Chapter 63 ALVIRA Ilang buwan akong nanatili sa loob ng silid na ito. Lalo pang nagpadagdag ng security si Daddy sa labas ng mansion. Wala akong ginawa kundi ang mahiga, kumain at matulog. Lalo akong nawalan ng pag-asa nang makakausap ko si Tita Moira, kanina. Wala siyang balita sa aking anak dahil hindi niya raw makontak ang numero ng Jasmine na iyon dito sa Pilipinas. Maghapon akong umiyak, hindi kumakain at nakahiga lang sa aking silid. Masama pa ang pakiramdam ko. Tanging ang anak ko na lamang ang nagbibigay ng pag-asa sa akin, upang lumaban sa buhay. Minsan parang pagod na akong mabuhay, gusto ko na lang kitilin ang buhay ko at tapusin na lang ito. Ano ang silbi ko kung hindi ko man lang makita ang aking anak at nakakulong lang ako sa silid kong ito? Nakahiga ako patagilid sa kama