(ERIC) PAGSARA ng mga pinto ng elevator ay agad din akong naglakad pabalik sa aking opisina. Nakita ko si Connie na mukhang kababalik lang mula sa iniutos ko kanina. “Connie,” tawag ko sa kaniya pagdaan sa pwesto nito. “Sir Eric!” alertong tumayo ito at humarap sa akin upang magreport. “Okay na po, Sir. Nakausap ko na ang school registrar. Officially enrolled na po si Miss Naya this sem.” “Okay.” Umalis na ako roon at dumirecho sa aking opisina. Pumasok ako. Inaasahan kong madadatnan si Naya na nakatayo at naghihintay sa akin pero, sa pagtataka ko ay wala siya. Pumasok ako sa pantry. Walang tao. Sinilip ko din ang CR pero, wala rin si Naya. Kinabahan na ako. “Where are you, woman?” Dinukot ko ang cellphone ko at tinawagan siya. Unattended ang numero. “Sh*t!” Dali-dal