Episode 40

1618 Words

CHAPTER 40 ALVIRA Hindi ko inaasahan na sasabihin ni Llander sa akin na handa na niya akong mamahalin. Bakit ngayon niya pa sinabi sa akin iyon? Kung kailan na hindi na puwede at pag-aari na ako ng iba? Bakit ngayon pa na kung kailan nasa malayo ang anak namin dalawa at kung kailan na nakakulong ako sitwasyon na hindi ko inaasahan kailan man. Mamahalin pa niya kaya ako kapag nalaman niya na isa na akong mamatay tao? Kapag sakaling makuha ko na ang kalayaan ko at mapatay ko na si Vitorio, matatanggap kaya ako ni Lander, kapag nalaman niya ang tunay kong pagkatao? Balisa ako habang nakahiga ako sa aking kama. Hindi mawaglit sa isip ko ang alok sa akin ni Lander. Oo, natutuwa ang puso ko sa pahayag niyang iyon, subalit nasasaktan din ako. Habang nakahiga ako tumunog naman ang cellphone ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD