Ilang minuto pa bago ako pinahintulutan na makapasok sa loob ng kwarto niya, nakita ko naman siya namahimbing na natutulog, nilapitan ko siya at naupo ako sa tabi niya, nagdala rin ako ng flower at mga prutas, inilapag ko naman ang ko sa maliit na lamisa na nasa gilid lang ng kama, at pinakatitigan ko naman ang muka niya ulit sa pangatlong pagkakataon. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng oras nato sa tuwing matitigan ko siya, may kung anung kirot at saya na pinaghalo ang nararamdaman ko sa puso, at parang mayron siyang bahagi sa buhay ko na hindi ko ma alala, pero hindi ko nalang inintindi ang nararamdaman ko. tumingin naman ako ng bahagya sa mga mata niya na nakapikit at ng madako naman ang paningin ko sa mapupula niyang labi bigla akong napangiti at tila may naiisip na gawin, b