Mainit at malamlam ang sikat ng haringa araw na pumapasok sa nakabukas na bintana ng araw na iyon. Sa hitsura ng maaliwalas na langit ay tila ba walang nagbabadyang pagbuhos ng isang malakas na ulan. Mabilis na bumangon si Gucci sa kanyang pagkakahiga nang marinig ang maingay na alarm ng kanyang cellphone. Nagising siya ng alas-kwatro ng umaga upang magbanyo, at muli siyang bumalik sa kanyang higaan. Kaagad at nakangiti niyang tinupi ang kumot at sinalansan iyon sa kanyang hinigaang kumot at mga unan. Payakap na binuhat niya ang mga ito at walang imik na dinala sa malaking kahon na nasa malayong sulok. Ipinatong niya ang mga iyon doon at malawak ang ngiting nilingon ang estranghero. “Good morning!” nakangiting bati niya sa lalaking hanggang ngayon ay mahimbing na natutulog pa rin, mula