DARA decided to keep that important piece of information to herself. Sa tingin niya ay mas lalo lang gugulo ang sitwasyon nila kung sasabihin pa niya kay Dash na sa kanya ang lipstick na iyon at siya ang babaeng nagyaya sa kanya for a one night stand. Hihintayin na lang niya na si Dash mismo ang makaalam ng lahat. Ano pa nga ba ang magagawa niya kung hindi ang kunin ang lipstick dahil sa kanya naman talaga iyon. She also took a silver pen with an engraved Fuego on the side. Pinindot pindot niya ang ballpen. She wanted the pen’s sound to distract her thoughts. She looked around the room as if she was looking for confirmation whether hiding it from Dash was indeed the right thing to do. Napahilamos siya sa mukha at kinuskos ang noo at baka sakaling doon niya makuha ang jackpot na sagot.