nag lakad ito papalapit sa akin, ng makita ko siya ganun nalang gulat ko, kahit pa nakasuot pa siya ng facemask kita ng dalawang mga mata ko na malaki ang pagkakahawig niya sa taong matagal ng namatay, hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil sa unti unti niyang paglapit, at siya naman parang ikinanginginig ng buo kong katawan, tulala lang ako na nakatitig sa kanya at lalong bumibilis ang t***k ng puso ko, habang nakatitig ako sa mga mata niya, nangunot pa ang noo ko ng saglit ako may maalala, na alala ko yung lalaking nakita ko sa resort at malaki ang pagkakahawig niya. Naalala ko rin na pareho sila ng mga mata, agad akong napabalik sa ulirat ng bigla ito mag salita , " Hi!.." bati niya na may malamig na tono ng boses, nang makarating siya sa kinauupuan ko. Bigla naman akong tumayo,