Chapter 66 Vittorio/LANDER Nakipagkamay ako kay Darius na kunwari ay hindi ko alam ang ginawa niya sa kapatid ko. "So, magkakilala pala kayo?" tanong ni Mr. Escobar sa amin ni Darius. "Oo dahik sa tapat lang ng unit ko ang unit niya hindi ba, Mr. Darius Escobar?" tiim bagang kong tanong sa kaniya. Tumango-tango lang siya at tumingin kay Alvira. Sikreto kong nilagay sa gilid ng flower vase ang maliit na camera na naka-connect sa aking cellphone upang ma-monitor ko ang pag-uusap ng magtiyuhin. Makikita ko rin kung ano ang ginagawa ni Alvira kapag walang nagbabantay sa kaniya sa silid na ito. Bigyan mo muna kami ng privacy Dr. LD. Huwag kang mag-alala dahil kukuha ako ng nurse na magbabantay sa anak ko." Masamang ang tingin na sabi ni Mr. Ferdinand sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya a