Sa sobrang pagka bigla ng mga magulang nila. Ilang sandali din ang lumipas bago sila naka pag salita.
Saka lang sila naka bawi at nag salita ng makita nila si Miguelito na tumayo at yakapin ang kanyang ate.
Tumayo din ang dalawang Padre de Pamilya upang batiin ang kanilang mga anak.
"Congrats son." bati ng ama ng binata "Bakit hindi mo sinabi na maaga, para naman naka pag set tayo ng Engagement Party para sa inyo." saad pa nito.
"Sya nga naman Patrick, hindi naman kami tutol, kaya lang talagang nabigla kaming lahat. Ang buong akala namin ay mag kaibigan lang kayo ni Lisa." Sabi naman ni Miguel na ama ni Lisa.
Napa pakamot na lang sa kanyang uloang binata. Hindi nya alam kung papaano ipa-paliwanag ang sarili.
"Dad, tito. Ang totoo po nyan ehhh."Putol nya sa sasabihin dahil nahihiya sya sa mga magulang nila.
"Sege, ituloy mo. Nakikinig Kami." Saad ulit ni Miguel.
"T-tito, m-magpa-paalam po sana kaming dalawa ni Lisa na M-mag P-pakasal na." pahayag nya na nau-utal.
Napatayo naman sa gulat si Lucille, halos hindi sya maka paniwala sa narinig.
"Mag pakasal? Hindi ba't kasasabi nyo lang na engaged na kayo? Ngayon, kasal na agad?." sabi nya habang palakad lakad na hinihilot pa ang noo.
Hinila naman sya ng asawa at pina-upong muli dahil sa sya daw ang nahi-hilo na manuod sa kanya.
Hindi pa man nakaka upo si Lucille, nang biglang nag histirical ito."Oh God... Oh God! No, no, no, noooo!."Agad naman siyang pina kalma ng asawa pati na rin si Miguelito.
"Mama, ano bang nangyayare sayo?." Tanong nya sa ina, labis itong nag -alala sa kalusugan nito.
"Ayaw ko pa na tawagin akong Lolaaaa! No. Ayaw ko! Ayaaaaaw." Sigaw pa nya.
"OMG!." Si Joanne habang nanlalaki ang mga mata.
"Amiga! Magkaka-apo na tayo?. Tanong nya sa kanyang kaibigan.
Nakayuko lang si Lisa habang naka upo katabi si Patrick at hawak nya ang braso nito. Hindi nya alam kung paano nya ipapaliwanag sa mga magulang ang kalagayan nya.
Tahimik din na naka upo si Patrick. Magka hawak kamay sila buong oras habang mahigpit ang kapit ni Lisa sa kanya.
Patuloy naman na inaalo nila Miguel at Gilbert ang kani- kanilang asawa.
Hindi na bago sa kanila kung gaano sila ka over acting. Lalo na kapag ang pinag uusapan ay ang kanilang Figure at mukha. Parehong high maintenance ang mag kaibigan at takot magka wrinkles. Ngayon naman ay takot maging lola...
"Tama na nga ang Drama nyo. Nag hintay sa inyo ang mga bata oh!" asar na turan ni Miguel sa asawa nya.
Hindi na naka tiis si Lisa at sinabi na nya ang tungkol sa pag bubuntis nya. Lalo naman umiyak ang dalawang ginang nang marinig nila na nagka totoo ang kanilang kina katakutan.
Naging mahinahonnaman ang kanilang mga ama at pumayag din na mag pakasal sila sa lalong madaling panahon.
Naka hinga ng malalim sina Lisa at Patrick. Nagka sundo sila na ipapa kasal sila after ng Graduation nila. Dalawang buwan pa lilipas mula ngayon.
Tutol naman si Lucille na after two moths pa sila ikasal. Pangit na daw ang anak nya na mag suot ng wedding gown kapag malaki na ang tiyan nito.
"Dapat sa katapusan na lang. Kami na ni Jo ang bahalang mag-aayos ng lahat." Pahayag nya na sinang ayonan naman ni Joanne.
Biglang sumigla ang magka-ibigan dahil sa gagawin nilang plano sa kasal ng kanilang mga anak.
"Doon na tayo sa Sala mag-usap Amiga! i'm soooo excited na! ." paanyaya ni Lucille, saka tinawag ang isang katulong.
"Angie, dalhan mo kami ng kape sa Sala. Paki labas na rin ang Desert. Thank you." Utos nya sa kasambahay.
Pinag-usapan nila ang lahat ng mga ka- kailanganin sa wedding. Muna sa kukunin ninong at ninang mga abay pati simbahan at reception nila.
Napapahilot na lang sa ulo nya si Miguel dahil sa asawang pabago-bago ang mood.
Nagpaalam naman si Lisa na matutulog na dahil nahihilo pa rin kasi sya at ina antok na rin dahil lagi syang napupuyat sa pagre- review. Dito na rin matutulog si Patrick, meron naman syang mga damit sa Closet ni Lisa. Ganon din sa bahay nila, meron din mga gamit doon ni Lisa.
Nagpatuloy naman sa pag paplano ang kanilang mga magulang. Bakas sa mukha ng dalawang ginang ang excitement.
Napapa iling na lang sina Miguel at Gilbert habang nakikinig sila sa kanilang mga asawa nila na feeling nila ay sila ang ikakasal.
Gulat na gulat ang mga kaibigan ng dalaga matapos nitong sabihin sa kanila na silang tatlo ang abay nya.
Alam nila na mag kaibigan lang sila ni Patrick. Kaya ganon na lang ang reaction ng mga ito. Hindi pa sana paniniwalaan ito, pero may ibinigay na invitation card sa kanila ang dalaga.
Nag tampo pa si Lynnette sa matalik nyang kaibigan. Hindi nya matanggap na nag lihim ito sa kanya. Sa kanilang tatlo si Lynnette ang pinaka malapit sa kanya.
Mula Elementary at High School mag kaibigan na sila. Pareho din ang kurso
na kinuha nila dahil sa parehong galing sila sa pamilya na Lawyer ang kanilang mga ama.
Niyakap na lang ng dalaga ang kaibigan saka nag sorry.
"Sorry na. Sasabihin ko naman sayo kaya lang pareho tayong nag rereview." ani nya habang yakap ang umiiyak na kaibigan.
Wedding Day....
Kaba at excitement ang nararamdaman nya sa mga oras na ito. Naka tayo sya kasama ng kanyang mga magulang habang hinihintay ang kanyang Bride.
Guwapo si Patrick, isa sya sa tinatawag na Heartthrob sa Campus. Kilala sya ng lahat dahil sya mismo ang Model sa kanilang Family Buseness ang St. Patrick's Pawnshop and Jewellery pati na rin ang Joanne's Grill.
Maraming babae ang gustong lumapit sa kanya. Ang iba ay lantaran pang nag papakita ng motibo. Pero wala syang pinansin sa kanila dahil nag-iisa lang ang babaeng nagugustuhan nya. Walang iba kun'di ang kanyang kababata, at bestfriend.
Ilang beses na din syang nag punas ng kanyang noo. Pinagpa-pawisan sya dahil sa pinag halong kaba at excitement na kanyang nadarama.
Kanina pa sya pina pakalma ng mga magulang nya, ganon din ang kaibigan nyang si Henry na kanyang Bestman.
Ilang sandali pa, tinawag na sila ng organizer para mag handa sa entourage . Dumating na daw ang Bridal car.
Nag simula na rin ang pag Play ng kanilang wedding song ang Thousand Years na sila mismo ni Lisa ang pumili.
Nag simula nang mag lakad ang mga abay. Nauna ang panganay na kapatid ni Lisa, sumunod naman ang pangalawa na parang diosa sa kagandahan.
Lahat ng mga tao na nanunuod ay napa pahanga sa taglay nitong alindog.
"Sya ba 'yung anak ni Judge na InternationalSuper Model?"
