5

1600 Words
Aalis ang dalawa sa professors nila ni Karen. Puro din lang naman paperworks ang gagawin nila at walang masyadong exams and quizzes kaya napagpasyahan nila ni Karen na magtungo ng Siargao. Gusto niyang first-hand na mamalas ang taunang surfing competition na idinaraos sa Siargao. Nataong nasa ibang bansa din ang ama at si Tita Bridgette kaya pinayagan na rin siya ng una na magtungo sa lugar na iyon kasama ni Karen. Tumagal ng forty eight hours ang biyahe nina Clarissa at Karen. Dahil sa mungkahi niya ay pinili nila na mag-land trip patungo sa Surigao City. Mula roon ay isang fast craft naman ang siyang naghatid sa kanila sa Dapa, isa sa mga bayan ng isla. Hindi katulad sa ibang daungan, mas orderly ang mga despatsador at drivers ng mga sasakyang magkokonekta sa kanila patungo sa General Luna. Isang habal-habal ang mas pinili nilang sakyan para na rin masubukan ang kakaibnag experience. Na-enjoy niya ang berdeng kapaligiran at malinis na hangin habang sakay ng motorsiklo. Kung tutuusin ay ordinaryo lang ang isla. Madaraanan ang isang tipikal Filipino community. Ang lokasyon nito na direktang nakaharap sa Pacific Ocean ang nagbigay-daan upang makilala ito sa buong mundo. Taon-taon ay dinarayo ito ng mga turista na nagmumula pa sa ibang dako ng mundo. A real boubty of nature, naisip niya. Ilang sandali pa ay nasa General Luna na sila. “This trip is totally killing me,” maya-maya ay sabi ni Karen. She looked miserable. Pawisan ang magandang mukha nito at panay ang ginagawang pagpaypay ng malaking sombrero sa sarili. Natatawang nilapitan niya ito na nang mga sandaling iyon ay hindi alintana ang pagkawala ng poise at tuluyan na ngang umupo sa tabi ng malaking maleta nito. “Sinabi ko naman kasi sa ’yo na hindi social gathering o party ang pupuntahan natin,” sabi niya. “What is so special about this place? So provincial, napakalayo sa kabihasnan. And I am so damn tired and hungry.” Nagpunta sila sa isang karinderya. Hindi man primera-klase ay malinis naman ang kapaligiran doon. Mula sa may-ari ng karinderya ay nalaman nila na nagpapaupa rin ito ng mga kwarto sa mga turistang nais makatipid sa bakasyon. Isang lumang bahay iyon na may tatlong kwarto. Inokupa nila ang natitirang bakante. Hindi man five-star ang accommodation, komportable na rin ang kanilang natuluyan. May sarili silang palikuran bagaman walang shower doon. Tig-isa rin sila ni Karen ng deck. “Oh, my God! I so want to lie down.” Parang batang humiga ito sa walang-kutsong papag. “Bakit kasi hindi na lang tayo sa isang resort o ‘di kaya ay sa isang hotel tumuloy,” mayamaya ay reklamo nito. “Palibhasa kasi ay nasanay ka sa luho at kapritso.” “Whatever,” balewalang sagot nito bago pumikit. Pagkalipas lang ng ilang sandali ay naririnig na sa buong silid ang hilik nito. Buong sipag naman niyang inayos ang mga gamit nila sa wooden closet na nasa isang sulok. Pagkatapos ay nagpasya siyang lumabas muna bitbit ang wakeboard. Pagkatapos magtanong-tanong ay narating din niya sa wakas ang popular na Cloud 9. Iyon ang ibinansag sa lugar dahil sa pagkakatulad ng malalaking alon nito sa naturang numero. Maraming tao ang nagkalat sa paligid. May mga nag-stroll lang sa buhanginan pero mas marami ang nagtatampisaw at nagse-surf sa dagat. Habang nanonood ay nakaramdam siya ng excitement. Siargao, here I come. Humanap siya ng lugar na hindi masyadong matao. Nakakahiya naman kung makikihalo siya sa karamihan. Inalala niya ang mga nakikitang surfing moves sa ESPN. Walang kapaguran siyang nag-paddle at nagmanipula ng board pero sa kasamang-palad ay kailangan pa niya ng maraming pagsasanay bago iyon magawa ng maayos. Nang mapagod ay minabuti niyang ihiga ang katawan sa board at hinayaan ang sarili na magpalutang-lutang sa alon. Pinakiramdaman niya ang buong paligid. May mga ingay siyang naririnig subalit mas nanaig ang huni ng mga ibon, ang paghampas ng alon sa buhanginan, at ang tila ba musikang ihip ng hangin. So relaxing. So serene. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang maramdaman niyang bumangga siya sa tila ba matigas na bagay. Dumilat siya upang alamin kung ano iyon pero muli rin siyang napapikit nang direktang tumama sa kanyang mga mata ang nakakasilaw na sinag ng araw. Napangiwi siya. Kinusot muna niya ang mga mata bago dumilat. Napamulagat siya ng isang matipuno at medyo mabalahibong dibdib ang tumambad sa kanyang paningin. Hindi man kaaya-aya ngunit napako ang mga mata niya sa bahaging iyon sa katawan ng estrangherong ito. It may be impolite to stare pero naroroon at pinagpipiyestahan niya ang dibdib na iyon na tila ba sa isang modelo ng mga underwear na palagi nilang nadaraanan sa EDSA. Ipinilig niya ang kanyang ulo upang mawala ang kung anu-anong pumapasok sa kanyang utak. Tumingala siya sa matangkad na lalaki. “Ikaw?” Iyon ang unang namutawi sa bibig niya nang tumambad sa mga mata niya ang mukha ni Lester Andrada. Hindi gaya noong mga nakaraang pagtatagpo nila ay walang mababakas na inis sa hitsura nito. “What are you doing here?” tanong nito kapagkuwan. The serious tone was still there, and he sounded like a school teacher. Siya ba talaga ang kinakausap nito? Lester was not the type who would initiate a conversation with her. “Surfing,” matipid na sagot niya na hindi na pinagkakaabalahang tingnan ito, saka nagsimulang maglakad papunta sa dalampasigan. “Without your parents’ knowing?” akusa nito. Napikon siya kahit pa walang mababakas na sarkasmo sa tinig nito. Muli niya itong hinarap. “Nasa States ngayon sina Tito at Tita. Kanino ka humingi ng pahintulot na magpunta sa lugar na ito? And before I forget, hindi ba walang holiday sa university ninyo?” sunod-sunod na tanong nito. Pomormal siya. Sa pagkakataong iyon ay hindi niya hahayaang maliitin siya ng kaharap gaya ng nakagawian nito. “Malawak ang dagat, Mr. Andrada. Imbes na ako ang pagtuunan mo ng pansin, bakit hindi ka na lang magpakalunod sa dagat? FYI, hindi ako basta tumakas sa amin. May permiso ako mula kay Dadddy.” Nakita niya kung paanong nagbago ang ekspresyon nito. Siya man ay nabigla rin sa naging sagot niya rito. Bago pa man mabigyan ng pagkakataong makabawi ang binata ay minabuti na niyang lumayo. Habang naglalakad ay hindi niya maiwasang magbunyi ng kanyang puso. She felt triumphant. DAMN that girl! himutok ni Lester sa sarili habang sinusundan ng tingin ang papalayong babae. Hindi niya in-expect na sasagot nang ganoon si Clarissa dahil kadalasan ay tahimik itong lumalayo kapag nakakaramdam ng hindi magandang pakikitungo. Funny, pero sa halip na makaramdam ng galit ay na-amuse siya. Gaya ng pagka-amuse rito noong una niya itong makitang tahimik na umiiyak sa bahay ng mga dela Merced. Gusto lang naman niyang kumustahin kanina ang suwail na kapatid ng fiancée niya. In just a few months, magiging sister-in-law na niya ito. Mas mainam kung magiging magaan ang pakikitungo niya rito. Unfortunately, iba ang namutawi sa bibig niya. Kanina pa niya ito tinititigan mula sa kinatatayuan niya. Para itong bata na walang patumanggang pinipilit na matutong mag-surf. Ang hindi niya maipaliwanag ay kung bakit naengganyo siyang tahimik na titigan ang mukha nito habang nakapikit at nagpalutang-lutang sa dagat. Clarissa looked so peaceful and content, as if nothing mattered except her board and the water. Sa isang iglap ay tila nag-transform ang mukha at pagkatao nito lalo na nang mapangiwi ito habang nasisinagan ng araw ng mukha. She was kind of cute at ang pagiging inosente ay lumabas nang mamulatan ang hubad na dibdib niya. May babae pa palang namumula kapag nakakakita ng hubad na katawan. Napapailing siya. Kahit paano ay panandalian silang nagkasundo ni Clarissa but it turned out na may masama itong pag-uugali. Lagi nitong pinaiiyak si Jillian at naging saksi siya sa minsang tangkang pag-suicide ni Jillian. He learned to hate Clarissa for ruining Jillian’s life. Bago pa man dumating si Clarissa sa buhay ng mga dela Merced ay may intindihan na sila ni Jillian. To him, she was his ultimate love. “Isn’t that one of the girls from the race?” Tinig iyon ng kaibigan niyang si Jonas. Iyon ang umagaw sa paglalakbay ng kanyang diwa. May fondness na sumungaw sa mga mata nito habang tinitingnan ang nagmamarakulyong si Clarissa. “She’s kinda cute,” dugtong pa nito. Tila may warning bells na tumunog sa kanyang tainga. Jonas was an absolute heartbreaker and judging from the look in his eye ay napukaw ni Clarissa ang interes nito. Ilang babae na ba ang napaluha nito? But what the heck kung mabiktima man nito si Clarissa? “Petite at walang boobs na pala ngayon ang tipo mo?” pasimpleng tanong niya. Naagsimula na rin siyang maglakad patungo sa buhanginan bitbit ang wakeboard. “She’s a hidden bombshell, Lester. Beneath those shabby clothes is agoddess in disguise. Natalie Portman, kumbaga. “Just be careful with her. She’s an amazon.” Hindi niya alam ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi siya kumbinsido sa mga salitang namutawi sa bibig niya. “And how do you know?” “She’s Jillian’s sister.” Jonas looked at him. “That’s good. Dalawa na tayo. We can even go on a double date or have a double wedding, perhaps.” “Ulol. Bagay nga kayong dalawa. Pareho kayong baliw.” Tinalikuran niya ang kaibigan na hindi napigilan ang paghalakhak ng malakas dahil sa sinabi niya. NOTE: MAY ONGOING VOTATION FROM AUGUST 1-28. CAN I ASK A FAVOR TO PLEASE VOTE FOR RECKLESS HEARTS? SALAMAT. OKAY LANG DIN KUNG AYAW NINYO. THANK YOU. GOD BLESS YOU…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD