Pareho kaming hingal nang pinakawalan ni Deon ang labi ko. Nalalasing ang mga mata ko sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Nakakapaso iyon, pero hindi ko iniwas ang tingin sa kanya. Hinaplos niya ang pisnge ko. Umiigting ang kanyang panga habang mariin ang pagtitig sa labi ko, papunta sa aking mga mata. Walang salita ang lumabas sa mga bibig namin, sinulit talaga namin ang pagkakataon na magkatitigan lang kaming dalawa. Nakakalusaw ng damdamin habang ganito kami. Pumikit ako at ninamnam pa lalo ang kanyang paghaplos. Nakakahile masiyado bawat paghinga naming dalawa. Pakiramdaman ko sa mga oras na iyon kaming dalawa lang ang nasa paligid. Pero ang lahat ng ito... Kailangan ng tapusin. Kahit gustong-gusto ko ang pakiramdaman na ganito lang kami palagi. Kailangan may katapusan ang lahat.