Hindi ko ma-explain ang naramdaman ko sa mga oras na iyon. Para akong lalagnatin sa sobrang kaba habang nakatingala sa malaking Mansyon na nasa harapan ko. Kababa ko lang ng kotse kasama si Roshana na nakayakap sa binti ko. Hindi ko akalain na nasa harapan na ako ng malaking Mansyon na ito na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko. Akala ko sa mga libro ko lang sila nakikita, totoo din pala iyon. Dito na ako titira, dito ako magkaroon ng kalayaan sa lahat ng gusto ko. Mas maganda siyang pagmasdan at maganda ang bawat desinyo nito, malaki rin kapag nasa harapan na kay sa tingnan lang siya sa malayuan. "What are you still doing in there, iha? Pumasok ka na sa loob. Let's talk first." Agad akong napatingin sa gilid nang makita ko si Rebecca na kababa lang ng kotse. Hindi ko maiwasang m