CHAPTER 39 VITORIO Nasa labas na ako ng Asintado building nang makita ko si Alvira na bumaba sa kaniyang sasakyan. Medyo nagulat siya ng makitan ako. “Alvira, anong ginagawa mo rito?” tanong ko bilang si Lander Diez. Tumikhim muna siya bago sinagot ang tanong ko. “Pupuntahan ko sana si Angela. Nandito ka pala. Kamusta na?" tanong niya na para bang napakainosente niya tingnan at hindi makabasag pinggan. "Mabuti naman at naisipan mo puntahan si Angela, hali ka ihahatid na kita sa unit niya," alok ko sa kaniya. “Huwag na, ako na lang ang pupunta sa kaniya. Mukhang may lakad ka, baka maabala pa kita!” Halata sa mga mata niya ang pag-iwas sa akin. Alam ko na gusto niya akong iwasan at hindi na ako magtataka tungkol sa bagay na iyon. "Sigurado ka ba na hindi na kita ihahatid kay Angela?"