Enjoy reading!
HINDI ako pwedeng manatili rito. Iminulat ko ang aking mga mata. Nakayakap pa rin si Aiden sa 'kin. Kahit na tulog na ay mahigpit pa rin ang yakap niya.
Dahan-dahan kong tinanggal ang braso niya na nakayakap sa 'kin.
Isa lang ang naiisip ko pagkatapos ng nangyaring ito. Kailangan ko ng magpakalayo sa kaniya. Walang dapat na makaalam sa nangyari sa amin. Ayaw kong may makaalam.
Nang magtagumpay akong matanggal ang braso niyang nakayakap sa 'kin ay agad akong tumayo. Hindi ko ininda ang pagod at sakit ng katawan ko. Agad kong pinulot ang damit ko sa sahig at sinuot ang mga 'yon.
Ngunit hindi pa ako nakaka hakbang ay agad na nagising si Aiden.
"Iiwan mo ulit ako?" Napatingin ako sa kaniya. Agad siyang bumangon at lumantad sa 'kin ang hubad niyang katawan.
"Kalimutan na natin ang nangyari sa atin kanina," sabi ko at humakbang na papunta sa pinto. Ngunit agad din akong napahinto nang magsalita siya muli.
"Ganon na lang ba 'yon? Wala lang sa 'yo ang nangyari sa 'tin?" Seryoso niyang tanong. Masama ang tingin niya sa 'kin.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong niya.
Hindi ako dapat maniwala sa kanya. Paano kung may balak na naman siya kaya niya ginagawa sa 'kin 'to?
"Isang pagkakamali ang nangyari sa 'tin Aiden. Walang dapat na makaalam kung anong meron tayo noon. Dahil tapos na tayo," sagot ko.
Hindi siya sumagot. Sa halip ay pinulot niya ang mga damit niya sa sahig at sinuot ang mga 'yon. Pagkatapos ay lumapit siya sa 'kin kaya napaatras ako.
"Hindi pa tayo tapos. Kasal pa rin tayo. Asawa pa rin kita." Mariin niyang sabi.
Agad akong umiling. "Simula nang umalis ako ay wala na akong asawa. At lalong wala akong asawa na ginamit lang ako," galit kong sagot.
Agad akong lumabas ng kwarto at diretsong lumabas sa bahay na 'yon. Hindi ko alam kung anong oras na ba? Kung tapos na ba ang mga kasamahan ko sa pag-inom.
Tumingin pa ako sa paligid ko kung may nakakita ba sa 'kin at saktong pagtingin ko sa kaliwa ay nakita ko si Shiela na nakatingin din sa 'kin.
Masamang tingin lang ang nakikita ko sa kanya. Agad akong kinabahan sa maari niyang sabihin sa 'kin. Sa maaari niyang sabihin sa mga kasamahan namin.
Agad siyang lumapit sa 'kin. Hindi pa rin siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa 'kin. Na para bang hinihintay ako na magsalita.
"Shiela...."
"Ayaw mo pa kasing umamin sa 'kin. Ngayon nahuli na talaga kita. Magsisinungaling ka pa ba?" Seryoso niyang tanong.
Hindi ko alam kung galit ba siya o sadyang ganyan lang siya magsalita.
Hihilain ko na sana siya palayo roon nang biglang bumukas ang pinto at lumabas doon si Aiden. Napalayo ako ng kaunti sa kanya at ganoon din ang ginawa ni Shiela nang makita niya si Aiden.
Napatingin si Aiden kay Shiela. Hindi manlang siya nagulat nang makita si Shiela. Sa halip ay lumapit siya sa 'kin.
"She's my wife," napalaki ang mga mata ni Shiela nang sabihin iyon ni Aiden. Habang ako ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin.
"K-kailan? At paano?" Naguguluhang tanong ni Shiela.
"Matagal na kaming kasal. Tatlong taon na. Iniwan niya lang ako," gusto kong i-tama ang huling sinabi ni Aiden pero nagulat ako nang pinakita niya kay Shiela ang wedding ring na suot niya. Damn it!
"Talaga? Ma'am Anthonette hindi ka manlang nagsasabi sa 'kin na kasal ka na---"
"Ma'am Shiela tara na. Kailangan na natin matulog." Agad kong hinila si Shiela palayo roon.
Sobra-sobra na ang kaba ko ngayong gabi na 'to. At kung nagtagal pa kami roon ay baka kung ano pa ang sasabihin ni Aiden kay Shiela.
Pagdating sa kubo ay nakita kong tulog na ang isa pa naming kasama. Mahimbing na natutulog.
"Ma'am Shiela sana sa atin na lang 'yong mga nalaman mo kanina," mahina kong sabi sapat lang para marinig niya.
"Huwag kang mag-alala ma'am Anthonette. Safe sa 'kin ang sekreto mo," nakangiti niyang sagot at tinaas pa ang kanang kamay. At doon lang ang nakahinga ng maluwag.
Mukhang mapagkakatiwalaan naman siya. Sana nga.
"Pero bakit mo itinago sa amin na kasal pala kayo ni Mr. Sarmiento?" Tanong niya.
Sasabihin ko ba ang totoo? Na ginamit lang ako ni Aiden noon para makuha ang gusto niya. Ang inaasam niyang kompanya?
Na kaya ko tinatago ang tungkol sa amin ni Aiden dahil ginamit lang ako.
"Mukhang hindi ka pa handa na sabihin sa 'kin ang nakaraan niyo," dugtong niya.
"Sorry, Ma'am Shiela. Hindi ko pa talaga kayang sabihin sa ngayon," sagot ko.
Ngumiti siya. "Okay lang 'yan. Matulog na tayo." Sabi niya at ngumiti. Hindi na ako nagsalita pa.
Lumapit ako sa dala kong bag. Kumuha ako ng damit. Kailangan kong magbihis. Gusto kong linisan ang katawan ko.
"Hating gabi na. Magha-half bath ka pa?" Tanong niya nang makita niya akong may dalang damit at tuwalya.
"Oo. H-hindi kasi ako sanay na hindi naghuhugas ng katawan tuwing gabi," pagsisinungaling ko. Pagkatapos sa nangyari sa amin kanina ni Aiden ay hindi ko kayang matulog na hindi nalilinisan ang katawan ko.
Nang hindi na siya sumagot ay agad akong pumunta sa isang kahoy na pintuan. Agad akong pumasok doon at agad na naghugas ng katawan.
Habang dinadama ang tubig sa aking katawan ay hindi ko maipigilan na hindi maalala ang nangyari sa amin kanina ni Aiden. Damn it! Sabi ko na nga ba at pagsisisihan ko ito ngayon.
Bakit pakiramdam ko ay talo na naman ako? Bakit parang tanga na naman ako? Naiinis ako sa sarili ko.
Pagkatapos ng ilang minutong pagbabad sa tubig ay agad na akong nag bihis. Malalim na ang gabi. Kailangan ko ng magpahinga. Hindi ko na dapat pang isipin ang nangyari. Katulad ng sinabi ko kay Aiden kanina ay dapat ko ng kalimutan iyon.
Paglabas ko ng banyo ay nakita kong nakahiga na si Shiela sa higaan niya. Kaya ganoon din ang ginawa ko.
Lumapit ako sa higaan ko. Tig-isa kaming higaan. Sakto lang para sa isang tao. Si Shiela sa gitna habang kami ng isa naming kasamahan ay sa magkabilang gilid.
Nakita kong nakapikit na ang kanyang mga mata. Siguro ay tulog na siya. Habang ako ay mulat na mulat ang mga mata. Hindi ako makatulog. Gulong-gulo ang isipan.
——
Kinabukasan, kahit antok pa ay kailangan kong bumangon. Kahit medyo masakit ang katawan ko ay bumangon ako at inayos ang sarili at ang mga gamit ko.
Bago kami uuwi mamaya ay may pupuntahan pa raw kami. Hindi sinabi sa amin kung saan.
Kaya pagkatapos kong maligo at magbihis ay sabay kami ni Shiela na lumabas dala ang aming mga gamit. Kaunti pa lang ang mga tao sa labas. Siguro ang iba ay tulog pa.
"Good morning, ma'am Anthonette," napatingin ako kay Diether nang salubungin niya kami. Nakangiti siya habang nakatingin sa 'kin.
"Good morning," bati ko rin sa kanya at ngumiti.
Habang hinihintay ang iba pa naming mga kasamahan ay panay ang tingin ko sa paligid.
Napatingin ako sa tatlong puting van na sasakyan. Kapapasok lang ng mga 'yon sa gate ng resort.
"Nandito na pala ang maghahatid sa 'tin ," biglang sabi ni ma'am Laina.
Pati pala sa pag-uwi namin ay sagot ni Aiden. Hindi ko alam kung kami lang ba ang hinahatid o 'yong iba rin na narito?
"Ang yaman talaga ng asawa mo, ma'am," bulong ni Shiela. Tiningnan ko siya. Nakangiti siya sa 'kin. Na para bang kinikilig siya sa mga nalaman niya kagabi.
"Kompleto na ba ang lahat? Bago tayo uuwi ay gusto tayong ipasyal ni Mr. Sarmiento sa kanyang kompanya," nagulat ako sa sinabi ni ng principal namin.
Ano na naman ba ang binabalak ni Aiden? Bakit pati ang kompanga niya ay kailangan pa naming puntahan? Ang usapan lang ay resort.
Naramdaman ko ang siko ni Shiela sa tagiliran ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti pa rin siya na para bang inaasar ako. Mapagkakatiwalaan ko ba talaga ang isang ito kapag sinabi ko na sa kanya ang tungkol sa amin ni Aiden?
Ngayon pa lang kasi ay pinapahalata niya na.
Ilang sandali pa ay agad na kaming pinapasok sa loob ng sasakyan. Nauna si Shiela sa 'kin dahil sumama siya sa isa namin na kapwa guro. Habang ako ay tamang hintay lang sa mga nauuna sa akin sa pagpasok sa loob.
Nang nasa pinto na ako ng sasakyan ay agad akong napahinto. Nakita ko sa loob na wala ng bakanteng upuan. Puno na.
"Ma'am Anthonette, baka sa pangalawang sasakyan meron pa," sabi ni Shiela at tinuro ang nasa likod na sasakyan.
Tumango lang ako at agad na naglakad sa pangalawang sasakyan. Sisiksikan din doon kaya naghintay ulit ako na makapasok sila. At katukad nang naunang sasakyan at puno na rin at wala ng bakanteng upuan. Damn it!
Bakit kasi tatlong van na lang ito? Nang pumunta kami rito ay limang sasakyan naman ang sumundo sa amin.
Wala akong nagawa kundi ang pumunta sa pangatlo at pinaka huling sasakyan.
Nakita ko na mukhang lahat ay nakapasok na sa loob. Siguro ay mayroon pang bakanteng upuan sa loob.
Sumilip ako sa loob at nilibot ang paningin kung mayroon pa bang bakanteng upuan doon. Pero katulad ng dalawang sasakyan ay puno na rin.
Ano ba ang nagawa kong mali ngayong araw na ito? Bakit parang minamalas ako ngayon?
Kung puno na lahat ng sasakyan, saan ako sasakay? Sa bubong? Agang-aga minamalas ako.
"Ma'am Anthonette, puno na ba yung dalawang sasakyan?" Tanong ni Ma'am Laina.
"Opo, ma'am. Wala na pong bakanteng upuan," sagot ko.
"Ako na po ang bahala sa kanya."
Napatingin ako sa likod ko. Sa gulat at ay napaatras pa ako at napasandal sa sasakyan.
"Thank you, Mr. Sarmiento. Wala na kasing bakanteng upuan. Puno na lahat," sagot ni Ma'am Laina.
Ang ibig sabihin ba nito ay sasabay ako kay Aiden? Sasakay ako sa kotse niya? No!
"No problem, Ma'am. Tutal ay wala naman akong kasabay sa kotse ko." Sagot niya.
Hindi pwedeng magsabay kami sa iisang sasakyan. Kailangan kong tumanggi. Kailangan kong makahanap ng paraan.
"Ma'am, baka po kahit sisiksik na lang ako. Okay lang po sa 'kin," mahinahon kong sabi.
"Ano ka ba ma'am Anthonette. Alam kong nahihiya ka kay Mr. Sarmiento pero mas komportable ka roon kaysa sisiksik ka rito sa amin." Sagot niya.
Napatingin ako kay Aiden na ngayon ay nakatingin din pala sa 'kin. Sinamaan ko siya ng tingin. Pero nanatili ang mga mata niya sa 'kin na para bang wala kaming ibang kasama.
"Let's go." Sabi niya at naglakad na patungo sa isang itim na kotse.
Muli akong napatingin sa loob ng van at kay ma'am Laina. Pagkatapos ay kay Aiden na ngayon ay hinihintay ako. Wala akong nagawa kundi ang maglakad papunta sa kanya.
"Ma'am Anthonette!" Napalingon ako sa sigaw ni Shiela. Kumaway siya sa 'kin.
"Enjoy!" Sigaw niya ulit. Hindi ko siya pinansin. Pinagpatuloy ko ang paglalakad palapit sa kotse ni Aiden.
Isang Audi A7 ang kotse niya. Kulay itim iyon. Nang makalapit ako sa kanya ay kinuha niya ang bag kong dala. Ayaw ko pa sanang ibigat 'yon pero nakuha niya na sa 'kin.
Binuksan niya ang back seat at nilagay roon ang dala kong bag.
"Wait me here. Kakausapin ko lang ang mga driver." Sabi niya at agad na naglakad papunta sa puting van.
Hindi ko alam kung ano pa ba ang sasabihin niya sa mga 'yon. Nakita kong tumango lang ang tatlong driver at bumalik sa kani-kanilang van.
Diretso akong nakatingin kay Aiden habang papalapit siya sa 'kin. Pinipilit kong maging matapang sa paningin niya.
"Let's go." Sabi niya nang huminto siya sa harap ko.
Hindi ko na hinintay pa na pagbuksan niya ako ng pinto. Ako na mismo ang nagbukas ng pinto ng front seat para sa sarili ko. Hindi ko na siya nilingon pa. Pagkasakay ay agad kong sinarado ang pinto.
Umikot naman siya para sumakay sa driver seat. Nakatingin ako sa labas at nakita kong papaalis na ang tatlong puting van. At kami ang pang huling aalis.
Napakunot noo ako sa aking naisip. Hindi ba dapat ay kami ang mauuna sa byahe dahil siya ang may-ari ng kompanya kung saan kami pupunta ngayon? Pero bakit kami ang huli?
Humarap ako kay Aiden na ngayon ay inaayos ang kanyang side mirror.
"What?" Tanong niya habang hindi nakatingin sa 'kin. Nakita ko sa side mirror na roon siya nakatingin.
"Hindi ba dapat tayo ang nauuna sa byahe dahil ikaw ang nakakaalam kung saan ang kompanya mo?" Tanong ko.
Tapos niya ng ayusin ang side mirror niya. Ngayon ay nakatingin siya sa 'kin.
"Alam ng mga driver ko kung saan ang kompanya. Don't worry, okay?" Sagot niya at agad na sumunod sa huling van.