Nakita ko ang malungkot na emosyon na bumalot kay Florencio. "Son...I'm sorry. Elizabeth is my responsibility. As you can see, iniwan siya ng ina niya. Wala na siyang patutunguhan, ako ang ama niya. Malakas ang kutob ko roon kaya kahit ayaw niyong lahat, sa atin si Elizabeth titira." Pilit na pinapagaan ni Florencio ang damdamin ng kanyang anak. Gusto ko na lang talaga lamunin ng lupa sa mga oras na iyon. "We are okay if she is living in here. Ang ayaw ko lang marinig ang mag-aaway kayo ni Mommy dahil lang sa kanya," si Rohan ulit. "Excuse me... I'm done with this." Umalis na rin siya. Mukhang hindi na nakayanan ang tensyon. "Rohan is right, Dad. Ayaw naming nakikita kayo ni Mommy na magka-away nang dahil lang sa babaeng ito," sabi naman ni Renz. Sumunod na rin siya kay Rohan. An