Chapter 35 VITORIO Katatapos ko lang operahan ang isa kong tauhan na may appendecites dito sa infirmary sa KOW building. “Sa susunod ingatan mo ang sarili mo. Hindi bala ang papatay sa’yo kundi ang kapabayaan mo sa sarili mo,’’ sermon ko sa tauhan ko sa salitang english. “Salamat, Boss. Mag-iingat na po ako sa mga kinakain ko,’’ sagot nito sa akin. “Sige, magpahinga ka muna rito sa infirmary.’’ Pagkatapos kong sabihin iyon lumabas na ako. Nakita ko naman sa labas na parang may nagkakagulo. Puro salamin kasi ang pader ng building na ito na kulay ginto. Makitkita mo ang nangyayari sa labas, subalit kapag nasa labas ka hindi mo makikita ang nangyayari sa loob. Lumabas ang mga KOW security. Ilang sandali pa may tumawag sa ako sa radio. “Boss, may isang babae na hinahanap ka. Hindi nami