Chapter 2

1508 Words
Dumating sa Hospital ang dalawa. Inalalayan ni Patrick ang dalaga pababa sa kotse hanggang sa maka pasok na sila sa loob. Agad naman sila inasikaso ng Doctor, may ilang mga katanungan muna ang sinagot ni Lisa bago sya sinabihan na humiga. Ilang test din ang ginawa sa kanya bago sila natapos. Nag hintay pa sila ng kalahating oras bago sila tinawag ulit ng nurse na pumasok sa loob. Agad naman sila pina upo ng Doctor bago nag salita. "Congratulations misis Salvador, your six weeks pregnant." Pahayag ng Doctor. Gulat na gulat naman nina Lisa at Patrick matapos marinig ang sinabi ng Doctor. "Excuse me doc. P-paki ulit nga po." naguguluhan na tanong ng binata. "Yes mister, buntis ang misis mo. Ito pala ang mga Vitamins nya." Sabay abot sa bote "kailangan mong ipainum ito kay misis once a day para sa Bone and Brain development ng baby. Kailang din nyang kumain ng masu-sustansya. More fruits and vegetables, Milk and she need to rest well. Bawal din sya mag buhat ng mabibigat at bawal din mag puyat."Mahabang paliwanag ng Doctor. Hindi naka imik si Lisa dahil sa pagka gulat. Hindi nya inasahan na mag bubunga ang isang gabi na iyon. Matapos maka pag bayad ni Patrick ng Bill nya ay ina lalayan na ulit sya papunta sa kotse nito. Sya na rin ang nag lagay ng setbelt sa dalaga saka umikot sa may drivers seat. Nakayuko lang ang dalaga habang umaagos ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Awa ang tanging nararamdaman ng binta para sa dalaga. "Anong plano mo ngayon? tanong nya habang marahan na hinahaplos nito ang ulo ng dalaga. "Hindi ko alam." sagot nya "Tahan na, makakasama sa baby ang pag- iyak." pag-alo ni Patrick "Natatakot ako Patrick, pa******n ako ni Papa kapag nalaman nya ito." sabi ng dalaga. Natatakot sya sa kanyang ama at baka kung anong gawin sa kanya. Baka itakwil sya bilang anak at palayasin sa bahay nila. Dinala muna ni Patrick ang dalaga sa tabing dagat upang maka langhap ng sariwang hangin at maka pag relax ang isip nya. Umupo sila sa buhangin habang pina panuod ang pag lubog ng haring araw. Naka yakap si Patrick sa dalaga na wala parin imik na naka tanaw sa karagatan. Hinalikan nya 'to sa ulo saka nya ito pina harap sa kanya. "Pakakasalan kita, ako ang tatayong ama ng baby." Sabi ng binata na lalong kina gulat ng dalaga. "What?. Are you crazy?" ani nya habang nanlalaki ang mga nito dahil hindi sya maka paniwala sa narinig. "Yes i am. And i'm crazy, crazy inlove with you." sagot nito. "Bata pa lang tayo, mahal na kita Lisa. Natakot lang ako na aminin ito sayo dahil baka magalit ka at lumayo ka sa akin." sabi pa nya sabay hawak sa pisnge ng dalaga. "Natakot ako na kapag nag tapat ako sayo ay magalit ka. Baka layuan mo ako at hindi mo na ako kausapin."patuloy pa ng binata. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na maaga?." halos pabulong na tanong ni Lisa "Dahil duwag ako, natatakot ako. Isipin ko pa lang na lalayuan mo ako dahil maiilang kana sa akin kapag nalaman mo na ang bestfriend mo ay may nararamdaman sayo. Baka ayaw mo na rin akong makita kasi galit kana sa akin. Hindi ko kakanayin 'yon, hindi ko kaya." wika nya habang dumadaloy ang luha pababa sa kanyang pisnge. "Mag pakasal tayo. Ako ang magiging Daddy nya. Palalakihin natin syang mag kasama. Mahal na mahal kita Lisa, at lahat gagawin ko para lang maging masaya ka, kayo ng magiging baby natin.' sabi pa nya sabay halik sa mga labi ng dalaga na bahagyang naka awang dahil sa narinig. Napa pikit na lang ng mata ang dalaga at hinayaan na namnamin nilang dalawa ang matamis na halik na kanilang pinag sasaluhan. Hindi maintindihan ni Lisa ang kanyang pakiramdam habang hinahalikan sya ni Patrick. Magka halong kaba at init ang kanyang nadarama. Hindi nya maipaliwanag ang kanyang pakiramdam. Para syang dinuduyan habang ang kanyang sikmura ay nagwawala dahil sa kakaibang pakiramdam na iyon. Hingal pa sila pareho nang mag hiway ang kanilang mga labi pero magka dikit pa rin ang kanilang mga noo. "Paano sina tito at tita? Baka hindi sila puma-....." Naputol ang iba pang sasabihin ng dalaga dahil biglang inilapat ng binata ang kanyang dalawang daliri sa bibig nya. "Remember that night? Sinundo kita at inuwi kita sa bahay? Doon ka natulog sa kuwarto ko, sa tabi ko. Tayo ang mag kasama sa gabing yun at alam din nilang