Chapter 6 - Tame

2113 Words
Panay ang linga ko sa paligid para hanapin ang mga kaibigan ko. I still can’t find them. Kahit sina Eros at Jade na sinabing mag-uusap lang ay hindi ko matagpuan. Bukod sa marami ang nasa dancefloor, masiyado ring masakit sa mga mata ang ilaw sa buong club, nahihirapan akong suyurin ng tingin ang alon ng mga tao para hanapin sila. Dumaan ako sa mga nagsasayawan. Hindi mabilang na mga lalaki ang kumausap sa akin at sumubok makipagsayaw o ‘di kaya’y kunin ang number ko, but I was in too hurry to find my friends. Umakyat ako sa itaas habang tinitingnan pa rin ang mga tao sa baba, mahigpit na hawak ang cellphone sa aking kamay. “Where are they—” Naputol ang pagkakausap ko sa sarili nang biglang may humablot sa kamay ko. Hinila ako paakyat sa taas. Umawang ang labi ko sa gulat at bago pa ako makapagsalita ay wala na ang cellphone sa kamay ko. “What’s the pass?” mapang-utos na tanong ng isang baritonong boses. Nag-angat ako ng tingin. Nawala ang pagkakakunot ng noo ko at gulat nang mapagtanto kung sino itong basta-basta na lamang kumuha sa cellphone ko kahit nasa gitna pa kami ng hagdan. His tall physique greeted me face-to-face. Sobra niyang lapit that I could smell his manly perfume. Saktong hindi masakit sa pang-amoy. The chic magnet, huh? He’s wearing a dark long sleeves, nakatupi hanggang kaniyang mga siko, formal trousers, and that high-end wristwatch. And his hair is slightly messy... siguro ay dahil sa pagkapit ng chic niya. “What do you need from me?” mataray kong tanong, tinatago ang kaba at dagundong ng dibdib ko sa bigla naming paghaharap. Nagtama ang paningin namin. Pinilit kong tapangan ang tingin ko sa kaniya at hindi ako nag-iwas. He’s tall enough to make me fold on my knees. Lalo na’t hindi niya inaalis ang tingin niya sa ‘kin. May biglang pumasok sa isipan ko na agad kong pinalis. Oh, heck, Nathalia. Kailan ka pa naging dirty minded? “Anong password?” pag-uulit niya sa tanong, parang nauubusan na ng pasensya. I raised my brow. Kinuha ko pabalik ang aking cellphone. “Don’t you know it’s inappropriate to just get people’s personal belongings? I can sue you!” “Do not test my patience, Nathalia Amaris! Delete that,” he commanded. Namamangha ko siyang tiningnan. Oh, so I’m really right that he knows I’m watching him kiss in public! “Delete what?” mapagpanggap kong tanong sabay tingin ulit sa paligid. Sa wakas ay nakita ko rin si Toshi. “Shi!” tawag ko mula rito sa taas. Hindi pa ako naririnig ng kaibigan ay hinablot na ng playboy na ito ang kamay ko at hinila ako patungo sa itaas. “What are you doing?! Saan mo ako dadalhin?!” singhal ko at binabawi ang kamay ko. Saka niya lang ako binitawan nang makaakyat kami sa taas. Mas kaunti ang naroon kumpara sa baba. Mas madilim din at mas tago. At mas tahimik na naririnig ko siya nang malinaw. Masama ko siyang tiningnan. He looked at me like he’s annoyed by my presence. “Hey, Isles!” One of his friends passed by behind him, confused by my presence, too. Humalukipkip lang ako. “Sab’s looking for you. Iniwan mo raw sa baba.” Hindi niya ito sinagot at sa halip ay nanatili ang tingin sa ‘kin hanggang sa umalis na lang ang kaibigan na may kasama ring babae. Isles, huh? “Delete that, o ako mismo ang magde-delete niyan.” Inangat ko ang cellphone ko sa ere at mapang-asar siyang tiningnan. “And the reason? Afraid people will find out about this, hmm? Sino ba ang babaeng iyon? Your side chic? Will your girlfriend get mad if she finds out about this?” “That’s none of your business,” he answered, obviously pissed. Napabuntonghininga ako at lalong tinago ang phone ko. “This picture will do us a favor! Bakit hindi na lang tayo magkasundo, Isles, or whatever your name is! Just... sacrifice a bit about yourself! Pwede ko naman itong i-send kay Dad at sabihing may nagugustuhan ka nang iba? Kaya hindi maaari ang sinasabi niyang kasal.” “Hindi iyan ang pinag-uusapan natin. Hindi ako pumunta rito para pag-usapan ang tungkol diyan. I-delete mo ang kinuha mo at tapos tayo,” masungit na sabi ni Isles. Umiling ako. “I will not delete that! Hindi mo naiintindihan ang punto ko—” “Will you stop being a brat? Ako ang bahala sa tatay mo. Now, delete that,” utos niya. Hindi ako gumalaw para alisin ang litrato sa cellphone ko. Bakit ba big deal ito sa kaniya? “Delete the photos, Nathalia. Ano ba ang makakapagpatahimik sa ‘yo? Do you want us to do what we did again?” mapanudyo niyang tanong. Mas lalo akong nakaramdam ng galit sa kaniya. Sinubukan kong umalis pero hinawakan niya ako at binalik sa pagkakasandal ko sa railings. Mas nagpuyos ako sa galit. Lumapit siya sa ‘kin at hinawak ang magkabilang kamay sa railings sa aking likod para hindi ako makaalis. Yumuko siya para pantayan ako at ikulong sa pagitan ng kaniyang mga braso. “Give me your phone. Ako ang magbubura.” Nagngitngit ang mga ngipin ko. Bago pa ako makapalag at maitago ang cellphone sa aking likuran ay gumalaw na ang kamay niya para kunin ‘yon. He smiled a bit when he got the phone. Hindi siya lumayo sa ‘kin. Ni hindi siya gumalaw. Nanatili siyang nakatukod sa railings habang nasa harap niya ako. “Pass?” he gently asked. “My birthday,” inis kong sagot. Sinubukan ko siyang i-trick. Siguro naman ay hindi niya alam ang birthday ko? Napangisi ako sa isipan. Nagtipa siya sa aking cellphone. Nakatingin lang ako sa kaniya at hinihintay kung mabubuksan niya iyon o hindi, which I was confident that he won’t! “Hmm, ganda mo rito...” biglang sabi niya dahilan para mapatingin ako sa tinitingnan niya. He’s now browsing into my gallery, which is considered as privacy invasion! Nanlaki ang mga mata ko sabay kuha sa aking cellphone. Nabawi ko iyon at agad kong hinawakan nang mahigpit. “You’re invading my privacy!” I exclaimed. Ngumisi si Isles at mahinang tumawa. “Now, you’re talking about privacy?” “Privacy ba iyon? You are kissing someone in public!” How dare he twist my words! Hindi niya na iyon sinagot pa, at sa halip ay may kinuha sa kaniyang bulsa. Napasunod ang tingin ko sa kamay niyang nangangapa sa kaniyang cellphone. “What are you doing again?” inis kong tanong. Kinuha niya ang cellphone at isang pindot lamang ay bumukas ang camera. Humakbang siya palapit kung kaya’t mas napasandal ako sa railings. Nanlaki ang mga mata ko nang tingnan niya ako sa mga mata. His cold stare pierced deeply into me. Salitan niyang tiningnan ang mga mata ko at ang aking labi. Bumilang iyon nang ilang segundo bago niya tuluyang siniil ng halik ang labi ko nang hindi ako gumalaw upang itulak siya. I froze in my position. Ni hindi ako nakagalaw at nakapag-isip man lang lalo na nang dumampi ang labi niya. He kissed me deeply. Hindi lamang iyon basta pagdampi kundi halik na may kasamang paggalaw ng mga labi. Hinapit niya ako gamit ang isang kamay at mas diniin ang halik. I felt his hot tongue licking my lips, making more speechless and unable to move. I heard a click from his phone camera. Five seconds... five seconds and Isles pulled himself from me slowly. Nakatingin siya sa mga mata ko. Wala akong nagawa kundi mapatingin lamang sa kaniya at hindi nakapag-react sa ginawa niyang pagnakaw ng halik. His hand on my waist slowly slid away from its grip. Bumagsak iyon at kumuyom. Ibinulsa niya ang kaniyang cellphone, seryosong nakatingin sa ‘kin, bago malamig na nagsalita. “The next time we’ll meet, we’ll talk about privacy. I will let you know what privacy truly means.” That clubbing ended worse than I imagined. Now, we’re quits. May picture ako na may kahalikan siyang babae, at may picture siya na kaming dalawa ang naghahalikan! Kahit pa siya naman talaga ang may kagagawan niyon! “I will show you kung sino ang kinakalaban mo. Playboy...” mariing asik ko habang labag sa loob na nag-aayos ng sarili sa harap ng aking vanity table. Isang beses lamang akong pinaalalahanan ni Dad patungkol sa isang dinner nang alas-otso ng gabi. He told me to not do stupid things, at kung hindi ako magpapakita ay ika-cut niya ang credit cards ko. Mahigpit kong hawak ang cellphone ko kung nasaan ang picture ni Isles at ang kaniyang kahalikan. Makukumbinsi ba si Dad kung sasabihin kong may iba na itong nagugustuhan? Pwede kong sabihin sa kaniya na magpapakasal na si Isles at may fiancé na. Or I can just tell him that he’s a playboy, a f*ckboy, a womanizer, or whatever to ruin his image. I can do that, right? Siguro naman ay ayaw niya akong mapunta sa ganoong klase ng tao? I’ve found out who he is. He’s a law student in a prestigious law school here in Manila. I found out he’s the same age as Kuya Cielo. Nasa pangatlong taon na siya sa law school. We don’t have any common friends. Siguro kaya hindi niya rin ako kilala at inakalang ako ang babaeng Sabrina ang pangalan, na tingin ko ay nakilala niya na, walang iba kundi iyong babaeng kasama niya roon sa night club. He finished his undergrad abroad, and now he’s taking law here. I was few minutes early. Mabuti lamang at naka-reserve na ang dinner so I just had to wait for them. Laking pasasalamat ko na lang na si Dad ang nauna bago ang mga mahahalaga niyang bisita. Kasama niya si Mommy. Napangiti ako nang makita ito. My parents really look good together. Although I heard some things about their love story, I only know a bit of it. Hindi ko alam ang buong kwento dahil wala rin namang nagsasabi sa ‘kin. “You’ve finally learned your lesson to show up to important matters,” bungad ni Dad pagkakita sa ‘kin. Pilit na ngiti na lang ang sinagot ko matapos makipagbeso kay Mommy who asked how was my day. Mabait si Mommy Thaliana, but I can’t deny that it is obvious she’s overly submissive towards her husband, my father. Nang makaupo kami sa table na iyon ay kinuha ko ang pagkakataon na kausapin si Dad. “Dad, I have something to tell you... about, uhm, I-Isles...” panimula ko. Nilakasan ko na lang ang loob. This is my last resort to stop this. Kung hindi man ito gagana, then I don’t know anymore. “What is it again?” mahinahon ngunit istrikto niyang tanong. Humugot ako ng isang buntonghininga bago nagsalita. “I saw him kissing another girl which I’m pretty sure his girlfriend, or fiancée probably?” Nag-angat ng tingin si Dad. “And what about it?” “Well, that means... you can’t marry us off, Dad. He is also a playboy... a womanizer. Babaero ang lalaking iyon. He might have a girlfriend, too.” Napailing-iling si Dad sa aking mga tinuran, dismayado at hindi iyon nagustuhan. “It is decided, Nathalia Amaris. You’ll marry next year after he’s graduated in fourth year. And you’re engaged by now... well, later.” “What?” Dad’s eyes remained cold. “Hindi ako ang nagdesisyon niyan. Kayong dalawa ang may kagagawan sa bagay na iyan. You’ll marry or I’ll be forced to get that man behind bars?” Halos panlamigan ako sa aking narinig. “If you don’t marry that Privello, then all you need to do is to wait for the news until he’s jailed. Kahit isang taon pa ang lilipas, the marriage will remain. If you do anything stupid, it’ll be tomorrow.” “Dad! You’ve got to be kidding me!” hindi makapaniwalang saad ko. “He took advantage of you. You were drunk. He could be jailed for it.” Pilit ko iyong pinaliwanag, but he never listened to me. Because he knew well he could manipulate those things. Gamit ang pera at koneksyon ay madali lamang baliktarin ang lahat ng iyon. “This is also the right time for you to find someone who will tame your rebellion. You need to mature and start being useful. I am tired of you being a rebel, Nathalia Amaris. Dapat sa ‘yo ay may umamo at ilagay ka sa tamang lugar. I believe that Privello could do that,” makahulugan niyang dagdag at hindi na ako muli pang binalingan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD