Chapter 64 VITORIO/LANDER Hindi ko akalain na makikita ko si Alvira sa hospital at magiging pasyente ko siya. Lumabas ako ng silid niya dahil ayaw ko siyang makita. Pinuntahan ko na lang ang iba kong pasyente. Ilang linggo na ang lumipas na nag-usap kami ni Mr. Fernando. Hindi ko akalain na ganoon kababa ang tingin niya sa hospital ko. Sabagay, kasisimula pa lang nga ng hospital, pero humaharap ito sa crisis na kagagawan ni Darius Escobar, na pinsan ni Alvira. Pasalamat lang ang Darius na iyon dahil wala siyang kapatid. Hindi ko rin magagawa na si Alvira ang pagbayarin ko sa mga kasalanan ng Darius na iyon. Una sa lahat wala naman siyang kinalaman sa nangyari kay Angela. Hindi ko rin magawa na saktan siya dahil kaibigan siya ng kapatid ko. Kinahapunan muli ako nagtungo sa silid ni Alvir