Chapter 1: Patay na si Pamela

1290 Words
"Pa-Pamela!" utal-utal na sambit ko nang makita kong nakahandusay ang kapatid ko sa sahig. Naliligo siya sa sarili niyang dugo. May katabi siyang kutsilyo at punom-puno iyon ng dugo. At sa kaliwang kamay niya ay hawak niya ang isang litrato. Nanginginig ang mga paa kong humakbang palapit sa kanya. Pati ang labi ko ay halos hindi ko maibuka. "Pamela!" muling sambit ko. Kinuha ko ang litratong hawak niya at litrato ito ni Sebastino Fiercy, ang boyfriend ng kapatid ko at dating alaga ng aming inang yumao na. Sa galit ko ay pinunit-punit ko ang larawan hanggang ito ay magkapiraso at itinapon ito. "Pamela, kapatid ko!" humahagulgol na sambit ko at agad ko siyang niyakap. Hindi na siya humihinga, kaya nagsisisigaw na ako. "Ughh, kapatid ko! Kapatid ko! Ano pang ginagawa n'yo! Ba't hindi n'yo agad dinala ang kapatid ko sa hospital! Anong ginagawa ng landlady rito! Mga wala kayong awa!" bulalas ko sa mga taong nasa pinto. Pilit kong binuhat ang kapatid ko palabas ng apartment at nagtawag ako ng taxi. Bumaba ang driver at tinulungan akong ipasok sa loob si Pamela at sumakay na rin ako. Pinaharurot na nito ang taxi at binaybay na namin ang daan patungong ospital. "Bilisan mo mamang driver, bilisan mo!" kinakabahang saad ko. "Ito na ang pinakamabilis na pagpatatakbo ko, Miss. Kung bibilisan ko pa, baka maaksidente pa tayo," depensa naman nito kaya tumahimik na lang ako. Wala rin naman kasing magagawa ang pagngawa ko dahil hindi ako ang driver. Pagdating namin sa ospital ay binuhat ng driver ng taxi ang kapatid ko papasok sa loob ng emergency room. At agad sinuri ng doktor ang kapatid ko. Hindi ako pinapasok sa loob kaya hindi ko maiwasang hindi magpanik. "Papasukin n'yo ko, Dok! Kailangan ako ng kapatid ko! Dok!" sigaw ko nang lumabas ang nurse mua sa emergency room. "Hindi puwede ang kamag-anak sa loob, Miss kaya maghintay na lang kayo rito," pahayag sa akin ng nurse. "Hindi ako puwedeng maghintay lang! Sino bang Ate ang hindi mag-alala kapag ang kapatid niya ay nariyan sa loob, ha!" sigaw ko rito. "Wala rin kayong magagawa kapag nasa loob kayo!" gagad nito sa akin dahilan upang maikuyom ko ang kamay ko. Isinarado nito ang pinto ngunit segundo lang nang lumabas ang doktor. "Ang kapatid ko, Dok, kumusta? Naka-survive ba siya? Gumagalaw ba siya? Ano?" sunod-sunod na tanong ko habang ang katawan ko ay nanginginig. Huminga nang malalim ang doktor at umiling ito. "I'm sorry, Miss, pero wala na ang kapatid mo at ang baby niya sa kanyang sinapupunan," malungkot na imporma ng doktor sa akin. Tila para akong nabingi sa narinig ko. "A-Ano? Pa-Pakiulit n'yo nga ho ang sinabi ninyo?" untag ko sa doktor. "Inuulit ko, Miss, wala na ang kapatid mo at ang baby niya. Hindi namin sila na-isurvive dahil maraming dugo ang nawala sa kanya at patay na silang dalawa pagkadala n'yo sa kanya rito," imporma ng doktor sa akin dahilan upang mapaawang ang labi ko. "Bu-Buntis a-ang ka-ka-kapatid ko-ko? At-At pa-patay na si-silang da-dalawa?" utal-utal na wika ko habang tumutulo ang mga luha ko. Tumango ang Doktor sa akin. "Yes. I'm sorry." "Hi-Hindi maaari, Dok! Buhay ang kapatid ko! Buhay ang baby niya! Sinungaling kayo! Mga sinungaling kayo! Sabihin ninyo na nagbibiro lang kayo, sabihin n'yo!" nagwawalang sambit ko sa harap ng doktor at pinagbabayo ko ito sa dibdib kaya naman inilayo ako ng mga staff nurse dito. "I understand you na mahirap at higit sa lahat ay pinakamasakit mawalan ng minamahal, lalo na at dalawa sila. Pero, wala kaming magagawang mga doktor kung ang diyos na ang may planong kuhanin ang buhay ng mga pasyente. Isa lang kaming instrumento para pagalingin at maisurvive ang buhay ng mga pasyente na narito, " pahayag ng doktor at naglakad na ito palayo sa akin. Tila para akong binagsakan ng malaking bato sa aking ulo at tila bibigay ang katawan ko ngayon. Umiikot ang paningin ko. At hindi ko na alam ang sumunod na nangyari sa akin. Nagising na lamang ako sa haplos sa aking buhok. "Czarina?" sambit ko. Ang kaibigan ko sa club at singer din tulad ko. "Tinawagan ako niyong driver ng taxi na sinakyan n'yo kanina na nahimatay ka raw, kaya agad akong pumunta rito. Hindi na rin siya nagbabayad dahil mas nangangailangan ka raw ngayon. Pero, ba't hindi mo 'ko tinawagan?" nagtatampo na saad nito sa akin. "Hindi na kita naalalang tawagan, Czarina pero ang kapatid ko?" sambit ko at agad akong bumangon. "Ang kapatid ko, Czarina, wala na siya! Pati ang baby niya ay wala na rin, wala na at iniwan na nila akong dalawa," muling hagulgol ko. "Bu-Buntis si Pamela?" hindi makapaniwalang saad nito sa akin. Tumango ako sa kanya. "Oo, Czarina at hindi ko alam na buntis siya. Akala ko, lahat ay alam ko na tungkol sa kanya at sasabihin niya sa akin ang mga sikreto niya, pero inilihim niya sa akin ang pinakamahalagang bagay na 'yon. Anong dahilan? At bakit ang kapatid ko pa? Bakit silang dalawa pa ng baby niya, ha!" sigaw ko dahilan upang mapaawang ang labi ng kaibigan ko. Wala akong pakialam kung pagtitinginan ako ng mga tao rito. Niyakap ako ni Czarina at hinagod-hagod niya ang likod ko. "Nakikiramay ako sa 'yo, Lorraine. Pero, alam kong may dahilan ang lahat ng ito at baka ayaw ka lang niyang bigyan ng problema, Lorraine kaya hindi na sinabi ng kapatid mo na buntis siya," pahayag nito sa akin. "Kahit pa! Kahit pa!" hagulgol ko. Kaya naman agad akong tumayo ngunit pinigilan ako ni Czarina. "Kaya mo na bang tingnan ang kapatid mo? Baka, mahimatay ka na naman?" pag-aalala niya sa akin. "Kaya ko na, Czarina, at kakayanin ko dahil kaming dalawa na lang ng kapatid ko ang nagdadamayan, pero, hindi ko talaga matanggap na wala na siya sa akin," sambit ko. Muli na namang nagtangisan ang mga bagang ko. Inutusan kong tumawag si Czarina na tumawag na ng funeral upang dalhin na ang bangkay ng kapatid ko. Lumipas ang isang oras ay nar'yan na ang sasakyan ng funeral at kinuha na ng mga ito ang bangkay ng kapatid ko at ibinalot ko naman ang garapon na naglalaman ng fetus sa tela at umiiyak ako habang yakap ko ito. Pagkarating namin sa funeral, ay nilagay sa morgue ang kapatid ko upang embalsamuhin na at hindi ko maiwasang pumalahaw ng iyak. Pagkatapos ng limang araw na lamay ay pinalibing ko na si Pamela, kasama ang dalawang buwan niyang anak. Hindi umayon ang panahon dahil maulan ang umaga ngayon at may kasamang pagkidlat. "Pamela! Pamela!" sigaw ko, habang yakap ko ang kabaong niya. "Bumitaw ka na, Lorraine dahil ibababa na kabaong ni Pamela," saad sa akin ni Czarina habang hawak niya ako sa aking mga braso. Inilayo niya ako sa kabaong ni Pamela, kaya nagpupumiglas ako. "Bitawan mo 'ko, Czarina! Bitawan mo 'ko!" sambit ko na pilit akong lumalapit sa kabaong ng kapatid ko. "Gusto mo bang sumunod sa kanya, ha! Sige, tumalon ka riyan sa hukay at ilibing mo ang sarili mo!" sigaw sa akin Czarina dahilan upang tumahimik ako. "Sa tingin mo ba, masaya si Pamela na nakikita kang gan'yan, Lorraine? Mas lalo mo siyang pinalulungkot! Lumaban ka para sa kapatid mo!" matigas pa na aniya sa akin. Naikuyom ko ang mga kamay ko. Naibaba na ang kabaong ng kapatid ko sa libingan niya at tinatabunan na ng lupa, kaya naman nagsialisan na ang mga nakipaglibing, kasama ang ibang katrabaho ko. At tanging kami na lang ni Czarina ang naiwan dito. Nanginginig ang katawan ko. Lumuhod ako at niyakap ko nang mahigpit ang larawan ng kapatid ko. "Ipinangangako ko rito sa libingan ng kapatid ko! Ikaw! Sebastino Fiercy! Pagbabayaran mo ang ginawa mong ito dahil maghihiganti ako!" sigaw ko, kasabay ng malakas na pagkidlat at pagbuhos ng ulan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD