"Oh, my God! Eddie's gonna kiss Paige. Tingnan mo, Clarissa!"
Napapailing na ibinalik ni Clarissa ang atensyon sa pinapanood. Hopeless romamtic ang bestfriend niyang si Karen at gaya ng ibang babae, naghahanap ito ng right guy. Namimilog pa ang mga mata nito habang nakatitig sa pinapanood nilang The Prince and Me. "How I wish I had an Eddie, too," nangangarap pang sabi nito.
Inilibot niya ang tingin ng lahat ng tao na nasa loob ng sinehan. Lahat ng mga iyon ay may ngiti sa mga labi at kitang-kita ang kilig sa mukha.
Wala namang Prince Charming sa tunay na buhay, sabi niya sa sarili. Para sa kanya, sa mga libro at pelikula lang nababasa at napapanood ang hinahanap ng mga babae. Pero sinarili na lamang niya ang isiping iyon. Ang ma-spoil ang kaarawan ni Karen na mas piniling mag-celebrate kasama siya ay ang pinakahuling gagawin niya. Nang makalabas ng sinehan hanggang sa restaurant kung saan sila kakain ng hapunan ay ang pelikula pa rin ang bukambibig nito.
"Kailan kaya darating yong Prince Charming natin no?" tanong nito.
"Darating 'yon kapag kumain ka," pabirong sagot niya na ikinasimangot nito.
"Panira ka talaga ng moment." Padabog na kinuha nito ang menu. "Pumili ka na nga lang ng pagkain."
"Mamumulubi ka sa akin," pagbibiro niya habang pumipili ng pagkain.
"The sky's the limit."
Iwinasiwas pa nito sa harap niya ang hawak nitong Gold Visa credit card. Nakakaangat sa buhay ang pamilya nito at dahil nag-iisang anak ito ay madali nitong nakukuha ang mga luho. Bilang malapit na kaibigan ay madalas din siyang naaambunan ng biyaya.
Pagkalipas ng ilang minuto ay inihain na sa mesa nila ang in-order nilang pagkain. Nasa kalagitnaan na sila ng masaganang hapunan nang may isang bakla na lumapit sa kanila.
“Hi! I’m sorry for interrupting,” panimula ng bakla. “We have a gathering tomorrow at eight PM. Baka gusto n’yong sumali?” May iniabot itong calling card kay Karen. Binasa iyong ng huli at ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ng kanyang kaibigan. “You know I’m very proud of you. Only a few have the courage to show the world their relationship,” dugtong ng bakla.
Nakuha niya ang ibig nitong sabihin. Gusto niyang mainis at tirisin sa mukha ang bakleta habang si Karen naman ay tatawa-tawa at sinakyan pa ang sinabi nito.
“Got to go ha,” paalam nito pagkatapos ng ilang sandaling pakikipag-usap kay Karen. Kumendeng pa ito nang maglakad pabalik sa inuukopang mesa kung saan may naghihintay dito na isang machong lalaki. Napapailing na sinundan na lang niya ito ng tingin.
Ilang tao pa ba ang pupuna sa sexuality niya? Sapat na bang basehan ng kanyang pagkatao ang pagsusuot niya ng maluluwang na t-shirt at husgahan siya ng iba?
“Honey, come on. Let’s eat,” untag ni Karen. Pinandilatan niya ito na labis na ikinahalakhak nito. “Magbago ka kasi ng image. Magsuot ka ng mga damit na magpapalutang sa itinatago mong kagandahan.”
Maraming beses na siyang hinimok ni Karen na magpaparlor o hindi kaya ay magbago ng hairstyle pero madalas niyang ikatwiran na komportable na siya sa kanyang estilo.
“Pwede bang kumain na lang tayo?”
Tatawa-tawa naman ito nang muling sumubo.
*********
“Don’t you think the night is still young?” tanong ni Karen kay Clarissa. Nang mga sandaling iyon ay nasa daan na sila pauwi. Ito ang nagmamaneho ng kotse samantalang siya ay prenteng nakasandal sa passenger’s seat at nakapikit. Napadilat siya dahil sa tanong nito. Mukhang may binabalak pang gawin ito.
“Ano na naman ba ang pinaplano mo?” tanong niya.
“You’ll see. But I’m sure, magugustuhan mo ito.”
Nasisiguro niyang uumagahin sa pag-uwi mula sa social event ang madrasta niyang si Bridgette kaya naengganyo siyang sakyan ang trip ng kaibigan.
Patungo sa Macapagal Avenue ang tinatahak nilang daan. Ayon sa mga nabasa niya, pinagdarausan ang lugar na iyon ng mga illegal drag race at hindi miminsang may napabalitang aksidente sa lugar na iyon.
“Umuwi na lang kaya tayo?” nababahalang tanong niya nang matanaw ang mga sasakyang nakaparada sa di-kalayuan. Ikinumpas lamang ni Karen ang kamay nito bilang sagot. Iminaniobra nito ang sasakyan upang ihimpil sa bakanteng espasyo sa gilid ng kalsada.
“Hindi ba matagal mo nang gustong maka-witness ng Grand Prix? Ito na yon, smaller version nga lang,” sabi nito.
Na-touch siya sa thoughtfulness nito subalit hindi niya maiwasan ang mangamba. Paano kung magkahulihan sa lugar na ito? Maaaring mapabalita siya at mapahiya ang pamilya niya. Worst, sangkatutak na sermon mula sa Tita Bridgette ang aanihin niya.
“Lalabas ka ba o ano?” tanong nito nang makababa ng sasakyan. Nang hindi siya tuminag ay nagpatiuna na itong maglakad palapit sa umpok ng mga kalalakihan. Sa isang iglap ay mabilis siyang bumaba ng kotse, saka humabol dito.
“Hoy, umuwi na lang kaya tayo,” yaya niya rito lalo na nang makita ang mga malisyosong tinging ipinupukol ng mga kalalakihan dito. Provocative ang damit na suot nito at tunay na napapalingon ang sinumang madadaanan nito.
“No, nandito na tayo. Isa pa, minsan lang ito,” may katigasan ang ulong turan nito. Nagtuluy-tuloy ito sa paglalakad.
“We wanna bet,” direkatng sabi nito sa isa sa mga lalaki roon. Nakita niya na hinagod ito ng tingin ng lalaki na tila hinuhubaran na ito ng kasuotan.
“Sa akin ka na lang pumusta, Miss,” sagot ng lalaki.
Nakakalokong ngiti lang ang isinagot nito. “I don’t bet on amateurs.”
Tumawa ang lalaki sa sinabi ni Karen, saka napailing-iling. “But this is an amateur race. Anyway, yon ang pinakamagaling sa lahat,” imporma ng lalaki, sabay turo sa isa pang lalaki na nakayuko sa harap ng nakabukas na hood ng kotse at mukhang may kinakalikot sa makina.
Matangkad ang lalaking iyon base sa haba ng mga biyas nito at katamtaman ang built ng katawan. Iyong tama lang ang laki ng muscles hindi gaya ng mga bosy builder na kung minsan ay hindi na kaaya-ayang tingnan. Macho kung tutuusin. Ngunit napatuon ang kanyang pansin sa suit nitong relo. Pamilyar sa kanya ang Rolex watch nito.
“Oh, no! Alam niya kung sino ito!
Hihilahin na sana niya si Karen palayo sa lugar na iyon subalit nalapitan na nito ang lalaki, saka walang anumang kinalabit ang tagiliran.
“Hey, ikaw raw ang pinakamagaling?” walang kaabog-abog na tanong nito sa lalaki. Halatang nairita ang huli dahil naabala ito sa ginagawa nito. Nakita niya ang pagbato nito ng tuwalya na pinagpahiran nito ng nadungisang kamay, pagkatapos ay humarap ito sa kanila.
Of all people, bakit ang lalaking ito pa ang kailangang makaengkwentro nila? Pero huli na para tumakas dahil ang mga mata nito ay sa kanya na nakapako. Mas pinili na lang niyang batiin ito.
“Hi! Kailan ka pa dumating mula sa US?” pilit na pagpapagaang niya ng atmosphere. Hindi niya alam na dumating na pala ito mula sa dalawang taong pag-aaral ng Master of Business Administration sa America.
“You should be in bed now,” sabi nito sa halip na sagutin ang tanong niya. Nasa mukha nito ang coldness na nakasanayan na niya. “Go home,” dugtong nito. “Or if you want, tatawagan ko ang pamilya mo.” Tumalikod na ito at itinuloy ang ginagawa.
It was a threat he was capable of doing. Bago pa man niya marinig ang sunod na sasabihin nito ay nakayukong bumalik na siya sa sasakyan ni Karen habang ang huli ay nagtatakang napasunod na lang.
“Who was that?” tanong nito nang nasa daan na sila pauwi.
“Lester,” sagot niya sa mahinang boses. “Jillian’s boyfriend.”
“Kaya pala. Birds of the same feathers flock together- isang demonyita at isang antipatiko. But rather, a handsome and appealing antipatiko. Hindi ko lang maintindihan kung saan napulot ni Jiliian ang ganoon kagwapong guy. Swerte naman ng bruha.”
Si Jillian ay kapatid niya sa ama at talagang napakaswerte nito sa lahat ng bagay. Nang magsabog yata ng swerte ang Panginoon ay nasalo ni Jillian ang lahat ng iyon- magandang mukha, magandang hubog ng katawan, malaporselanang kutis, katalinuhan, pagmamahal ng mga magulang.- name it, Jillian had it.
“Speak of the devil,” mahinang usal ni Karen nang sa paghinto ng kotse nito sa tapat ng gate ng bahay nila ay siya ring pagpasok ng kotse ni Jillian sa garahe. “Ni hindi man lang bumati sa atin.”
Ganoon ang turingan nilang magkapatid sa isa’t-isa. Sinubukan naman niyang makipaglapit dito subalit kusa itong lumayo. Umaasa siya na balang-araw ay magkakaayos din sila; iyon bang tulad ng isang tunay na magkapatid.
NOTE:
MAY ONGOING VOTATION FROM AUGUST 1-28. CAN I ASK A FAVOR TO PLEASE VOTE FOR RECKLESS HEARTS?
SALAMAT. OKAY LANG DIN KUNG AYAW NINYO. THANK YOU.
GOD BLESS YOU...