MAY isang bagay na natuklasan si Dara sa gabing iyon. Hindi lang ang kahinaan niya para sa mga argumento ni Dash kung hindi isang bagay na matagal niya nang ibinaon sa limot. Bago matulog ng tuluyan si Dash ay ni-revise nila ang kontrata. “Naubusan ng ink ang ballpen. Wait, I’ll go get another one.” Ipinagpag pa ni Dara ang hawak na sign pen at sinubukang isulat muli. Naghikab naman si Dash at napansin iyon ng kasama. She smiled when she realized that she was the only one who kept on sleeping. “Ako na lang ang mag-uulit and gagawa ng duplicate copy. Saan ba nakalagay ang mga ballpens mo? Matulog ka na lang muna. Mukhang napagod ang Babe ko.” She offered with a bonus peck on his lips. Mabilis lang ito upang hindi na naman sila madarang. Kung bibilangin ang pagkakataong na-c