[ AVA CAMPANA HOME POV ] NAUNA nang umuwi si Ziggy nang dumating na ang towing para sa sasakyan nito. Niligpit ko na ang pinagkainan namin, bago nag-ayos ng sarili ko para pumasok. Sabi ni Ziggy, huwag na raw ako pumasok. Hindi naman ako pumayag sa gusto niyang mangyari, mahal ko ang trabaho ko papasok ako hanggat gusto ko. Hindi ko naman kailangan ng pahinga, maayos naman akong nakatulog kagabi. Actually si Ziggy ang may kailangan nito nang pagmasdan ko kung saan siya nakatulog kagabi. Kahit ako mismo mahihirapan sa pwesto niya, mabuti nalang hindi maarte ang amo ko. Simpleng tao lang din si Ziggy, sa ilang sandaling pagkakakilala ko sa kaniya. Inayos ko na ang sarili ko. Tulad ng sinabi niya manunuod daw kami ng sine mamaya, hindi ko man alam kung totoo ito o hindi, sa puso ko nandoon