Hindi ako nakasagot sa sinabi niya, gusto niya ikuwento ko kung papano kami nag kakilala, eh kung iisahin isahin kong ipaliwanag lahat ng iyun aabutin ako ng siyam-siyam sa pagpapaliwanag. Baka abutin pa nga ng isang linggo, kaya minabuti ko nalang na sabihin na hindi ko maikukuwento. " am Allan, hindi ko kase kayang ikuwento, ano kase, magulo, ang totoo nakiki'agaw lang ako ng atensyon sa girlfriend mo, wala naman talagang kasiguraduhan ang relasyon natin, dahil nakaw na pakikipagrelasyon ang namamagitan sa atin." matapos kong sabihin iyun, napansin ko ang malalim nitong pagbuntong hininga, at itinigil muna nito saglit ang pagsubo ng pagkain, saka ako tinitigan sa muka, "Si fiona ba ang tinutukoy mo?" nagulat naman ako sa sinabi niya, nakaramdam ako ng konting pagkirot sa aking dibdib