[ AVA | OFFICE ] DUMAAN muna ako sa bilihan ng kutsenta at puto bago ako umakyat sa taas ng building ng opisina ni Ziggy. Hindi ko man alam kung kumakain siya nito wala naman sigurong masama para subukan. Alam kong late siyang makakapasok sabi niya, pero hindi bali na. Alam kong masarap naman ito dahil madalas kong nakikita ang mga kasama kong bumibili kay Manong. Pipilitin ko si Ziggy na tikman ito, magustuhan niya man o hindi ayos lang. Basta para sa akin puto at kutsenta ang isa sa pinakamasarap na pagkaing almusal o meryenda man. Mabigat ito sa tiyan kaya hindi ka agad magugutom. Masaya akong umakyat hanggang sa taas, nasa ikalabing walong palapag ang building ni Ziggy, nag-elevator nalang ako para mas mabilis akong makarating. "Hi! Ms. Campana..." Napalingon ako kay Allen. Sum