PART 2

979 Words
"Where I am?!" Emmzirella asked herself nang mahimasmasan o parang nagising siya sa isang malalim na pagkakatulog. Nagulat siya dahil bakit nasa pasilyo siya ng isang ospital, 'ata? And walking?! Wala siyang maalala na nagpunta siya rito sa ospital. She's wondering. Napatingin siya sarili. Mas nagtaka siya dahil nakasuot siya ng bestidang puti na diretso ang pagkakatabas hanggang tuhod. "Ang anak ko!" sigaw ng isang boses na nagpalingon sa kanya. Nabobosesan niya iyon. Boses 'yon ng kanyang ina. Patakbo niyang hinanap kung nasa'n ang kanyang Mommy. Sa nurse station niya ito nakita, kasama ang kanyang Daddy. "Mommy?! Daddy!" takang tawag niya sa mga ito nang makalapit siya. Tumayo siya sa likod ng mga magulang na nag-iiyakan. Why are they crying? What happened? "Daddy, I'm here!" aniya nang tila hindi siya narinig talaga. "Hil, ang anak natin!" narinig niyang hagulhol ng kanyang Mommy. "Jessa, tama na. Makakasama 'yan sa'yo. Halika puntahan natin siya. Stop crying. Narinig mo naman ang sinabi ng nurse, ligtas na ang anak natin." Todo alalay ang kanyang Daddy sa kanyang Mommy. Her eyes knitted. Napaisip siya. May nangyari bang masama sa kanya? Wala naman kasing ibang tutukuyin na anak ng mga magulang niya dahil mag-isang anak lamang siya. Napatingin siya sa dalawang kamay niya. Wala naman siyang nararamdamang kakaiba, ah. Pakiramdam nga niya'y mas malakas pa siya sa kalabaw, eh. Ibinalik niya ang tingin sa mga magulang. "Mommy, Daddy, andito ako! I'm fine!" Nakangiting tawag pansin niya sa mga ito ulit ngunit ang nakapagtataka ay hindi ulit siya pinansin ng mga ito. Bagkus ay iniwan na lang siya basta-basta. Urgh! Hinabol niya ang mga ito. "Dad, andito ako!" sabay kalabit niya sa likod ng ama. Ngunit laking gulat niya nang tumagos ang kamay niya sa likod ng kanyang Daddy. Oh. Em. Gi! Tila napasong binawi niya ang kanyang kamay at hinawakan ng isa niyang kamay. Para siyang natuod sa kanyang kinatatayuan. Natulala siya at 'di alam ang iisipin. She froze. Why gano'n? What the hell happened to her? She was startled! Ang scary, hah?! "Tita, nasa'n po si Emm?!" Humahangos na tumatakbo palapit si Vash. His boyfriend. His rowdy boyfriend, rather! Napalingon siya rito na salubong ang kanyang dalawang kilay. Ngunit mas ikinagulat niya ang sumunod na nangyari. Tumagos kasi ang kanyang nobyo sa kanyang katawan. Napanganga na siya ng tuluyan! This can't be! Isa na siyang ghost! Waaahhh! "Noooo!!!" She screamed on the back of her mind. Unti-unti na niyang naalala ang nagyari. Kaya pala galit siya agad kay Vash! Kanina ay nahuli niya si Vash na kahalikan si Jullie, ang kanyang best friend. At sinugod niya ang mga ito! Kaya naman pinahururot niya ang kanyang kotse pagkatapos ng kaguluhan, pagkatapos niyang kumprontahin ang dalawa. Tapos ay bumangga ang kotse niya sa isang poste! Gawa ng iyak siya ng iyak at hindi niya ito nakontrol ng maayos! Naningkit ang mga mata niya sa ala-alang iyo. Tumulo ang kanyang mga luha. "Ang kapal ng mukha niyang puntahan pa ako rito sa ospital!" ta's gigil niyang bulong sa sarili. Her fist clenched and her teeth gritted as she darted a sharp gaze on Vash. Malaki ang mga hakbang niyang nilapitan ang taksil niyang nobyo. Sasampalin niya sana ito pero hindi niya magawa, para lang siyang hangin na tumatagos sa lahat ng tao at bagay. Sa inis, humalukipkip na lang siyang sinundan ang tatlo. Isang kwarto ang pinasukan nila. Napaigtad pa siya sa gulat ng pagsarhan siya ng mga ito. Hindi ba talaga siya nakikita?! Nakakasakit na sila ng damdamin, ha?! Tss! Trinay niyang ipinasok ang isang kamay niya sa dahon ng pinto, tumagos ito! She grinned. Ang galing, eh! Then sinubukan na niya ang buong katawan niya. Gusto niyang palakpakan nang walang kahirap-hirap eh nasa loob na siya ng private room ng ospital na iyon. Napaseryoso lang siya nang nakita niya ang kanyang katawan na iniiyakan ng kanyang Mommy. At si Vash na hinahalik-halikan ang isang palad niya. Ang kanyang Daddy naman ang kumakausap sa duktor. Pakiramdam niya ay nagtayuan ang mga balahibo niya sa katawan. Seeing her body dead is like... Woah! She can't explain. Napapalunok na lang siya at natutulala. "Ligtas na po ang inyong anak, Mister," magiliw na sabi ng dukto na kanyang narinig. Nag-iba agad ang mood niya sa narinig. Gusto na niyang pumalakpak, ayun naman pala! Akala niya ay ghost na siya ng as in eh. Salamat at buhay naman pala siya. Wew! "Salamat po, Doc." Kinamayan ng kanyang Daddy ang duktor. Tumango lang ito at lumabas na ng kwarto. Lumapit na siya sa kanyang katawan. Gusto niyang itulak papalayo si Vash hindi lang niya magawa. "Kung 'di ko lang alam na may relasyon pala kayo ni Jullie sasabihin ko sana na ang swerte ko! Dahil iniiyakan ako ng boyfriend ko..pero g*go ka! Sana ikaw ang mamatay!" Sinubukan niyang sabunutan ito pero wala talaga. Hangin na talaga siya. Inirapan na lang niya ito ng pagkatalim-talim. 'Pag siya nagising, bibigtiin niya ito ng dextrose! Swear! "Tama na ang iyak mo, Jessa. Okay na ang anak natin," awat ni Mang Hil sa asawa. "Hil, kawawa ang anak natin!" hagulhol pa rin ni Aling Jessa. "Pasalamat na lang tayo at buhay siya," ani Mang Hil. "Vash, ano bang nagyari?" pagkuwa'y baling nito sa binatang nobyo ng anak. "Tito, 'di ko rin alam," tipid na sagot ni Vash. Makikitang nagyuko ito ng ulo. Halatang may itinatago ito, mayroong hindi masabi. "Ulol! Sinungaling kang tarantado ka!" singhal niya sa binata. Lalong nag-init ang ulo niya sa pa-inosenteng nobyo niya. "Humanda ka paggising ko! Isusumbong kita! Manlololoko ka!" Sa inis niya ay nilapitan pa niya lalo ang kanyang katawan, babalik na siya sa kanyang katawan. Para masampal na niya ang lalaking ito. "Hil, ang anak mo gumalaw! Nagigising na siya!" ngunit bigla ay sigaw ng kanyang Mommy na nagpatigil sa kanya. Sindak na napatitig siya sa kanyang katawan. Hindi maari! Andito palang siya, oh! Paanong gigising na siya?!........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD