"Happiness is found when you stop comparing yourself to others." ❤️ Napa-kagat labi ako nang makita ang hitsura ni Ardell kinabukasan. May nakalagay na band aid sa gitna ng ilong nito at sa gilid ng pisngi. Putok pa ang pang-ibaba nitong labi. Pero hindi naman nakabawas sa ka-guwapuhan nito. Hinawakan niya ang kamay ko papasok sa loob ng bahay. Maaga kaming umalis sa Isla, at inilapag kami sa building ng Demoirtel sa Makati. May sumundo sa aming sasakyan patungo sa bahay. Talagang nakahanda na ang lahat. Simpleng selebrasyon lang ang laging gusto ni Mama kapag birthday niya. Gusto niya kami lang mag-pamilya. Pagpasok namin sa bahay ay busy ang lahat ng mgs katulong sa paghahanda nang pagkain at pag aayos. "What happened to your face, son?" Kunot noong tanong ni daddy Marcus nang sal