"Miss Nicole, kay Lord ka sasakay," wika ni Dally sa akin. "Hmmm! Puwedeng sa 'yo na lang ako sumakay?" tanong ko. Pinagbilin po kasi ni Lord na sa kaniya ka sasama at sasakay," wika ni Dally sa akin. "Teka! Bakit sa motor?" tanong ko. "Hmmm! Itanong mo na lang kay Lord, kung bakit motor ang gagamitn n'yong sasakyan," nakangising wika ng babae sa akin. Napataas lang ang kilay ko dahil ng aasar na namanito, ang sarap kuritin sa singit ng babaeng ito. Ngayon gabi kasi ang punta namin sa lugar ni Carlos Madrid, nalaman nila agad kung na saan naglalagi si Carlos. Nakita kong Nakipag-usap muna ito sa mga tauhan. Bago lumapit sa aming pwesto. Sana hindi na lang ako isinama ng lalaking ito. "Let's go!" malakas na wika nito sa akin. Lumapit ito sa motor at nakita kong tumingin ito sa akin,