nito sa likod ng itim na boonet. "Gawin n'yo ang lahat ng paraan na malaman o makilala ang taong 'yun at dalhin n'yo sa akin," malamig kong sabi, tumango naman si Greg. "Ok, Boss! Copy!" sagot nito. "What about my child? Wala pa ba kayong balita?" tanung ko naman, dahil limang taon na ring nawawala ang aking anak, nang inambush ang sinasakyan ng mga ito, kasama ang Yaya at Driver ng aking anak. "Wala pa po, Boss, eh, tulala pa rin po sa Lea, at hindi pa rin po makausap at may mga gabing sumigaw pa rin daw po si Lea, umiiyak habang isinisigaw ang pangalan ni Hilton, at may salitang Miss na binabanggit pa ito, pero hindi pa rin po malinaw eh." sagot naman ni Greg, napahimas na lang ako sa aking sentido, dahil kahit ang aking anak ay hindi ko mahanap, at sa loob ng limang taong nawawala ito at hindi ako tumigil sa paghahanap, dahil alam ko at nararamdaman kong buhay pa rin ang aking anak. Anak ko si Hilton sa isang gabing pagkakamali, sa isang babaeng wala akong relasyon o kahit ano mang damdamin para sa ina ng aking anak, ngunit nang malaman kong nabuntis noon si Cheska nung gabing 'yun, nagdisisyon akong panagutan ang bata at inaya kong magpakasal sa akin si Cheska alang alang sa bata, ngunit tumanggi ito, hanggang sa nalaman ko ang dahilan na may taning na pala ang buhay nito, kaya nung maisilang ang aming anak, naiwan sa aking custody ang bata, pero dahil sa aking magulong buhay ay nadamay ito, na halos nasa limang buwan pa lang nang mawala ang aking anak, papunta sana sa bahay ng mga magulang ni Cheska ang aking anak kasama ang Yaya nito, ngunit hindi na nakararating at pinaulanan na ng bala ang sinasakyan ng mga 'to, ayon sa imbestigasyon ng aking mga tauhan nagawa pang makatakbo ng Yaya ng aking anak ilang metro ang layo sa sasakyan ngunit ng maabutan ito ay muling pinaputokan, pero abg tungkol sa aking anak ang hindi nila o namin mabigyan ng sagot kung nakuha ng kalaban ko o kung namatay na rin ito, pero hindi ako naniniwala dahil sa loob ng limang taong 'yun ay wala namang nakitang bangkay ng isang sanggol o kahit ang may mabalitaan man lang kami, at ang tanging pag-asa na lang namin ay ang yaya ng aking anak na hanggang ngayon ay tulala pa rin simula ng magising mula ng ma-comatose ito sa loob ng isang taon dahil sa pangyayaring 'yon. "Nakahanda na ba Shipment?" seryoso kong tanung kay Greg. "Yes, Boss, katatawag kanina ni Austin, naihanda na raw po, at ready na mamayang alas syete ng gabi," sagot naman nito, tumango naman. "Ok, good!" sagot ko saka tumingin a sa aking relo, may dalawang oras pa bago ang shipment. Sabay kaming napalingon ni Greg ng makarinig kami ng ilang mga katok sa pintuan. "Come in!" makalakasan kong sabi, at agad rin naman bumukas ang pintuan. "Sir, I'm sorry if I interrupted you at this moment, but I need to give you this, Sir." sabi ng aking Secretary na si Miles, agad naman 'yung inabot ni Greg mula kay Miles saka nito ibinigay sa akin, saglit pa at lumabas na uli si Miles ng aking opisina. Binuksan ko ang invitation at nakita kong isa 'tong paanyaya mula sa isang mataas na tao sa lipunan, si Morris, napangiti naman, dahil alam ko ang dahilan ng paanyayang ito, at dalawa lang ang ibig sabihin, ang patayin ako o ang makuha ang aking mga negosyo, na alam ko namang kahit isa sa aking mga kalaban ay walang nagtatagumpay. "Paghandaan n'yo ang araw na 'to, pupunta tayo. Sabihan mo sina Onas at Austin, apat na araw mula ngayon kaya mapaghahandaan n'yo pa 'yan." sabi ko at tumango naman ito ng mai-abot ko na ang invitation rito. Saka ko kinuha ang aking cellphone at dumiritso na palabas ng opisina na agad rin naman sumunod si Greg. Habang nasa daan ay hindi ko na naman napigilang alalahanin ang itsura ng batang babae nagpagulo sa aking isip at puso, na makalipas ang labimpitong taon ay hindi pa rin ito nawawala sa aking sistema, na hindi ko na alam kung nasaan na ngayon ang magkapatid na 'yun, na kahit ang pagiging Mafia, at ma-impluwensya kong tao ay walang magawa para mahanap ang magkapatid na 'yon lalo na ang batang babae, dahil lahat ng impormasyong alam ko sa magkapatid na 'yon ay walang lumalabas ng magandang resulta na wari bang may taong nagtatakip sa impormasyong 'yon na hindi ko malaman kung bakit at para saan, na parang iniingatan na may makaalam sa katauhan ng mga 'to. "Boss, tumatawag po si Austin." agaw ni Greg sa aking atensyon, pagkatapos ay ini-abot nito sa akin ang cellphone nito, na agad ko rin namang sinagot. "Ayos na ba ang lahat? Nakahanda na ba ang mga babae?" malamig na tonong sabi ko rito sa kabilang linya. "Yess, Boss, nakhanda na po, at mga bago po 'to, mamili na lang po kayo," sagit naman ni Austin. "Good!" sagot ko pagakatapos ay pinatay ko na rin ang cellphone at ini-abot muli kay Greg. "Sa Bar tayo, Greg." seryoso kong sabi kay Greg, na 'di ko talaga mapigilan ang aking sarili na sa tuwing maaalala ko ang batang babaeng 'yon ay wari bang naghahanap ng kung anong bagay ang aking katawan, dahil sa utay utay na pagsibol ng init sa aking buong sistema, na sa tuwing mai-imagine ko ang kabuuoan ng mukha ni Gene ay hindi maaaring hindi ako titigasan ng aking p******i. "Boss, nasa VIP na po ang anim na babae." bungad na sabi sa akin Austin nang makababa na ako ng kotse, tumango naman ako saka dumiritso, sumunod naman ang mga tauhan ko, habang si Austin, Greg at Onas ay nasa aking mga gilid, dahil 'tong tatlong 'to lamang ang higit kong mga pinagkakatiwalaan, na mga tapat rin tauhan ito ng aking ama noon. "Good evening po Mr. Morrison, naipahatid ko na po sa VIP room ang mga babaeng pagpipilian po ninyo." sabi sa akin n Gia ang baklang Manager dito sa aking Bar, tumango naman ako at seryosong lumakad paakyat ng VIP room. — SAMANTALANG, walang kaalam alam si Jm na may pares na matang nakatutok ang paningin sa kanya, mula pa lang sa pagpasok ng Bar ay nakatuon na ang paningin ng isang tao kay Jm. – "Boss, narito rin po pala si Mr. Choi at ang ilang mga kasosyo nito sa negosyo," sabi naman sa aking ni Austin, at bago pa man ako makasagot at kumaway na sa akin si Mr. Choi, na tinanguan ko naman, saka ako lumapit kay sa grupo ni Mr. Choi. "Mr. Morrison! I'm glad, that you're here also tonight. Take a seat!" masiglang bati ni Mr. Choi na tinanguan ko lang saka naupo sa isang upuang bakante na malapit kay Mr. Choi. Isa isa ni ting ipinakilala ang mga kasama nito ngayon, pagkatapos ay nakipagkamaya ang mga 'to, na hindi nga ako nagkamali, at purong usapang negosyo na naman ang pinag-uusapan ng mga 'to. Kinawayan ko si Austin na nasa kabilang lamesa din lang kasama ang iba ko pang mga tauhan at saka ko pinalapit, nang makalapit na 'to ay binulongan ko 'tong sabihin kay Gia na magpahatid rito ng iba't ibang klase ng inumin at mga babae, pinakuha ko na rin ang mga babaeng nasa VIP room na dapat ay aking pagpipilian, pero dahil narito sina Mr. Choi ngayon, eh ipinaubaya ko na lang sa mga 'to, na agad rin naman itong sumunod, at 'di rin naman nagtagal ay dumating na ang iba't ibang klase ng inumin kasunod naman nito ay ang mga babaeng galing sa VIP room at kanya kanyang upo sa mga kandungan ng mga taong aking kaharap habang ang isanf natira naman ay sinubokan din umupo sa akin paharap, ngunit tinabig ko 'yon dahil para mapaupo sa sahig na agad namang inalalayan ng aking mga kaharap at pinaupo na lang sa aking tabi. "Kaya gustong gusto kita, Mr. Morrison eh, ang galing mo talagang makikisama, alam mo kung ano ang kiliti namin. Wala kang pinagkaiba sa ama mong magaling makikisama, at iba ang diskarte pagdating sa mga negosyo." sabi ni Mr. Charles Merrill, na sinabayan pa ng mahinang pagtawa, hindi ako tumugon at inabot