Chapter 67 VITORIO/LANDER Naunang umuwi si Angela at daddy sa Tagaytay, nagpaiwan ako upang hintayin ang result ng lab test ni Angela. Kailangan ko rin tingnan si Alvira, ngunit hindi ko sinabi kay Angela ang tungkol kay Alvira na narito ang kaibigan niya sa ospital. "Doc, ito na po ang lab test ni Miss Angela," sabi ng nurse sabay abot sa akin ng envelope na naglalaman ng result ng test ni Angela. Tiningnan ko ang result niya. Nanginig ang mga kamay ko ng makita ang laboratory result ni Angela. Mahigpit kong hinawakan ang papel sapagkat nakalagay roon na tatlong buwan na siyang buntis at ilang araw. "Salamat," tipid kong tugon sa nurse. Binalik ko sa loob ng envelope ang papel at nagtungo sa silid ni Alvira. Pumasok ako sa loob, nakita ko nagising na ito. Mukhang seryoso ang pinag-uu