Chapter 25 ALVIRA Hindi ko ibinaba ang baril na hawak ko habang tinututok ko iyon sa impakto na kasama ko sa kama buong magdamag. “Hindi siya kalaban. Tinulungan niya ako sa manyakis na matandang iyan. Kung hindi dahil sa kaniya baka napahamak na ako,’’ wika ni Violet sa Impakto at sa lalaking umaalalay sa kaniya ngayon. “Vitorio, ibaba mo na ang baril mo,’’ utos ng lalake sa Impakto. Malalim siyang nagbuntong-hininga at isinukbit ang kaniyang baril sa kaniyang bewang. “Miss, ibaba mo na rin ang baril mo,’’ utos rin ng lalake sa akin. “Sandro, ano ang gagawin natin? Napatay niya ang lalake dahil sa akin,” nag-aalalang wika ni Violet sa nagngangalang Sandro. “Ako na ang bahala, Hon,’’ wika ng lalake kay Violet. Lumapit naman ang impakto sa labi ng lalake na pinatay ko. Pinulsuhan ni