Kinusot ko pa ng kamay ko ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala sa mga nabasa. Tatlong restaurants ang nagmessage sa akin? Including yung pinakasikat? Matapos kusutin ang mga mata ay binasa ko ulit ang mga mensahe, and it's still there. Totoo nga na may interview ako! "J-Jino!" Excited kong inalog ang balikat niya. "Umm?" Sagot nito na nakapikit pa rin. Hindi ko mapigilang mapahagik-ik dahil sa sobrang tuwa at gusto ko ng ipakita sa kanya ang mga text messages na natanggap ko. "Jino, nakatanggap ako ng text messages mula sa mga restaurant na pinasahan mo ng resume ko!" Pigil na pigil ako na mapalakas ang boses ko. Pagkasabi ko nun ay agad na dumilat ang mga mata niya at napabangon. "Really?" Halatang antok na antok pa siya, pero agad niyang tiningnan ang cellphone ko na inilalah