Chapter 2: Katulong

3129 Words
"Okay ka na ba rito, Lorraine? Baka kailangan mo ng kasama," ani Czarina nang makauwi kami sa bahay. "Hindi na, Czarina. Balik ka na sa trabaho mo at kaya ko ng mag-isa ito. Mamaya na lang ako pupunta sa club para magpa alam," pahayag ko dahilan upang mapaawang ang labi niya. "Ba-Bakit ka magpapaalam? Saka, magpahinga ka muna bago mo isipin ang club," aniya sa akin. "Alam mo na ang gagawin ko, Czarina at ayaw ko nang patagalin pa ito! Gusto ko nang makaganti sa Sebastino na 'yon!" sigaw ko. Nanginginig na naman ang kamay ko sa galit. Hinawakan ni Czarina ang kamay ko. At hinaplos niya buhok ko. "Hindi ka na ba papapigil sa paghihiganti mong iyan sa boyfriend ng kapatid mo?" untag niya sa akin. "Hindi na, Czarina," sagot ko. "Umalis ka na, dahil anong oras na at baka abutin ka ng gabi rito," pagtataboy ko sa kanya. "Sigurado ka na okay ka na? Baka, baklasin mo 'tong bubong n'yo dahil sa galit mo," sarkastiko na wika niya sa akin. Umiling ako. "Sige na, bumalik ka na sa club para makapag-ayos ka pa." "Okay. Pakatatag ka, ha. Tawagan mo 'ko kapag kailangan mo ng kausap mamaya o bukas. Nandito lang ako na kaibigan mo, Lorraine," pahayag niya, sabay yakap sa akin. Tinapik-tapik niya ako at agad rin siyang kumalas. At mabilis kong pinahid ang patulo kong luha. "Hindi ka na ba kakain?" tanong ko sa kanya. Pilit akong ngumiti. "Hindi na, dahil ubos na raw. At kawali na lang ang tira. Alam mo naman sa inyo, daming populasyon. At kulang ang dalawang malalaking kaldero," napapailing na saad niya sa akin. "Pagpasensyahan mo na mga tao sa amin at masanay ka na. Importante ay walang nasayang," saad ko naman sa kanya. "O, sige na, alis na ako. Sigurado ka talaga na okay ka lang dito, ha. Baka, pagkaalis ko, iiyak ka na naman ng bongga," aniya sa akin. "Sige na, alis ka na, dahil aabutin ka talaga nang gabi rito sa pagpapaalam mong 'yan," sambit ko. "O, siya, bye na," paalam niya at muli akong niyakap. Naglakad na si Czarina palabas ng bahay at kumaway pa siya bago siya tuluyan umalis. Pumasok ako kuwarto na dati naming tinutulugan ni Pamela. Malinis na rin ito dahil pinalinis ko talaga lahat ng dumi at kalat. Isa iyon sa pamahiin ni Lola noong nabubuhay pa siya. Na pagkatapos ilibing ang kamag-anak, lalo na kapag magulang o kapatid ay malinis na lahat dapat ang paligid. Umupo ako sa ibabaw ng papag at pinagmasdan ko ang larawan ng kapatid ko. Muli kong naikuyom ang mga kamay ko nang maalala ko ang pangalan ni Sebastino Fiercy. Kung kanina ay hindi tumitigil sa pagluha ng mga mata ko, ngayon naman ay walang lumalabas na luha. Galit! Poot! Suklam! Pagkayamot ang nararamdaman ko ngayon sa lalaking Sebastino na iyon. Tumayo ako. At tinitigan ko ang larawan ni Pamela. "Uumpisahan ko na ang paghihiganti, kapatid ko. Hangga't hindi ko nakukuha ang hustisya, hindi rin ako titigil!" matigas na sambit ko. Nagpahinga ako nang ilang minuto. Naligo ako at nagbihis. Pagkatapos ay Nag-arkila ako ng jeep at dalawang katao para pumunta sa apartment ng kapatid ko at ipahahakot ko lahat ng gamit niya. Pagkarating namin sa apartment ay Kinausap ko ang landlady. Mabait naman ito kahit papaano, pero ang hindi ko lang nagustuhan ay kung bakit walang cctv camera sa paupahan niyang ito. Isa-isang hinakot ng driver ang mga gamit, kasama ng dalawang lalaki na binayaran ko. At nang mahakot lahat ng mga ito ay nagpaalam na kami sa landlady. Binaybay na namin ang daan pauwi sa bahay. At inayos na rin ng mga ito ang mga gamit ng kapatid ko sa loob ng kuwarto namin. Pagsapit ng alas siyete ay pumunta ako sa club. Marami ng tao rito at kumakanta na si Czarina. Kinawayan pa niya ako, kaya nginitihan ko siya. At pinuntahan ko na ang aming manager sa opisina nito. Hindi basta-basta makakausap ng ganito ang aming manager dahil oras ng pag-aayos. Pero, dahil kilala naman ako ng dalawang guard at nakakausap ako ng mga ito ay pinapasok nila ako saad loob. "Magandang gabi sa inyo, Mamita Judith," bati ko rito. Naglalagay ito ng kolerete sa mukha ngunit sagit itong tumigil at tumingin sa akin. "O, ikaw pala, Lorraine. Maupo ka at kumusta ka na ngayon?" ngiti na tanong nito sa akin. Nilapag nito ang hawak na makeup kit. Tumayo siya at lumapit ito sa akin at pinaupo ako sa upuhan. "Gusto mo na bang bumalik sa trabaho? At nakiraramay ako, sa 'yo dahil sa pagkamatay ng kapatid mo," saad pa nito sa akin. "Okay na po ako kahit papaano, Mamita. At salamat ho sa ibinigay n'yong tulong sa lamay sa kapatid ko," pagpasasalamat ko rito. Hinawakan niya ang kamay ko."Wala 'yon, Lorraine. So, ano? Babalik ka na ba sa pagkanta? Maraming naghahanap sa malamyos mong boses." Ngumiti ako rito. "Salamat sa pagtitiwala n'yo sa akin, Mamita. At sa pagtanggap n'yo sa akin. Sa lahat ng tulong n'yo sa akin, simula nang mag-umpisa ako rito at hindi n'yo ako itinuring na bago." Kumunot ang noo ni Mamita Judith. "Teka, parang nagpapaalam ka na niyan, Lorraine?" "Tama po kayo. Magpapaalam na ho ako sa inyo," malungkot na pahayag ko. Ayokong sabihin ang dahilan. Tama na— na si Czarina lang ang nakakaalam ng plano ko. Mahirap ng magtiwala ngayon, kahit sabihin pa na maganda ang ipinakikita sa 'yo ng tao. Huminga nang malalim si Mamita Judith at umiling ito. "Hindi ka na ba mapipigilan? Baka, magbago pa isip mo?" sunod-sunod na sambit nito sa akin. "Buo na ho ang desisyon ko, Mamita. Kaya, pasensya na ho kayo," pahayag ko. "Sige. Papayag ako na umalis ka sa club ko. Pero, sa isang kondisyon," seryoso na anito sa akin, dahilan upang kabahan ako. "A-Ano hong kondisyon?" untag ko. "Kumanta ka muna, bago ka umalis dahil kahit ako ay namimis ko na ang boses mo. Pakiramdam ko kasi ay nawawala ang problema ko," ngiti nito sa akin. "Sige po, Mamita. Pero, okay lang ho ba na ganito ang suot ko?" tanong ko. "Oo naman. Gusto ko lang talaga na marinig ang boses mo dahil nagkakalabuhan kami ng boyfie ko ngayon," malungkot na pahayag nito sa akin. Kalaunan ay umiyak na ito. Fifty-two na si Mamita Judith, pero umaariba pa rin ang alindog nito dahil hindi pa naman ito menopause. "Kakantahan ko po kayo para mawala na lungkot n'yo," sambit ko. Lumabas kaming dalawa sa opisina nito. At sinenyasan nito ang kasama ko rin sa pagkanta na si Nica Lavarias, dahilan upang bumaba ito at lumapit sa amin. "Pasensya ka na, Nica at naabala kita dahil magpapaalam na sa atin si Lorraine, gusto ko siyang kumanta at marinig ang boses niya sa huling gabi niya rito," ngiti na saad ni Mamita Judith. "Sige po, Mamita. Sige na, Sis, kumanta ka na. Kahit kami ay namis din namin boses mo," saad ni Nica sa akin. Ngumiti ako sa mga ito. Nilapitan ko muna ang operator, saka ako umakyat ng entablado at kinanta ko ang Fernando ng Abba. Nakita ko na lumabas si Czarina, mula sa backstage at pumapalakpak ito sa tuwa. At gano'n din ang mga umiinom dito, at nagsisayawan pa ang iba. Pagkatapos kong kantahin ang Fernando ay nagsipalakpakan ang mga customer. May pumipito pa, kaya napangingiti ako dahil alam kong nagustuhan ng mga ito ang kinanta ko. Bumaba na ako. At patakbo akong niyakap ni Czarina. "Ang galing-galing talaga ng kaibigan ko! Manang-mana ako, sa 'yo," tuwang saad niya sa akin. "Bolera ka talaga, Czarina," napapailing na sambit ko, kaya nagtawanan kami, pero hindi ko pa rin maitatago ang lungkot sa aking mga mata. "Salamat, Lorraine at kahit papaano ay napawi mo ang kalungkutan ko ngayong gabi dahil sa pagkanta mo. At kung gusto mong bumalik sa pagkanta ay bukas ang club para sa 'yo. At tanggapin mo ito bilang tulong ko, sa 'yo mismo," nakangiti na wika ni Mamita Judith sa akin na inabot ang puting sobre na hinugot nito sa bulsa. "Huwag na ho, Mamita. Malaki na ho naitulong n'yo sa akin," saad ko. Nahihiya akong kuhanin ang sobre dahil totoo namang marami na itong naitulong sa akin. "Magtatampo ako, sa 'yo kapag hindi mo kinuha ang pera na ito," anito sa akin na inirapan pa ako. "Kuhanin mo na, Sis dahil ayaw ni Mamita Judith na tinatanggihan natin ang grasya," wika naman sa akin ni Nica. Kinalabit naman ako ni Czarina at ngumiti siya sa akin. At alam ko na ibig sabihin ng pagngiti niyang iyon, kaya kinuha ko na ang sobre. "Marami hong salamat, Mamita Judith," sambit ko, at niyakap ko ito. "Walang anuman. Basta, balik ka lang dito, ha," anito sa akin. Nagpaalam na ako sa kanila. At inihatid ako ni Czarina sa labas. "Mag-iingat ka, ha. Lagi kong sinasabi sa 'yo na tawagan mo lang ako. At kung ano man ang balak mo, mag-ingat ka," naluluha na aniya sa akin. "Oo, Czarina. Makuha ko lang ang hinahangad kong hustisya ay babalik ako rito," pahayag ko. "Ba't kasi, hindi mo na lang ipaubaya sa mga pulis ang nangyari sa kapatid mo. Kung ni-report mo sana sa kanila, eh, 'di sana, huli na siya at baka nasa kulungan na ngayon ang Sebastino na 'yon," gagad niya sa akin. "Gusto ko, na ako mismo ang tatapos sa lalaking 'yon," maawtoridad na sambit ko sa kanya. Huminga nang malalim si Czarina. At napailing ito. "Matigas talaga ulo mo." "Matagal na. Pumasok ka na sa loob at kailangan ka na roon ni Mamita," saad ko. Kinawayan ko ang taxi. Lumapit ito sa akin at sumakay na ako. Hindi ko na nilingon si Czarina, pero alam ko namang nag-aalala siya sa akin. Pag-uwi ko sa bahay ay inayos ko na mga gamit ko. Handang-handa na ako sa aking plano. At gusto kong masubaybayan ang bawat kilos ni Sebastino Fiercy, kaya papasok ako bilang katulong niya. KINABUKASAN, maaga akong umalis sa bahay. Naghintay ako ng taxi at inarkila ko ito, patungong Bulacan, kung saan nakatayo ang bahay ni Sebastino Fiercy . Ang pagkakaalam ko ay nasa liblib na lugar sa Bulacan ang bahay niya dahil nabanggit iyon sa akin ni Pamela no'ng nabubuhay pa ito. Hindi ko nga lang tanda kung saan 'yon dahil sa bahay ng Del Mundo ang alam kong pinagtirahan ng kambal na Fiercy. Kung saan nagtrabaho at naging yaya nila ang inay ko. Labing dalawang taong gulang sila at ako naman ay anim na taong gulang. Ngunit hindi ako masyadong dinadala ni nanay dahil Mafia raw ang mga magulang ni Sebastino. Kaya, hindi kami kilala ng lalaki na iyon na magkapatid kami ni Pamela. At isa pa ay hindi naman niya ako pinapansin noon, dahil siguro ay mahirap kami. Wala rin akong naiintindihan noon tungkol sa sinasabi ni inay na mafia. Pero ngayon ay alam ko na ang ibig sabihin niyon. Mahigit dalawang oras din ang binʼyahe ko nang makarating ako sa Bulacan. Nagtanong-tanong pa ako sa mga tao kung saan ang bahay ni Sebastino at kilalang-kilala pala siya rito. Hindi na ako nagpahatid sa taxi. Kundi ay bumaba na ako at naglakad na lang ako patungo sa malaking bahay ni Sebastino. Tamang-tama, dahil may lumabas na matandang babae sa mataas na bakal na gate, dala ang garbage bag. Hindi naman ito katandahan, sa katunayan ay maganda pa rin ito kahit may edad na. Mabilis akong lumapit dito. "Magandang umaga sa inyo, Madam. Tanungin ko lang ho sana kung nangangailangan pa kayo ng kasambahay sa malaking bahay na 'yan?" Tiningnan ako nito. At sinuri ako, mula ulo hanggang sa aking paa. Nakasuot lang ako ng tsinelas at kupas na maong na pantalon upang halata na nangangailangan talaga ako ng trabaho. Itinapon nito ang garbage bag sa basurahan at hinarap ako nito. "Pangalan mo?" Tila para itong galit na nagtatanong. "Lorraine Buenavidez ho. At may dala ho akong biodata," sambit ko. Pero, wala pang fill-out iyon. "Okay, Lorraine. Hindi ko na kailangan ng biodata, dahil malay ko, baka peke inilagay mong impormasyon diyan. At kaya mo ba lahat ng trabaho dito?" maawtoridad na tanong nito sa akin. "Oho, Madam. Kahit, magsibak ng kahoy," ngiti na sagot ko. "Hindi kami gumagamit ng kahoy rito, Ineng. Pero, dahil ikaw na mismo ang lumapit sa akin ay hindi na ako mahihirapan maghanap ng isa pang katulong," seryoso na pahayag nito, dahilan upang matuwa ako. Tila, para itong masungit. Pero, impresyon ko lang 'yon siguro. "Sumunod ka sa akin," saad pa nito. Para itong sundalo dahil tuwid na tuwid ang paglalakad nito. Pumasok kami sa mataas na bakal na gate at nagkalat ang mga armadong lalaki sa paligid, dahilan upang kabahan ako. Pakiramdam ko ay babarilin ako ng mga ito. "Ba-Bakit, mara—" "Diretso ka lang sa paglalakad at huwag mo silang intindihin. Kung gusto mo talagang magtrabaho dito ay itikom mo ang bibig mo," putol nito sa sinabi ko. Hindi na lang ako sumagot. Umikot kami at pumasok na kami sa bakal na pinto. Napansin ko na lahat yata ng pinto sa bahay na ito ay pulos bakal. Kusina ang pinasukan namin at naabutan naming abala ang ibang katulong dito. Ngunit napamaang ako dahil sa uniporme ng mga ito. "Bago siyang katulong, Mayordoma?" tanong ng babaeng blonde ang buhok. At tiningnan ako nito ng pataas-pababa. Nanliit tuloy ako sa aking sarili dahil ampuputi ng mga ito. "Oo," sagot nito. "Siya si Lorraine. Lorraine, siya si Mary Joy Hintapan. Ang nakatuka sa kusina at kasama niya si Rosalia Aguilar. Ang nasa washing area naman ay si Eloisa Ladines, kasama niya si Shey Delos Reyes. At ikaw naman ilalagay ko sa room area," maawtoridad na pahayag nito sa akin." Ako ang kanilang mayordoma rito. Mayordoma Vie Bongat at ilang taon na akong nanunungkulan sa malaking bahay na ito ni Sebastino," dagdag pa nito sa akin at iniwan na kami nito. Lumapit naman sa akin ang apat na babae at kinamayan ako ng mga ito. "Welcome to the house of evil, Lorraine," ngisi na saad ng mga ito sa akin, dahilan upang kumunot ang noo ko. Pero, agad rin akong ngumiti sa kanila. "Sanay na sanay ako sa mga evil dahil sa eskuwater ako nakatira," sarkastiko na sambit ko. "Ewan ko lang kung makatagal ka rito. Baka, pagkakita mo sa boss natin ay uuwi ka na agad," maarte na wika sa akin ni Rosalia. "Grabe ka naman, Rosalia. Tinatakot mo agad siya. Kabago-bago nga lang niya rito, eh," sambit naman ni Shey. "Masasanay rin 'yan dahil laking eskuwater pala siya, eh," ani Eloisa na hawak pa ang nilalabang brep, habang inaamoy-amoy iyon. "Ang bango talaga ng brep ni Boss Sebastino," kinikilig pa na saad nito, dahilan upang mapangiwi ako. May washing naman, ba't kailangan pang i-hand wash? "Magsibalik na kayo sa inyong mga puwesto," maawtoridad na utos ni Mayordoma, kaya kanya-kanyang balik ang mga ito sa puwesto. "Heto ang uniporme mo, Lorraine. At dahil bago ka ay mag-isa mo sa kuwarto na iyon, katabi ng aking kuwarto," saad nito. "Pumasok ka na at magbihis dahil uumpisahan mo nang maglinis ng mga kuwarto ngayon. At nasa divan ang mga panlinis," dagdag pa nito sa akin. Tinungo ko na ang kuwartong itinuro sa akin ni Mayordoma. Inilapag ko mga gamit ko at nagpalit na ako ng uniporme. Mas maiksi pa yata ang uniporme na ito, kaysa sa isinusuot ko sa club. Kaya, nagsuot ako ng cycling upang hindi kita ang panty ko. Lumabas na ako. At kinuha ko na ang mga panlinis. Umakyat ako sa taas at Nilisan ko na ang mga kuwarto roon. Naka-lock ang isang pinto kaya hindi na ako nag-aksaya pang buksan iyon. Dahil, baka importante ang naroon. Ala-una na nang matapos akong naglinis ng kuwarto. Bumaba na ako at naabutan kong nagtatanghalian na ang apat na kasama ko. "Kumain ka na, Lorraine. Nakalimutan mo na yata ang oras," sarkastiko na sambit sa akin ni Mary Joy. "Hi-Hindi naman. Nag-enjoy lang ako sa paglilinis," sagot ko. Pero, kumakalam na ang tiyan ko. "Narinig na namin ang bulate sa tiyan mo, kaya kumain ka na," wika naman ni Rosalia. Ibinalik ko ang ginamit kong panglinis sa divan. Naghugas ako ng aking kamay at kumuha ako ng plato ko at kumain na rin ako. "Girl, huwag mong isipin na masungit kami, ha. Ganoon lang kami kanina, para hindi ka boring, kasi, kapag nandito si Boss Sebastino," saad ni Eloisa na biglang humina ang boses nito. "Ang seryoso na namin," dagdag pa nito. "So, ibig sabihin ay wala si Sebastino rito? Ahm, ibig kong sabihin ay Boss Sebastino," untag ko. "Oo, Girl. Hindi namin alam kung nasaan dahil hindi naman iyon nagpapaalam. Siyempre, alila lang tayo," pahayag naman ni Shey. "Uhm, ba't ganito nga pala ang uniporme natin?" Wala sa sariling tanong ko. "Para, maakit daw mga kalaban sa atin at mabilis silang mahuli," mabilis na sagot ni Rosalia, dahilan upang takpan ni Mary Joy ang bibig nito. "Ang ingay mo," sermon ni Mary Joy rito. Napailing na lang ako sa inakto ng mga ito, kaya kumain na nga lang ako. Ngunit, nagtanong ako kung saan kumakain ang mga lalaking armado. "Sa storage sila kumakain. Kami nagluluto ni Rosalia at dinadala namin doon," sagot ni Mary Joy sa akin, kaya tumango-tango lang ako. "Teka, bawal ang cellphone dito, kaya kung may cellphone ka, itapon mo na, dahil bawat sulok ay may cctv rito. Baka, mahuli ka ni boss, ikaw rin ang kawawa," pagpapaalala pa nito sa akin, kaya ngumiti lang ako. Pagsapit ng gabi ay kanya-kanya na kaming nagsipasok sa aming kuwarto upang matulog na. May sariling banyo ang kuwarto ko, kaya naligo ako dahil malagkit ang pakiramdam ko. At dahil sarili ko namang kuwarto ito ay nagsuot ako ng manipis na pantulog. Lumipas pa ang isang oras ay hindi ako makatulog. Gusto kong kuhanin ang cellphone ko, pero hindi naman puwede dahil baka may cctv sa kuwartong ito. At mabuti na ang nag-iingat. "Ahh! Ahh! Ahh!" Narinig kong ungol ng babae, kaya tumayo ako. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto nang kuwarto ko at lumabas ako. Patay ang ilaw rito sa sala. Pero sabi naman ni Mary Joy ay may cctv sa bawat sulok. Baka, niloloko lang niya ako. Sa itaas nanggagaling ang ungol, kaya naman mabilis akong pumanhik doon dahil baka pinapatay na ito. "Ohhh, fvckkk! Ahhh! You're fvcking wet, Love, ahh!" narinig ko na sambit ng isang boses lalaki. Iyong kuwarto na nakasarado kanina ang bukas ngayon. Kaya dala ng kuryosidad ay pumasok ako at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang babaeng nakaibabaw sa hubad na lalaki, dahilan upang magulat ang mga ito sa akin. "Who are you, fvcking lady!" galit na sigaw sa akin ng lalaki. Itinulak niya ang ka-sxx na babae dahilan upang mahulog ito sa kama. Tinitigan ko ang hubad na lalaki at hindi ako puwedeng magkamali. Siya si Sebastino, ang pumatay sa kapatid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD