Ilang oras akong naghintay sa labas ng gate, naghihintay ako na baka may magbukas sa akin. Pero isang oras na ang lumipas, wala pa rin talagang taong lumabas. Nakakaiinip na pero hinabaan ko ang pasensiya ko nang sa ganoon magiging maayos at tagumpay akong makapasok sa mansyon ng mga Moonzarte. Kahit ano ang mangyayari kailangan kong makapasok sa loob. Kailangan kong mapaniwala ko silang anak ako ni Florencio. Kaya naman, lumipas pa ulit ang dalawang oras, wala pa ring dumaan maski lumabas. Kahit iyong lalaking nakaputi ng uniporme hindi ako binalikan. Nakakainis tuloy! Kahit kotse na pumasok wala man lang, naiinip na ako kakaupo sa gilid ng kalsada mabuti na lang may kahoy rito kaya nakaupo ako ng maayos, iyon nga lang walang mangyayari sa akin kung patuloy lang akong nakaupo rito a