ko na lamang ang isang alak na mismong ibinigay sa akin ng isang Waiter kasabay ng mga alak na ipinadala ko sa lamesang 'to. "The young billionaire who is feared in our society." seryosong sabi ni Henry Ford, at sa paraan ng pananalita nito ay parang may iba, binalewala ko na lang at umiling na lang ako, pagkatapos ay muli akong tumungga ng alak na aking hawak, ngunit sa pagkakataong 'yon ay naramdamdaman kong may nag-iba sa aking katawan, na para bang sobrang init ng aking pakiramdam at habang tumatagal ay lalo lamang umiinit ang aking nararamdaman, na para bang may gustong sumabog o lumabas mula sa aking loob. Ibinaba ko ang alak na hawak ko at saka ko niluwagan ang suot kong kurbata, dahil pakiramdam ko ay para na akong nasasakal sa sobrang init na aking nararamdaman, ngunit ng ilibot ko ang aking paningin ay nakita ko si Henry Ford, na nakangisi kasabay ng pag-iling nito habang nakatingin sa akin, dahilan para uminit ang aking ulo, na agad kong binunot ang aking baril at itinutok ko rito, at kasabay ng aking tayo ay s'yang lapit naman ng aking mga tauhan at kanya kanya na ring bunot ng baril sabay tutok sa mga tauhan naman ni Henry Ford, at ganun rin naman ang ginawa ng mga tauhan nito, subalulit bago ko pa maiputok ang aking baril ay agad nang bumulagta sa aking harapan si Henry Ford, at kasunod nito ay ang ilang mga tauhan nito, napakunot na lang aking mga kilay at inilibot ko ang aking paningin, ngunit walang nahagip ang aking mga mata na posibling gumawa ng ganung bagay, at alam kong hindi galing sa mga tauhan ko ang mga balang iyon. "Boss!!!" sigaw ni Onas kasabay ng paghila sa akin, dahil sa pag-iisip na muli na naman nangyari ang gan'tong bagay na may nauna nang bumaril sa aking mga kalaban bago ko pa man magawa o ng aking mga tauhan, at hindi lang isa o dalawang beses nangyari ito, kundi maraming beses na, mula pa sa nakaraang anim na taon, ay muntik na akong tamaan ng bala. "DAMN IT!!!!!!" malakas kong mura kasabay ng pagpapaputok ko ng baril sa mga kalaban, na ngayon ay lalo pang dumami kumpara kanina. Kita kong nakikipagpalitan na rin ng putok ang aking mga tauhan, at marami na ring mga inosenteng tao ang nadadamay, ngunit nang huling putok ko ay napasandal ako sa pader dahil sa wari bang nahihirapan na akong kumilos at huminga, na pakiramdam ko ay kailangan ko ng babaeng mapaglalabasan ng init ng aking nararamdaman at hindi ako bobo, para hindi ko maisip kung ano ang dahilan kung bakit ako nagkakagan'to, I was on drugs, dahil sa may halong droga ang aking ininum na alak. "Boss??" waring nag-aalalang tawag sa akin ni Greg. "I need a woman!!!!" mariin kong sabi na alam kong alam na nito ang dahilan, at agad rin tumalikod, 'di pa man nagtatagal na nakaalis si Greg ay biglang may sumulpot na babae sa aking harapan, at agad kinuha ang aking kamay, saka nito ipinatong sa kabilang balikat at dahan dahan akong inalalayan paakyat ng itaas, na marahil ay ito na ang babaeng kinuha ni Greg, ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit gan'to na lang ang biglang pagkabog ng aking dibdib, na aaminin kong una kong naramdaman ang gan'tong damdamin nang labimpitong taon na ang lumipas, kay Gene, sa batang babaeng iniligtas ko noon. Nang tuloyan na kaming makaakyat ay biglang may nagpaputok sa aming kinaroroonan, at bago pa man ako makaganti ng putok ay kitang kita ng dalawang mata ko ang bilis ng kilos ng babaeng nakaalalay sa akin at sa dalawang putok ng bala nito at tumumba sa aming harapan ang dalawang kalaban na ang tama ng mga 'to ay sa mismong sentro ng noo, sinubokan kong lingunin ang mukha ng babae ngunit hindi ko magawang aninawin dahil sa nakaharang nitong buhok, at isa pa ang madilim na paligid namin kaya lalo lamang na hindi ko maaninaw ang mukha nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD