Chapter 7 - Live With Me

2961 Words
“This is also the right time for you to find someone who will tame your rebellion.” Magsasalita pa sana ako pero nanatili na lamang akong tahimik at walang masabi pabalik. Kasabay rin niyon ay siyang pagdating ng mga importante niyang bisita. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at banayad na tinapik ang balikat ko. She didn’t say anything. She just encouraged me to fix my face dahil hindi ako maaaring makita ng mahahalaga nilang bisita na ganito, parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Iyon na sana ang gagawin ko kundi lang umangat ang tingin ko at ang unang nakasalubong ng mga mata sa mga dumating ay walang iba kundi si Isles. There are few businessmen that are Dad’s acquaintances. He doesn’t see anyone as a friend. They’re all merely colleagues. Dumating ang mga nakaitim na kalalakihan. I know some of them. Others are in showbusiness. Some of them are my dad’s age. Some business guy in his 40’s even tried to hit on me before. Ang nagbabadyang luha sa mga mata ko na dahil sa bigat ng nararamdaman mula sa mga sinabi ni Dad ay napalitan ng luha ng galit at pagkainis kay Isles. He was behind someone, pero dahil matangkad siya at nakakaagaw-pansin ang ayos ay kahit sino sa kaniya unang mapapatingin. He immediately caught my eyes, at hindi na ako nagulat na binalikan niya ako ng tingin. Papalapit pa lamang sila sa table, and he’s not even in the front, pero ang masama kong tingin ay diretso sa kaniya dahilan para mapangisi siya nang makita iyon. At talagang pumunta pa siya? He should’ve thought of a solution for this other than showing up! At nakuha niya pa talagang ngisian ako para lang inisin, huh? “Good evening. Have a seat,” Dad greeted them. Nagkamayan sila at naupo sa mga upuan. I greeted them back but it was obviously uneager. Wala man lang nababakas na tuwa sa akin at ang maganda kong ngiti ay plastik. Kahit nasa tapat ko na siya ay hindi pa rin natatapos ang tingin kong nangunguwestiyon kung bakit nandito siya. Inayos niya ang pagkakarolyo ng sleeves hanggang kaniyang siko nang maghatak ng upuan. Sa katapat kong upuan sa mahabang table na iyon siya naupo. Sa kabila ko ay si Mommy at sa dulo na bahagi ng mesa ay naroon si Dad. Hindi ko naiwasan na mapuna ang kaniyang ayos. He’s formal right now. Ang kaniyang itim ng long sleeves ay maayos na nakatupi. Maayos din ang kaniyang buhok, hindi gaya ng lagi nitong ayos na pinapadaanan niya lagi sa mga daliri. “Good evening, Mrs. Sandoval. Aging like a fine wine always...” he greeted my mother. Ngumiti si Mommy at nagpasalamat. Pagtapos ay binalik ni Isles ang tingin sa ‘kin, nawala na ang ngiti na para sa iba. Nagsimulang mag-usap sina Dad at kaniyang mga bisita patungkol sa business o kung ano pa. Kumakain lamang ako at kahit paminsan-minsan ay sumasali sa usapan, mas nanatili akong tahimik at ganoon din si Isles na katapat ko. Laging nagtatama ang paningin naming dalawa. Hindi ako nagkikiming ipakita sa kaniya na hindi ko rin ginusto ang dinner na ito at mas lalong hindi ko ginusto na mangyari ang lahat ng ‘to. “How are you, Miss Nathalia?” biglang tanong ni Mr. Morteo. “I’m perfectly fine, Mr. Morteo.” “You seem quiet tonight. Are you sure you’re okay?” tanong nito habang nasa akin ang buong atensyon. I could be his daughter honestly, pero sa tuwing nagkakaroon ng tiyansa na magkakasama kami sa iisang hapag ay hindi niya mapigilang ipahalata na masiyado siyang interesado. I still responded with respect. Kahit hindi ko gusto na makipag-usap ay patuloy pa rin ito sa pagbabanggit ng patungkol sa kung ano-ano. Natigil lamang nang tumikhim si Dad. “I wanted you to formally meet our new friend,” panimula ni Dad. Nakatingin na ang lahat kay Isles since he’s obviously that new friend. “This is Isles Privello, the heir of the Privellos. He will be the successor of the Privello Law Firm,” saad ni Dad na may bakas ng tuwa sa pagpapakilala rito. Nagtama ang paningin namin ni Isles at hindi nakatakas sa paningin ko ang ngisi niya dahil sa sinabi ni Dad. Tila ba iniinsulto na ang buo naming pamilya at pagkatao. “Oh. Kung ganoon ay ikaw pala ang tagapagmana ng mga Privello? Are you the only heir of all their businesses and properties?” intrigang tanong ng isa. Isles smiled a bit. Tiningnan niya ang kausap. “Yes, Sir, unfortunately.” Natawa ang iba sa kaniyang plastik na biro. I just know that in the back of his mind, he dislikes all these people. They talked more about business and some uninteresting stuff. Seryoso si Isles sa pakikipag-usap sa kanila. Magaling siyang makipagsabayan at makisama kahit siya ang pinakabata sa mga lalaking iyon. “How’s law school? Is politics going well?” may panunudyong tanong ng isa. Saglit na katahimikan ang kasunod ng tanong na ‘yon. Nagmamasid ako kay Isles kaya hindi nakaalpas sa paningin ko ang sandaling pagdilim at pagsilip ng iritasyon sa mga mata niya, but when he looked back at the man he was talking to, hindi ko mapigilang mamangha at maintriga sa matapang at tila walang kinatatakutan niyang tingin. Para bang kahit sabihan mo siya ng kahit anong masasakit na salita, sa huli ay ikaw lang din ang susuko dahil hindi siya masasaktan nito. He’s too cold. Kahit pa marunong naman siyang ngumiti, magbiro, at mang-inis. “Politics in this country still has a long way to go, Governor,” walang pag-aalinlangang sabi niya. Natahimik ang mga nasa mesa. Some wanted to open the topic more, kundi lang sumabat si Dad para baguhin ang usapan. “Didn’t you get your pre-law abroad, hijo? How is it? Is everything easier out there?” Ngumisi si Isles at mahinang natawa sa tanong. “Still a harsh law, Dr. Sandoval.” Bakas ang amusement sa mga mata ng aking ama. Napatango-tango itong interesado sa mga naririnig. Looks like he’s favor of Isles. Siguro ay ganoon talaga ang gusto niya sa isang tao. Malakas, hindi natatakot, matapang... “A close friend’s son was deprived of his own daughter’s right. Ang bata’y mapupunta sa nanay. There is history of her being an abusive mother back then. But, oh, well...” naiiling na turan ng isa. Habang nagtatagal kami sa mesang iyon ay mas nagiging tensyonado ang mga usapan. “Is it proven to the court?” tanong ni Isles na nakuha ang atensyon sa sinabi nito. “They’re still trying to prove it.” Tumango si Isles. “Then until so, the custody will be on the mother. Katotohanan man o hindi, kung walang ebidensyang makapagpapatunay, walang kwenta ang katotohanan,” he said in his low gentle voice. Hindi ko inaasahan na magtatama ang paningin naming dalawa. Napalunok ako sa kabang biglang gumapang sa sistema ko. “Like what they said... the law may be harsh, but it is the law,” puno ng kahulugan niyang sinabi habang nakatingin sa mga mata ko. Napayuko na lang ako at bumalik sa aking pagkain. I am not usually intimidated by people. Kilala ako bilang isang social butterfly. I can befriend everyone kung gugustuhin ko. I am Nathalia Amaris Sandoval after all, a socialite, at ang nag-iisang babaeng anak ng tanyag na doktor na si Constantine Sandoval. But this man has the biggest audacity to say that while looking at my eyes without even a trace of fear, and it’s making my blood boil and my knees shake at the same time. Paghanga ang makikita sa mga naroon. Halata na gusto nila ang presensya ni Isles ngayong gabi. Bumalik na sa pag-uusap ang mga naroon patungkol sa pagtatapos ng nabuksang usapan, and Isles was observing me the whole time. “Oo nga pala, what brought you to this dinner, Mr. Privello? Seems like this is the start of your closeness to Dr. Sandoval?” Hindi pa tapos ang tanong na iyon ay muntik na akong mabulunan sa ‘king kinakain. Medyo nakaagaw iyon ng pansin kung kaya’t agad akong uminom ng tubig at pasimpleng tumikhim. May makahulugan ang seryosong tingin ni Dad sa ‘kin, sinasabing kapag gumawa ako ng panibagong problema ay hinding-hindi niya na iyon mapapatawad pa. Napatingin ako kay Isles na nagmamasid lamang, tila ba natutuwa at isa akong entertainment sa kaniyang harapan ngayon. “Uhm, I need to excuse myself...” paalam ko at dali-daling kinuha ang aking handbag sabay alis sa mesa na ‘yon. It took me a whole five minutes inside the restroom. Hindi ako makapag-isip kung anong gagawin ko. Napatingin ako sa aking repleksyon sa salamin. Maybe I can say there’s an emergency? Or some reason so I don’t have to go back in there! Lumabas ako sa restroom habang nagda-dial. Balak kong tawagan sina Mauve para kasabwatin pero bago pa ako makatawag o makapagtipa ng mensahe ay may kumuha na nito. “What the—” “Texting your boyfriend?” tanong ng isang boses na humarang sa ‘kin paglabas na paglabas pa lamang ng restroom. Isang hallway iyon, walang masiyadong dumaraan. Isa itong mamahaling restaurant at kaunti ang gumagamit ng restrooms. Napatingin ako kay Isles na hawak ang cellphone ko, salubong ang mga kilay na tinitingnan kung sinong tinatawagan ko. Binawi ko ang aking cellphone at inis ko siyang tiningnan. Ginantihan niya iyon nang madilim at naiiritang tingin. “Is it your favorite hobby to snatch my phone?!” pagtataas ko ng boses. “Planning to escape and leave me in the middle of the chaos you created, huh?” nanunuya at mariin niyang tanong. Pakiramdam ko talaga’y may dalawa siyang mukha, anghel sa iba at sa akin ay kulang na lang litawan ng sungay! “Narito ako para kausapin si Dad na itigil ang kalokohan na ‘to. But instead of doing that too, you even showed yourself here! Ano ba ang gusto mo, huh? Humarap tayo roon at sabihing magkarelasyon tayo kahit hindi naman totoo? Is that what you want, Isles?” Hindi niya ako sinagot. Nakatitig lang siya sa ‘kin at sa inis ko ay tinabig ko na siya para makaalis, pero hinigit niya ang kamay ko para pigilan. “What’s your problem?!” singhal ko. “Saan ka pupunta?” salubong ang mga kilay na tanong niya. “Ano? Aalis ka? Natatakot ka na ngayon?” Kahit nanginginig ay tiningnan ko siya nang buong tapang. Oo na, ako na ang mali. Ako na itong tanga! Puro kagagahan! Fine, I understand! They don’t need to slap it on my face for so many times! “I want to get out of here... please,” pakiusap ko at humakbang para umalis ulit pero muli niya akong pinigilan. Nanlaki ang mga mata ko nang marahan niya akong itulak papasok sa loob ng rest room bago pa dumaan ang isang kasama namin kanina sa table. Sinara niya ang pinto sa kaniyang likod at bubuksan ko pa sana iyon ngunit napigilan niya. “Tingin mo matatakasan mo ito? Kung aalis ka, then I’ll go with you.” Nanlaki ang mga mata ko. “Are you insane? I am doing you a favor! Do you really want to be married off to this?! Did you change your mind? Hindi ba’t galit ka sa akin dahil sa kasalanan ko kahit hindi ko naman iyon sinadya? Now, why are you suddenly agreeing with this? Ano ang kailangan mo sa ‘kin, huh?” sunod-sunod kong tanong na nang-aakusa. Bakas ang amusement sa kaniya sa sinabi ko. Ngumiti siya. “Marami akong kailangan sa ‘yo, Miss Nathalia... iisa-isahin ba natin?” Inis ko siyang tiningnan. Is he really enjoying pestering me? “Your father wants me to marry you. Noong una ay ayaw ko talaga... but upon looking at you tonight... nagbago bigla ang isip ko,” he whispered. Niyuko niya ako at hinawak ang mga kamay sa sink na nasa likod ko kung saan atras ako nang atras hanggang mapasandal na ako rito. “Masiyado kang maganda para tanggihan. Don’t you agree, too?” Masama ko siyang tiningnan pero nakangisi pa rin siya at natutuwa. “Oh, galit ka na naman... Nagtanong ako tungkol sa ‘yo at mabait ka raw... pero tuwing nagkakausap tayo, nagtataka talaga ako kung saan banda iyong tinutukoy nila.” Kumuyom ang kamay ko sa pagkakataong ‘yon. One wrong choice of word and I will surely slap him again! “Galit ka ba talaga sa ‘kin? O nahihiya ka lang? Are you still shy about what happened that night?” nangingisi niyang tanong. “Still shy about the fact that we had s*x already?” Hindi ko na talaga napigilan. Umangat na ang palad ko para sampalin siya na mahigpit niyang hinawakan kung kaya’t hindi ko naituloy ang binabalak. “Huwag kang mag-alala. Pakakasal naman tayo.” He smirked, clearly enjoying his evilness. “Get off me,” singhal ko at binawi ang kamay. Tuwid siyang tumayo at lumayo sa ‘kin, sinuksok ang magkabilang mga kamay sa kaniyang bulsa at mataman akong tiningnan. “Kung aalis ka, para mo akong pinain sa kulungan. Do you think there’s any other solution for this?” Napalunok ako. Hindi ako nakasagot. Pakiramdam ko ay nawala ang tapang ko. “We have no choice but to marry. Bakit hindi tayo magkasundo, hmm?” marahang tanong niya. Umamo ang mga mata na tila naging anghel bigla. “We can have a deal, Nathalia. Iyong magkakasundo tayo.” Nangunot ang noo ko. “W-What deal are you talking about?” matamang tanong ko, nakuha ang atensyon sa kaniyang sinabi. Ngumisi si Isles habang nakatingin sa ‘kin, at saka sinabi ang planong pagkakasunduan namin. Hindi ko alam kung anong mahika ang meron siya para mapapayag ako. Well, it sounds good and... I could say it’s favorable to me. “Do you want me to go first? Or you?” tanong niya at nilahad ang pinto ng rest room pagtapos ng napag-usapan namin. Pinakatitigan ko siya bago ngumiti at sinenyas ang pintuan. Mahina siyang natawa at lalakad na sana patungo rito, but before he could even do that, inunahan ko na siyang lumabas sa rest room at iniwan siya roon. Narinig ko pa ang kaniyang halakhak. Pag-upo ko sa table ay bakas ang masama na tingin ni Dad, pinupuna na binabalak ko yatang tumakas pero ngumiti na lamang ako at sumali sa kanilang pag-uusap. After exactly five minutes, Isles came back, too. Wala namang nakapuna niyon. Nagtama ang paningin namin nang hatakin niya ang kaniyang upuan sa tapat ko at naupo roon, maayos na nirorolyo ang kaniyang sleeves. Tumikhim si Dad. Napatingin na ako rito at gaya ng inaasahan ay binanggit niya na ang patungkol sa pinipilit niyang engagement. “Thank you for joining us tonight, gentlemen. Ngunit bago matapos ang pagsasalong ito, I wanted to share to you... an important day for my dear daughter, Nathalia,” panimula ni Dad. Tila naging interesante rin sila sa bagay na ‘yon. Dad smiled and introduced me and Isles again. “The reason that Mr. Privello is here is because of his engagement to my daughter, Nathalia,” Dad announced. Gulat man ay binati nila kami. Ang iba sa kanila ay natutuwa at inasahan na rin iyon. Ang engagement na iyon ay sadyang hindi pinaalam sa iba pa. “I hope we see you more in dinners like this, Mr. Privello. We would make good friends,” sambit ni Mr. Morteo. Isles smiled and agreed. Magaling talagang mamplastik. “Is my daughter nice to you, Mr. Privello? Kung magpasaway man ito sa ‘yo, huwag mo na sanang ibalik sa akin na kaniyang ama. You surely can deal perfectly with women.” And they all chuckled. Nakatingin lamang sa ‘kin si Isles habang prenteng nakaupo at sumisimsim sa wine. “Sure, Dr. Sandoval. I’ll take care of your daughter...” Napalagok ako sa aking wine. “Nathalia, don’t be too much of a headache, alright?” Ngumiti ako at tinutok ang mga mata sa Isles na iyon bago sinagot si Dad. “Of course, Dad.” Natapos ang dinner na iyon at naunang makaalis ang mga bisita. Ang naiwan na lamang doon ay kaming apat nina Daddy, Mommy Thaliana, at si Isles. “Thank you for joining us for tonight’s dinner, Isles, hijo,” pasalamat ni Mommy, which Isles responded to respectfully. Bakas naman sa aking ama ang tuwa dahil sa pagpayag ni Isles sa kagustuhan niya. “I’m glad you agreed, Mr. Privello... you’re wiser than I thought.” “It’s really important to be wise in life, Dr. Sandoval. Bukod pa roon, sino ako para tanggihan ang isang Sandoval?” He raised his brows and winked at me. Halos umikot ang mga mata ko. The night ended with an engagement ring on my finger. We agreed to a deal. Pumayag ako sa inilatag niyang kasunduan naming dalawa na kami lang ang nakakaalam at ang pinakamalaking bagay rito ay pagpapanggap. Pero nakalimutan kong hindi ko lubos na kilala si Isles. He’s devious. He’s a playboy. He’s a gamer... at iba siya kung maglaro, nakakabasag, nakakadurog, masakit... “But I forgot to say my one and only condition, Dr. Sandoval...” biglang sabi ni Isles dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Ang malalim niyang mga mata at matalim na tingin ay tila kuryenteng dumaloy sa sistema ko. “What is it?” tanong ni Dad. Binaba ni Isles ang baso ng alak sa hapag at diretso akong tiningnan. Ang kaniyang kamay ay naglalaro sa baso ng alak na pinapaikot niya sa kaniyang kamay habang prenteng nakaupo sa kinauupuan, seryoso ang malalim na tingin. “Nathalia will live with me from now on.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD