KABANATA 10

1926 Words

Nataranta ako ng magising na walang saplot at masakit ang buong katawan. Pati ang ulo ko ay pumipitik pitik rin sa sobrang sakit. Mas tumindi ang kabog sa dibdib ko ng marealize na nasa silid ako ni Jino. Ang huli kong naalala ay nang halikan niya ako sa may sala, at kahit wala akong maalala ay hindi naman ako ipinanganak kahapon para hindi maisip kung ano ang sumunod na nangyari pagkatapos nun. Patunay pa na masakit ang katawan ko, lalong lalo na ang kaselanan ko kaya siguradong may nangyari sa aming dalawa. "Diyos ko, ano ba itong nagawa ko?" Bumangon ako at isa isang dinampot ang mga damit ko na nagkalat sa kama at sa sahig, pero nawalan ako ng balanse dahil walang lakas ang mga paa ko at napaupo nalang sa gilid ng higaan. Napasapo din ako sa ibabang banda ng puson ko. I feel so sore.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD