Chapter 21 Third POV Abala si Alessandro sa pakikipag-usap sa kaniyang tiyuhin sa mansion nito sa Las Vigas na si Benjamin Mariano. Gusto niyang itigil na ang awayan nilang magpapamilya. “Tito, hindi ako naparito upang makipagtalo sa iyo. Narito ako upang makiusap na kung maari itigil na ninyo ni Daddy ang awayan. Kung mapapatay mo si Daddy at si Tita Vida, sa palagay mo kaya mananahimik lang ako sa isang tabi at panoorin kung paano niyo wasakin ang pamilya ko?’’ saad ni Alessandro kay Don Benjamin, habang si Vitorio naman nasa likod ni Alessandro. Kampante lang ito nakaupo habang naghihithit ng sigarilyo. Suot ang paborito niyang sombrero at long jacket na kulay brown. Pinagmamasdan niya ang bawat galaw ng mga tauhan ni Benjamin sa paligid. “Alessandro, kung sino man ang tumatangka sa