"Are you kidding me, iha?!" nangalaiting sigaw ni Mrs.Rebecca. Umiling ako nang maraming beses. Hindi alam kung ano ang gagawin sa mga oras na iyon. Gulong-gulo ako kung paano ko e-explain sa kanya ang lahat. "M-maam... please maniwala kayo sa akin. Hindi ako masamang tao. Nandito ako para magtrabaho ng maranagal. Wala akong masamang intension sa pamilya niyo. Wala rin akong balak na makisali sa pamilya niyo." Kanina ko pa en-explain sa kanya kung ano talaga ang sadya ko sa pagpunta sa Mansyon nila. Bakit napadpad ako rito dahil hinahanap ko si Florencio pero sa kasamaang palad. Hindi agad ako nagpakilala dahil sa takot na baka mag-iba ang turing nila sa akin. Ngunit hindi iyon naintindihan ni Rebecca sa tuwing nagsasalita ako. Mas lalong umusbong ang kanyang galit. "You're lying! Na