“Darren, are you still not feeling well? Happy Birthday!” Gamit ang isang internet application na madalas nila gamitin ay tumawag siya sa kaibigan. “Thank you. I’m feeling really sick.” Nakarinig pa si Dara ng pag-ubo sa kabilang linya. Napangiti siya. Sigurado siya na gaganda ang pakiramdam nito sa susunod niyang sasabihin. Ngumiti siya ng kanyang pinakamatamis na ngiti. “I’m here outside your apartment.” Sandaling katahimikan bago siya nakarinig ng kalabog at sigaw ng isang babae. “Darren? Who was that? I said I’m here just outside your...” Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil biglang bumukas ang pintuan. “Dara! What are you doing here?” Nagulat siya sa pagtulak ni Darren sa kanya papalayo sa pinto. Parang ayaw siyang papasukin. He was just wearing briefs. Hi