Ang dami niyang naalala sa ilang oras na pag-iisa sa eroplano. Dara sighed. Hindi na dapat niya inalala pa ang nakaraan. Wala rin naman maitutulong kung iisipin pa niya ang mga pagkakamali niya. Ang importante ay natauhan na siya at hindi na muling aasa at magpapaloko pa. Ngunit alam ni Dara na kahit magalit man siya kay Darren o gustuhin niyang mawala ito sa buhay niya, malabo itong mangyari. Magkadikit ang mga landas nila dahil sa malapit na pagkakaibigan ng kanilang mga pamilya. Ayaw man niyang isipin ay baka may posibilidad na dahil sa pagiging malapit nila ni Darren ay may unspoken agreement na ang mga ito na silang dalawa ang magkakatuluyan. Napabuntonghininga si Dara. She reclined the seat and tried to fall asleep ngunit tuwing ipipikit ang mata ay nakikita niya ang mukha ni Donya C