Chapter 30 VITORIO Nagtungo ako sa Pully Possie. Pagdating ko roon maraming mga pulis at mga reporter saka mga nakuhang babae na rescue ng mga ito. Bumaba ako sa taxi at naki-usyoso. Nakita ko naman ang ibang tauhan ng KOW na naki-usyoso rin. Subalit ang hindi ko inaasahan na naroon din ang Vice President ng America. Nakapalibot sa kaniya ang mga bodyguards niya. Halata sa kaniyang mukha ang pagkabalisa. Parang hindi niya nagustuhan ang mga nangyayari ngayon. Nakita niya ako,.parang medyo nagulat pa siya. Ngumisi ako sa kaniya at kumindat. Lumapit siya sa akin habang ang mga bodyguard niya medyo malayo-layo sa amin ng kaunti. "Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa akin na may pagpipigil. Kibit-balikat akong sumagot sa kaniya. "Gusto ko lang makita kung gaano katibay ang pondasyon