“TRABAHO? Anong trabaho ang tinutukoy mo?” tanong ni Ninong Marty na nasa kabilang linya.
He called me that afternoon to tell me the good news. May bago at magandang job opportunity raw na dumating dito. Masaya kong binati si Ninong. Kahit ang totoo ay alam ko rin ang tungkol doon. Eric told me about it before he left for his office this morning. As soon as he lifted Ninong Marty’s name from the blacklist, Eric called a business associate and asked him to take Ninong in his company. At dahil si Eric ang nagrekomenda, naging madali lang ang lahat.
“Office staff po,” sagot ko sa tanong ni Ninong Marty. Iyon ang naisip kong palusot para hindi siya magtaka na hindi ako umuwi sa Laguna this sem break.
“Office staff?” ulit ni Ninong. Nasa boses niya na tutol siya sa sinabi ko.
“Yes, Ninong. Okay na po ‘yon kasi pwede siyang ma-credit sa magiging OJT ko next academic year.”
“Princess, hindi mo kailangang magtrabaho. As I’ve told you earlier, may job offer ako galing sa isang malaking kompaniya. I can still provide for you. You don’t have to do this. Umuwi ka na lang dito para makapahinga kahit paano.”
“Ninong, please, pagbigyan mo na ako. I need to do this. Makakatulong ito sa akin lalo na sa course ko. Hindi ko naman ito gagawin dahil lang sa gusto kong kumita ng pera. This is for experience. At gaya ng sabi ko, make-credit ang hours na ipagtatrabaho ko rito sa required OJT ko sa susunod na taon.”
Isang magaang buntung-hininga ang sagot sa akin ni Ninong maya-maya. I smile. Alam kong nakumbinsi ko na siya. Solve na ang problema ko. Hindi na niya ako mapipilit na umuwi sa Laguna this sem break dahil iisipin niyang busy ako sa trabaho ko.
Pagkatapos naming mag-usap ni Ninong ay napatulala ako at napaisip. Paano kaya kung totohanin ko na ang pagtatrabaho habang break? Can I ask Eric to give me a temporary job in his office?
Kinagabihan ay hinintay ko ang pagdating ni Enrico. I was thrilled to see him that night. Pangalawang araw ng magiging mag-asawa namin and I was excited and looking forward for the coming days in our married life.
I knew na pareho pa kaming nag-aadjust - ako sa kaniya, dahil hindi ordinaryong tao ang asawa ko; at siya sa akin, dahil bata pa ako at marami pang dapat maintindihan. But I was willing to learn everything from my husband. I was willing to learn everything for my husband.
Nang dumating si Enrico ay agad akong sumalubong. Despite the circumstances of our marriage, gusto kong makita niya na ginagawa ko ang lahat para maging mabuting asawa.
“Hi,” nakangiting bati ko. I hug him lightly. Naramdaman ko naman ang banayad na paghawak niya sa aking likod bago ako lumayo. Binitiwan niya rin ako agad. And then again, I see the small tension that is formed on his face. Hindi ko na lang iyon pinansin.
“Uhm… magbibihis ka ba muna o kakain na tayo? Magpapahain na ako kay Nay Thelma?”
Ilang sandali niya akong pinagmasdan na parang may mali sa sinabi ko pero, maya-maya ay tumango siya. “Sige. Magpahain ka na kay Nay Thelma. Magbibihis na muna ako at bababa rin agad. Hintayin mo na lang ako sa dining room.”
Ngumiti ako. “Sure. I’ll wait for you.”
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang banggitin ko kay Eric ang balak kong pagpa-part-time job. Nakita ko agad ang pagtutol sa mukha niya.
Kung sa ibang sitwasyon, hindi ko na igigiit ang tungkol doon. Pero naisip kong mabuti talaga na may ginagawa ako during our break para hindi masyadong nakaka-guilty ang sinasabi ko kay Ninong Marty. Iyon ang inirason ko kay Eric.
“At least, totoo ang sinabi ko kay Ninong na may temporary job ako kaya hindi ako makakauwi sa Laguna. Kahit ano lang na trabaho sa office mo. O kung ayaw mo ako roon dahil sikreto ang tungkol sa kasal natin, you can assign me to other office under your company. Please?”
Huminto siya sa pagnguya at matamang tiningnan ako. Napayuko ako. I fear that he loses his appetite because of my thing. Pero nang makita kong nagpatuloy siya sa pagkain ay nakahinga ako nang maluwag. Ayokong may pag-aawayan kami kaya nanahimik na lang ako.
“Okay. Pag-iisipan ko,” sagot ni Eric matapos ang ilang sandali. Hindi ko napigilan ang mapangiti.
Kagaya kahapon, sinabihan ako ni Eric na mauna nang umakyat sa aming kwarto. Hindi naman ako nagprotesta pero, nang sabihin niyang ihingi ko muna siya ng kape kay Nay Thelma ay nagprisinta ako.
“Ako ang asawa mo kaya ako na dapat ang nagtitimpla ng kape mo.”
“Naya, I don’t want to discourage you. Pero nakasanayan ko na ang timpla ni Nay Thelma. Alam niya ang gusto ko sa kape,” katwiran ni Eric.
“Problema ba ‘yon? E, ‘di magpapaturo ako sa kaniya.” Hindi ko na hinintay na sumagot siya. Tumalikod na agad ako at lumabas ng study room.
Paminsan-minsan naman ay patitigasin ko rin ang ulo ko. Asawa niya ako. Ayokong pag-uusapan ako ng mga kasambahay at sasabihin nilang pati ang pagtitimpla ng kape ni Eric ay hindi ko pa magawa.
Itinuro sa akin ni Nay Thelma sa akin kung paano niya timplahin ang kape ni Eric. Pinag-aralan ko talagang mabuti iyon. Sumubok muna ako nang una at ipinatikim kay Nay Thelma. Medyo nakulangan siya sa asukal kaya inulit ko. Nang sumunod ay napangiti na siya.
“Ganito nga ang gustong lasa ng kape ng asawa mo, Naya.”
Natuwa ako. Kumuha ako ng panibagong tasa at tinimpla ang kapeng para kay Eric. Excited ako nang ihatid iyon sa study room. Nakatingin siya sa paglapit ko. Ipinatong ko ang tasa ng kape sa harapan niya.
“Try it. Sabi ni Nay Thelma, ang bilis ko daw matuto.”
Hindi siya kumibo. Dinampot na lang niya ang kape at tinikman. Wala siyang reaksiyon at sa tingin ko ay mas okay na iyon.
“Kulang pa sa kape, Naya,” wika niya kaya nabawasan ang aking ngiti. “Anyway, iinumin ko na rin kasi sayang naman. But next time, hayaan mo nang si Nay Thelma ang magtimpla ng kape ko.”
Natigilan ako sandali bago tumango at pilit na ngumiti. “O-okay. Pasensiya ka na.”
“Mauna ka nang matulog, Naya. Marami pa akong tatapusin na trabaho. Susunod na lang ako."
Nag-shower ako pag-akyat sa aming kwarto. Tinuyo ko ang aking buhok. I wore my white satin silk sleeping gown. Nag-message ako kina Ninong Marty at Liza ng ‘good night’ bago ako nahiga sa kama.
Hindi ko naramdaman kagabi nang tumabi si Eric sa akin sa pagtulog. Nakatulugan ko kasi ang paghihintay sa kaniya. Paggising ko naman kanina ay naabutan ko siya sa walk-in closet at namimili ng ipapares na neck tie sa suit niya. Tinulungan ko siyang pumili and good thing na tinanggap niya ang choice ko.
Sa gabing iyon, hindi ko alam kung anong oras na naman siya aakyat para matulog. Pero sinikap kong gising pa ako para makita at maramdaman ko naman ang paghiga niya sa aking tabi. Kaya lang ay bigo ako dahil hindi ko nakayanan ang antok. Nakatulog na naman ako nang walang malay sa pagpanhik ng asawa ko at nagising akong wala na rin siya sa aking tabi.
Tumingin ako sa kaliwang bahagi ng kama. Nagusot ang noo ko. Kapansin-pansin kasi na hindi man lang nalukot ang bahaging iyon. Malapad ang kama niya at tanging ang pwesto ko lang ang nagalaw ang bed sheet. Natulog ba si Eric? Baka naman sa dami ng trabaho nito ay sa study room na inabutan ng pagkaantok?
Dali-dali akong bumangon upang magsuot ng robe. Bumaba ako at tinungo ang study room. Pagpasok ko ay naroon nga si Eric pero, hindi naman siya tulog. Hindi rin siya mukhang inabutan doon ng tulog. Ang totoo ay nakabihis na siya at halatang bagong ligo. At higit sa lahat, nagulat ako dahil hindi siya nag-iisa sa silid. Naroon at nakaupo sa isahang couch si Atty. Montelibano.
“Good morning po, Attorney,” bati ko rito. Pasimple kong niyakap ang aking sarili. Makapal naman ang tela ng aking robe pero, nakakahiya pa rin na inabutan ako ng ibang tao sa ganitong ayos.
Ngumiti ang matandang abogado. “Good morning, Naya.”
“Naya, mabuti at gising ka na. Attorney Montelibano is here to discuss something with you. Magbihis ka muna bago ka bumalik. Hihintayin ka namin.”
Wala akong gaanong naunawaan sa nangyayari pero, sinunod ko ang sinabi ni Eric. Nag-shower ako at nagbihis ng puting bestida na ruffled ang maiksing manggas, ruffled din ang palda at umabot hanggang sa aking sakong ang laylayan. Nang makapag-ayos ng buhok ay lumabas na ako ng kwarto. Nasalubong ko pa si Poleng na marahil ay umakyat para gisingin ako.
“May gusto ka ba para sa breakfast mo, Miss Naya?” tanong nito matapos akong batiin.
“Wala naman, Poleng. Okay lang kahit ano. Pero mamaya pa kami mag-aalmusal ni Eric. May pag-uusapan pa kami sa study room.”
“Sige po, Miss Naya. Pakisabihan na lang ako kapag kakain ka na.”
“Thank you, Poleng.”
Bumaba ako at dumirecho na sa study room. Pagkatapos ng ilang katok ay binuksan ko ang pinto. Nakita ako ni Eric. Sinenyasan niya akong pumasok.
“Maupo ka, Naya. Pakinggan mo ang sasabihin ni Attorney.”
Naupo ako sa gitna nang mahabang sofa. Maya-maya ay naupo rin doon si Eric pero, may distansiya sa pagitan naming dalawa. Humarap siya kay Attorney Montelibano.
“Attorney, pwede mo nang basahin kay Naya ang ginawa nating draft ng Last Will and Testament.”
Nagusot ang noo ko. Last Will and Testament? Bakit?
Tumingin ako kay Eric. Hindi ko napigilang kabahan. May sakit ba siya? Ano at bakit kailangan niyang magpagawa agad ng testamento?
Tumikhim ang abogado kaya nawala ang atensiyon ko sa aking asawa.
“All right, Naya. Listen to this. Heto ang magiging laman ng final will ni Enrico.” At binasa nito ang nasa hawak na papel.
Ang dami kong tanong pero, hindi nasagot ni isa man ng mga binasang terms at articles ng abogado. Wala akong maintindihan sa Last Will and Testament ni Enrico maliban na lang sa ako ang nag-iisa at legal na tagapagmana ng lahat ng kayamanan at ari-arian niya. Pero may clause na nakasaad pagkatapos.
Ipinaliwanag iyon ni Attorney Montelibano sa paraang mas maiintindihan ko.
“Ibig sabihin, mababalewala ang pagiging tagapagmana mo kung bago sumapit ang dalawang taon ng pagsasama ninyo bilang mag-asawa ay may biglang mangyaring masama kay Enrico. Ang lahat ng maiiwan niya ay mapupunta sa lahat ng napili niyang charity institutions. Pero kung umabot na ng dalawang taon ang pagsasama ninyo at saka may mangyari kay Enrico, awtomatikong sa’yo na mapupunta ang lahat ng ari-arian at kayamanan niya.”
Nagusot ang noo ko. Ni hindi ko nga gustong isipin na may mangyayari kay Eric tapos ay heto agad ang pinag-uusapan namin?
Nang magkasundo na si Eric at ang abogado sa draft ay nagpaalam na rin ang huli sa amin. Inihatid siya ni Eric hanggang sa labas ng study room. Hinintay ko namang bumalik ang asawa ko. Pagbalik niya ay tinanong niya ako.
“Naya, do you understand the clause of my will?”
Tumingin ako kay Eric. Hindi ko napigilang hindi isatinig ang nasa isip ko.
“Eric, bakit may ganiyan? Bakit may Last Will agad? Tell me. May sakit ka ba? Is there something wrong with your health?”
He chuckled and then shook his head lightly. “Naya, please, don’t be paranoid. Hindi por que nagpagawa ng Last Will and Testament ang isang tao ay naghahanda na ito sa kamatayan niya. Well, that could be the case for some but not for me. I have a different reason. At gusto ko ring maintindihan mo agad na may kalakip na kondisyon ang pagiging tagapagmana mo.”
Sandali akong natahimik sa sinabi niya. Maya-maya ay umiling ako.
“Eric… kung anuman ang rason mo, gusto kong sabihin na ayokong may mangyayaring masama sa’yo. And I did not marry you because of your money, Eric, kaya sapat na sa akin na maging asawa mo lang at hindi ang maging tagapagmana.”
He looked at me for a few second before I heard his smirk. Natigilan ako sa reaksyon niya.
“Naya, don’t say that. Don’t say that because you actually married me because of money." May bahagyang diin ang bawat pagbitiw niya ng salita.
Nagusot ang noo ko. Bumaha ng pagtutol sa dibdib ko pero, bago pa ako makapagsalita ay nagpatuloy si Eric sa sinasabi nito.
“Maybe you have forgotten already but let me remind you that you accepted my proposal because you want to save your Ninong’s career and profession. Kaya paano nangyaring pinakasalan mo ako na hindi pera ang dahilan? Hmm, Naya?”