Chapter 34 ALVIRA Natuwa ako nang sabihin ni Mr. Casadie na umalis na ako sa lugar na ito. Kahit pala ganoon siya may mabuting puso rin pala siya. Kapag nakaalis ako rito sa GTH mahahanap ko na ang anak ko sa Pilipinas. Uuwi kami ni Tita Moira. Kukunin ko ang anak ko sa kaibigan niya. Mamuhay kami ng tahimik at normal na pamumuhay. Nagising ako kinabukasan na wala na si Mr. Casadie sa aking tabi. Subalit may nakaipit na note sa ibabaw ng lamesa. ‘Do not have s*x with others when you leave here. You should only be mine. If I find out that you are having s*x with someone else or having a relationship, I will break your neck.’ Napabuga na lang ako ng hangin sa binasa ko na sulat kamay niya. Ibang klase din ang lalaking iyon. Mapag-angkin siya at akala mo pagmamay-ari niya ako kung makapa