"Ang ganda ni Michelle S"
"Si Michelle S"
Ilan lang sa mga maririnig na usapan ng mga bisita na narito sa simbahan.
Sumunod na rin si Loraine at Yvette, pinaka huli si Lynnette na bestfriend ng dalaga at sya rin ang Maid of Honor nya.
Lisa's POV....
Kinakabahan ako ngayon, hindi ko alam kung tama na tinanggap ko ang alok ni Patrick na kasal. Parang mali kasi, nakukunsensya ako dahil hindi naman sya ang naka buntis sa akin. Wala syang pananagutan sa akin.
Pero nang magtapat sya sa akin na mahal nya ako, at lihim pala nya akong minamahal.
Matagal na pala nya ako inaalagaan, pero hindi manlang sya nag tapat sa akin kahit minsan noon o kahit biro man lang sana ay nagpa hiwatig sya.
Nang makita ko syang umiiyak at nagma makaawa na tanggapin ko sya. Ewan ko bakit parang dinudurog ang puso ko naawa ako sa kanya. Hindi ko maipa-liwanag pero bakit ako nasasaktan na makita syang umiiyak.
Nang hinalikan nya ako sa labi, bakit ganon ang naramdaman ko. Para akong lumutang sa hangin at ang tiyan ko para akong nakikiliti na may parang lumilipad sa loob.
Ang pag yakap nya sa akin at pag hawak nya ng mahigpit sa palad ko. Pakiramdam ko parang ligtas ako sa kahit anong naka katakot na mangyayari sa buhay ko.
Madalas naman kaming mag yakapan at mag holding hands mula pa noong mga bata kami. Pero iba ang pakiramdam ko ngayon. Mahal ko rin ba sya? bakit ganito, bumibilis ang t***k ng puso ko sa isipin na mag papakasal na ako sa kanya? "Oh God!"
Heto ako ngayon, nakatayo dito sa tapat ng Simbahan. Ngayon ang kasal namin ni Patrick. Kinakabahan ako, parang hindi ko maihakbang ang aking mga paa.
Biglang bumukas ang pinto ng simbahan, hudyat na ito para akoy pumasok at puntahan ang aking groom na nag hihintay sa may Altar.
Iniangat ko ang aking paningin at namangha ako sa mga Pink na bulaklak na nasa aking harapan.Ang buong entrance ng church ay parang naging Flower shop sa dami ng bulaklak. Pati ang Isle kung saan ako dadaan ay puno ng mga pink and white combination ng mga bulaklak. Napa ngiti ako dahil Favorite ko talaga ang Pink, alam na alam talaga ni Patrick kung paano ako pasayahin.Nag simula na akong maglakad, nasa kalagitnaan na ako nang salubungin ako nila mama at papa. Humalik muna ako sa kanila bago kami nagpatuloy mag lakad patungo sa aking Groom.
Oh my god! Ang guwapo ni Patrick! huh! kinikilig ba ako? Dati naman na alam kong guwapo sya, pero bakit ngayon ko lang sya pinuri? And wait a minute, am i crying? Bakit hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako? Ganon ba talaga ako ka clueless at sa mga nararamdaman ko? Damn! i love him! bakit ngayon ko lang napagtanto ang tunay kong nararamdaman.
Malapit na kami sa kinatatayuan ni Patrick. Katabi nya sina tito Gil at tita Jo, kitang kita ko ang mga luha ni Patrick na nag lalandas sa kanyang mukha. Naka tingin kami pareho sa isa't-isa. Walang ka kurap-kurap na titigan. Kung hindi pa nag salita si papa, hindi ko alam na nasa harapan na pala nila kami.
"Balae!" ani papa at nakipag kamay kay tito Gik.
Nag beso-beso naman sina mama at tita Jo.
"Patrick, Promise me to Love my daughter dearly and make her happy." hiling ni papa sabay abot sa aking kamay.
Iyak ng iyak si mama, pero alam kong masaya sya para sa akin. Niyakap nya ako ng mahigpit. Bago kami tinulak na dalawa ni Patrick papunta sa altar.
Tawanan ang mga tao dito sa simbahan ang maririnig dahil kay mama.
Patrick 's POV....
Hindi ako mapakali, sobrang kaba ang nararamdaman ko. Excited din ako dahil ngayon ang araw ng kasal namin ni Lisa.
Sa wakas akin na sya, ang babaing mahal
na mahal ko, ang babaing pinangarap ko. Ang babaing kukompleto sa pag katao ko. Bata pa lang kami sya na ang gusto ko at lagi ko syang bina-bantayan mula noon at
magpa hanggang sa ngayon at habang nabubuhay ako. Aalagaan at mamahalin ko sya ng higit pa sa buhay ko.
Pinag papawisan na ako, siguro dahil sa kaba na nararamdaman ko. Ilang beses na ako sinasaway nila dad at mom.
Pati ang kaibigan kong si Henry, nag banta pa na itatali nya ako sa upuan dahil nahihilo na daw sya sa kakalakad ko paroo't parito.
Lumapit ang Organizer namin at sinabi na mag handa na. Dumating na ang Bridal car na sinasakyan ni Lisa.
Basang basa na ang panyo ko sa kakapunas ko sa noo ko. Bakit ba ako pinag papawisan ng ganito?. Airconditioned naman itong simbahan.
Narinig ko na ang kanta na pinili namin ni Lisa para sa araw na ito.
Nag simula na rin mag lakad ang mga abay namin. Naka pasok na ang lahat pero bakit wala ang aking Bride? Sinara na nila ang pinto ng simbahan. Parang gusto kong manuntok ng tao ngayon. Hindi ko napigilang hindi mag tanong sa aking mg magulang kung bakit isinara na nila ang pinto gayong wala pa si Lisa? Tinawanan lang ako ni mommy, nakakainis. Sinabi lang nya na mag relax ako. Damn! Paano ako magre relax nito? Sinarahan nila ng pinto ang mahal ko. Paan.... Naputol ang mga ini-isip ko nang dahan-dahan na bumukas ang pinto.
Nakita ko rin ang lahat ng panauhin namin na tumayo at tumingin silang lahat sa naka bukas na pinto nitong simbahan.
Sa wakas, narito na sya, nakatayo sya sa labas at naka ngiti habang namamangha sa dami ng mga bulaklak sa harapan nya. Alam na alam ko na mahilig sya sa mga bulaklak. Pinili ko ang Pink dahil ito naman ang favorite color nya.
Nag simula na syang mag lakad, nakakainip lang, ang bagal bagal. Parang gusto ko nang salubungin at hilain papunta sa Altar oara makasal na agad kami at maka uwi. Hindi na ako maka pag hintay, ang tagal-tagal ko ng nag hihintay, ilan taon na. Oh God!.
Umiiyak ba sya? Bakit sya umiiyak? May masakit ba sa kanya? Hahakbang na sana ako upang salubungin sya at tanongin sya kung anong problema ng biglang may tubig na pumatak sa sleeve ng suot kong puting Coat. Huh! ano ito? Luha?Luha ko, lumuluha din ako. Umiiyak ako.
Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala sya. Lalo sya gumanda sa paningin ko. My Bride! Thanks God, thank you. Niyakap ako ni mommy at daddy. Umiiyak din sila pero nakangiti. Alam kong masaya sila para sa akin. Nag-iisa nila akong anak kaya alam ko na masakit para sa kanila na ang kanilang unico hijo ay ikakasal na.
"I Love You Mommy and Daddy. Thank you for everything." sabi ko sa kanila saka ko sila hinalikan. Humarap akong muli kina Lisa at magulang nya, parepareho kaming may luha sa pisnge.
Namumula ang mga mata ni tito habang ibinibilin nya sa akin ang kanyang anak.
"Tito Miguel, i loved your daughter. Hindi ako nangangako, pero gusto kong malaman nyo na malinis ang hangarin ko at gagawin ko lahat ng makakaya ko para maalagaan at mapasaya si Lisa."