lahat yun. Kaya huwag kang mag-isip ng kung ano pa man. Just trust me." madamdamin na sinabi ng binata. Tumango na lang ang Dalaga. Hindi nya sukat akalain na magiging maayos pa rin ang lahat. Marami man naganap ngayon na naka kagulat, ay nagpa pasalamat parin sya sa diyos dahil hindi pa rin sya pinabayaan. Nag lakad-lakad muna sila sa tabing dagat bago nag pasyang umuwi. Masayang masaya naman ang binata dahil sa wakas ay naamin din nya ang kanyang nararamdaman sa kababata. Alam naman nya na sya lang ang nag mamahal at si Lisa, kapatid pa rin ang tangi nyang pag tingin sa kanya. Alam ni Patrick na darating ang araw na ma- mahalin din sya ng dalaga ng katulad ng pag mamahal nya rito. Kung kailan? hindi nya alam, at mag hihintay parin sya. Hindi sya susuko sa kanyang mahal, kanya na si Lisa at masaya sya sa isipin na 'yon. Bago sila umuwi, dumaan muna sila Jewellery Shop na pag-aari nila. Bumili sya ng Diamond ring para sa dalaga, para pag dating nila sa bahay nila mamaya ay agad na silang mag-papaalam na magpakasal. Nag Text na lang sya sa mommy nya na pumunta sila sa bahay nila Lisa at hintayin sila doon na dumating. Alam nyang tatawagan sya ng ina kapag nabasa ang message nya kaya ini-off na lang nya ang kanyang phone. Hawak nya ang kamay ng dalaga habang nakatigil ang kotse nya na naipit sa traffic. Hinalikan pa nya ang kamay ng dalaga, hindi nya talaga maiwasan ma excite. Para syang nananaginip lang, noon akala nya hanggang pangarap na lang ito. Pero mali pala, dahil heto na, nahahawakan na nya at naha halikan pa ang kanyang pinaka mamahal na babae. Alas-otso na ng gabi sila dumating. Gaya ng inaasahan, ay nag hihintay na ang mga magulang nila sa Living Room nila Lisa. Agad silang bumati at humalik sa kani- kanilang mga magulang na matagal nang nag hintay sa pagdating nila. Si Joanne na mommy ni Patrick ang unang nag tanong kung ano ang problema ng anak nya. Kung bakit pina punta sila dito ngayon ng binata. "Mabuti pa ay sa dinning na natin pag-usapan yan Amiga. Naka hanada na ang pag-kain sa lamesa. Kumain na muna tayo." wika ni Lucille na ina ni Lisa "Oh sya sige Amiga. Mabuti pa nga."tugon naman nito dahil gutom na rin sya. Masayang nag hapunan ang lahat habang masayang nag-uusap tungkol sa kani-kanilang mga negosyo. Tahimik lang na kumain si Lisa, kahit wala syang gana dahil sa kabang nararamdaman ay pinilit pa rin nya ang sarili nya na kumain. Si Patrick ang nag lalagay ng ulam sa nya, hinayaan na lang nya ito dahil ayaw nyang mahalata sya ng magulang. Patapos na silang kumain nang balingan sila ng mga magulang. Ang ama ni Lisa ang unang nag tanong. "Puwede na ba natin pag-usapan ang dahilan kung bakit tayo biglang nagkaroon ng Re-union?." Tanong nito habang naka tingin kay Patrick at Lisa na magka tabing kumakain. Pareho naman silang napatigil sa pagkain at uminom na lang ng tubig. "Patrick, ano ba mahalagang sasabihin mo?at ganon na lang kung mag-panic ang mommy mo kanina?." tanong ni Gil na ama ni Patrick. Hindi maka sagot si Patrick dahil sa sunod sunod na tanong sa kanya. Pati ang mommy nya ay nag simula na naman maging Paranoid. "Patrick! ano? Gusto mo ba akong maheart Attack dito?." tanong ng mommy nya na hawak pa ang dibdib. Napa-pailing na lang ang binata dahil sa hindi sya maka singit sa pag sa-salita. Minabuti nya na lang tumayo para matigil ang ina nya sa kakatalak nito. Hinila din nya ang dalaga patayo sa tabi nya. "Mom, Dad. Tito Manuel, tita..." panimula nya "H-huwag po sana kayo magagalit sa amin ni Lisa. Engaged na po kasi kami." sabi nya saka ipinakita ang kamay ni Lisa na may suot na Diamond Ring. Ang lahat ay nagulat sa pahayag 'yon ni Patrick. Walang nag salita sa kanila ng ilang sandali. Nag takip pa ng bibig ang ina ni Patrick habang nanlalaki ang mga mata sa gulat. Tulala naman ang ina ni Lisa. Ganon din ang Daddy ni Patrick. Bigla naman nahulog ang hawak na kutsara ng Papa ni Lisa at lumikha ng malakas na tunog. Nabitawan nya ito dahil sa gulat. "Ehemmmm!". si Miguelito na biglang binsag ang katahimikan. Nagkatinginan ang lahat hindi alam kung ano ang sasabihin. "Ate, Congrats! kuya Patrick Congrats ! totoong kuya na kita?." masayang bati ni Miguelito sa kanila at niyakap pa ang ate nya at kinamayan naman nya si Partrick.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD