"P-Pumunta rito ang Nanay ko?" pagkumpirma ko kay Manang Marites. Tumango lang siya nang sunod-sunod. Napalunok ako habang pinakatitigan si Manang ngayon na may alam na sa pagkatao ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Paano ko ipapaliwanag sa kanya tungkol sa pagkatao ko. "Pumunta nga siya rito, iha. Nagtataka ako bakit niya sinabi na anak ka raw ng mga Moonzarte." "Sino po ang nakarinig sa kanya habang sinasabi iyon?" nag-alalang tanong ko. Bigla akong na bahala ngayon. "Huwag kang mag-aalala, Eliza. Ako lang ang sinabihan ng Nanay mo nun. Nasa labas kasi ako ng gate nun kasalukuyang kumukuha ng dyaryo nang makita niya ako, agad siyang lumapit sa gate upang tanongin kung nandito ka ba raw? Hindi ka ba inaalipusta ng mga Moonzarte dahil anak ka raw ni Florencio. Toto