"Miss basher, kailangan na nating umalis para makarating tayo ng maaga sa resort, pagyaya ni Dally sa akin. Nakahinga ako ng maluwag nang malaman kong kasama ako sasakyan ni Dally. Nalaman ko rin ngayong hapon pa lang pupunta si Hendrex sa resort Nagdala lang ako ng kaunting gamit, baka raw hanggang bukas pa kami doon. Papalabas na ako ng silid nang biglang pumasok si Crayola. "M-mayron kang kailangan?" nauutal na tanong ko sa lalaki. Lumapit ito sa akin at pumunta sa likod ko, nakita kong meron itong hawak na necklace at inilagay sa leeg ko. "Huwag mong aalisin ang kuwintas sa iyong leeg mo, patay ka sa akin oras na makita kong tinanggal mo iyan," pahayag nito. Lalong hindi ako makagalaw nang bumaba ang kamay nito sa braso ko patungo sa beywang ko at marahang pinisil iyon. Umalis di